Nakatulala lang ako sa loob ng sasakyan ni Rance. Still wondering why I've agreed to this kind of set up – Gosh! Ganito na ba talaga ako ka desperada para mapalapit lang sa kanya? Hindi ko naman kasalanan eh. Kahit na anong tanggi ko sa sarili, hindi ko pa rin mapigilan na pumayag sa alok niya.
Sa simula nang araw nato, I'm gonna be his girlfriend. Malay ko ba? Baka pag-asa ko na to para mapa-ibig siya sakin. Desperada na kong desperada pero wala na akong paki sa opinyon ng iba.
" Antonia." Rance called. Napatingin naman ako sa direksyon niya na nasa driver's seat. Ang sarap namang pakinggan ng pangalan ko na galing sa bibig niya. He's the only one who calls me by my full name.
He smiled softly at me. Reasurring me na magiging okay ang conference.
Yes, he'll be in a conference at kasama ako. After ng pag-uusap namin kanina, he immediately called his manager to arrange a conference. After a few hours, handa na ang lahat at kami nalang ang hinihintay. Sabi ni Rance sasabihin na daw namin agad sa lahat ang tungkol saming dalawa para naman hindi lumala lalo ang issue.
I felt a pang of sadness dahil alam ko na ang set up nato ay for the benefit lang namin. He needed this para mawala na yung mga chismoso't chismosa na nangingialam sa private life niya, he needs me para may iba siyang atupagin maliban sa trabaho– In short, he's using me and I don't care at all. Kong kailangan kong magpakatanga para mapalapit lang sa kanya, gagawin ko yun. But I also felt a tiny bit of hope dahil baka itong pagpapanggap namin ay magkatotoo. Get a grip! Hindi to pelikula!
Ang bilis ng pangyayari ano? It's so surreal. Napaka unrealistic lang.
I sighed nervously tsaka dali-daling inayos ang sarili ko. I need to make myself look decent – Ano nalang ang sasabihin nila? Kailangan ko ring magpakatatag dahil marami ang mangba-bash sakin kasi may maiingit at magagalit. Hindi ko rin mapigilan na mapa-isip sa mga magulang ko, what will they say?
" You don't need to do that." Pang-aagaw niya sa atensyon ko. Tiningnan ko siya at nakitang titig na titig siya sakin. Hindi ko mapigilang mamangha sa kagwapohan niya. And god how I love his shoulder-length hair tied up again in a messy bun, I wonder how it would feel to run my fingers on them. I bet it's soft.
" You know, I hate it when girls put too much make up on their face. Hindi naman sila clown eh. Ang panget lang tingnan. Guys like me are more into natural beauty. Hindi yung palaban lang sa make up."
" Bakit? I'm not putting make up naman ah?"
Umirap naman siya, " Wala naman akong sinabi na ikaw eh. I'm just telling you para ma aware ka. Don't be like those girls – Even without make up, you're still beautiful." Ngumiti siya at lumabas agad sa kotse.
Na habit niya na ba na iwan akong tulala sa mga banat niya?
Nabigla naman ako nang bumukas ang pinto sa passenger's seat – Omg for real? Alam kong maliit na bagay lang to pero pinagpapantasyahan ko rin na pinagbubuksan niya ako ng pinto. Simpleng bagay lang to pero masaya na ako, " Huy! Ano tutunga ka nalang diyan?" Natatawa niyang sabi. Ang gwapo niya lalo kapag nakangiti, " Gusto mo bang buhatin kita?"
