Nagising ako ng tumunog ang alarm clock. Maaga ang klase ko ngayon kaya kahit na antok na antok parin ako dahil nagpuyat ako kagabi, kailangan ko pa rin bumangon. I huffed, imbyerna lang.
Papasok na sana ako sa banyo nang may kumatok sa pinto. I made a grumbling sound as I stalked towards the door. Nang binuksan ko yun, si Manang Rose lang pala. Matagal na naming katulong dito sa bahay.
Ngumiti naman siya, " Good morning, hija. May bisita ka sa baba." Bungad niya sakin. Napakunot naman ang noo ko. Si Jill kaya? Imposible. Kakasabi nga lang niya kagabi na hindi muna siya papasok ngayon eh, masakit daw ang katawan niya. Hmm I wonder why – Tsk mamaya ko nalang yun tatanungin. Pupuntahan ko yun sa bahay nila.
" Nasan si mama, si papa at kuya?" Tanong ko. I noticed kasi na tahimik ang buong bahay.
" Umalis na sila kanina lang." Sabi niya. Napatango nalang ako.
With no word, I got out of my room at bumaba, " Teka hija – " Rinig kong sambit niya pero nagmamadali akong bumaba dahil baka ma late na naman ako. Ang tagal ko pa namang maligo. Baka si Queenie to, ka group ko sa project namin. She left me a message yesterday na baka pupunta siya sa bahay at kukunin sakin yung file.
Nang makababa na ako, I tripped on the floor when I saw who it was. Punyeta.
" You're so clumsy, Antonia." Natatawa niyang sambit at tinulungan akong makatayo. Nagulat naman ako ng bigla niyang binawi ang pagkakahawak sakin na para bang napaso siya at napa iwas ng tingin.
" Dios mío. Qué diablos."(Oh God. What the heck.) He muttered. Tiningnan ko lang siya ng takang-taka, he's as red as tomato.
Napakamot naman si Rance sa kanyang batok at biglang hinubad ang kanyang leather jacket. I gulped when I saw how his muscles flex – Dear god, couldn't this man be anymore perfect?
" What are you doing?" I asked when he covered me with it. Pero hindi niya ako sinagot.
" Nauubusan ka ba ng bra?" Tanong niya bigla, nakatingin na siya ngayon sakin. Napaawang naman ang bibig ko dun. Ba't ba siya nagtatanong tungkol sa bra ko? Hihiram ba siya?
" Of course not!"
He crossed his arms at tinaasan ako ng kilay, " Then why can't you wear one?"
Then it dawned on me.
SHIT SHIT! NAKAKAHIYA!
Tinakpan ko naman ang dibdib ko dahil sa kahihiyan. Damn this! Wala na – Nakita na niya! Jusko sa lahat ng bagay bakit eto pa ang nakalimutan ko? Ano nalang ang iisipin niya? Na inaakit ko siya?! Hell no!
" Do you do this often?" I heard him asked.
