#2

1.2K 22 2
                                    

(Still a flash back)

"Stephen..."

"Ano?"

"I want to quit..."

"Saan?" Hinawakan ko yung kamay niya at huminga ng malalim bago ako sumagot.

"Sa gang natin"

"Huh?" Tanong niya

"Gusto ko na magquit sa gang"

"Bakit?"

"Kasi kami na ni Andy" Binitawan ni Stephen yung kamay ko na nakahawak sa kamay niya.

"Anong sinabi mo?" Sigaw niya sa akin

"Stephen naman! Di ako bingi" Hampas ko sa kanya sa may balikat niya

"Paki ulit nga kasi yung sinabi mo?"

"Kami na nga ni Andy"

"Kelan pa?"

"Kanina lang. Stephen and sweet niya kasi sa akin tapos kinantahan niya ako sa room namin"

"Ria kelan ka ba magtatanda ha?"

"Stephen diba sabi mo sa akin 'anything that makes me happy is okay with you?"

"Oo nga kaso Ria playboy yan si Andy"

"Pano mo naman nalaman?"

-Silence-

Hindi na nagsalita si Stephen.

"See hindi ka naman pala sigurado sa sinasabi mo eh"

"Bahala ka na nga. Hindi mo ko tatay para pigilan ka. Basta wag kang pupunta sa akin pag sinaktan ka ng lalaking yun"

"Yey! Bait talaga ng best friend ko"

Nagtatalon na ako sa tuwa.

Sikat ako sa school namin. Idk kung bakit I mean oo sige maganda ako kaso naman isip bata ako eh. Inosente. Lapitin ako ng mga lalaki lalo na yung mga sikat dito sa school namin. Brinebreakan ko sila. 1 week na ata yung pinakamatagal kasi ayoko silang saktan dahil hindi pa ako handing magmahal uli. Kaso ang naging tingin naman sa akin ng mga tao ay isang "Heart breaker". Isang walang awa at walang pusong manggagamit. I beg to differ. Hindi ako Heartbreaeker, sadyang I have personal reasons kung bakit naging ganito ako. Meron akong naging boyfriend. Matagal din kami siya yung pinakaseryoso kong relationship. We lasted for almost 2 years. Siguro kung hindi nangyari yung nangyari that day, kami pa rin Siguro. Hindi Siguro ako naging Heartbreaker.

Kwento ko?

Sige. Wala naman kayong Choice eh.

20th Monthsary namin ngayon. We were madly in love with each other.

I quit everything I enjoyed dahil sa sobrang mahal ko siya.

"I love you babe. Happy Monthsary" Bati niya sa akin sabay yakap.

"Happy-" Nagulat na lang kami kasi bigla nagtitilian na yung mga tao. Hinila naman ako ni Andrew tapos nilagay niya ako sa likod niya.

"mga pare ano bang problema niyo?" Tanong ni Andrew.

"Manahimik ka kung ayaw mong masaktan" Sabi nung isang lalaki habang tinutukan ng baril si Andrew. Ginapusan nila kaming dalawa ng sobrang higpit.

"Maawa naman kayo please? Ano bang kailangan niyo sa amin?" Sabi ko na halos nangingiyak na

"Marunong ka palang mag-makaawa, Alpha Queen?" Sabi nung tao sa likod ko. Pagtingin ko sa likod nakita ko ang isa sa pinaka matindi kong kaaway, Si Blue Dragon.

"Blue Dragon" I whispered.

"Bingo. Kilala mo pa ako" Sabi niya sabay tawa.

Dinampot kami ng mga tauhan niya at dinala sa isang liblib na lugar.

"Pede bang pakawalan mo na si Andrew. Please? I'm begging you! Ako kailangan niyo diba? Fine! Kunin niyo ko just leave him alone!"

"Easy there Queen" Sabi sa akin ni Blue Dragon. Triny kong kalagan sarili ko kaso hindi ko talaga magawa.

"Don't waste your energy. Mahigpit ang pagkakatali sa inyo." Dagdag niya.

"What's happening? Hindi ko kayo maintindihan. Sino ka ba?" Tanong ni Andrew.

"Blue Dragon... Wala siyang alam. Tumigil na ako. Matagal na so please? Pakawalan mo na talaga siya"

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa pagsasalita.

"Ang so called girlfriend mo ay isa sa mga pinakamatinik na gangster sa Pilipinas. Ang tawag sa kanya ay Alpha Queen. Nakakatuwang isipin, may puso ka din pala Alpha Queen"

"Bakit nyo kami kinuha! Ano bang atraso namin sa inyo"

"Nakapagtataka lang, Asan ang puso mo Queen? Asan ang puso mo ng gabing pinatay niyo ang walang laban kong kapatid? Nang dahil sa kanya namatay ang kapatid ko at dahil diyan papatayin ko kayo!"

"Ang kulit din ng lahi mo eh. HINDI AKO ANG PUMATAY SA LECHUGAS MONG KAPATID!!!"

"Sumasagot ka pa ah!" Kinasa niya na ang baril sabay tutok sa akin.

Pumikit na lang ako ng may marinig akong pagputok pero wala akong naramdaman.

"Bakit mo pinutok?" Sabi ni Blue Dragon sa isa niyang kasamahan

"Kasi nakatutok ka na akala ko tutuluyan na"

"UGOK! Tara na baka makita pa tayo ng mga pulis dito"

"San kayo pupunta?" Tinignan ko yung nagmamayari ng boses.

Si Stephen...

Nakipagbakbakan na si Stephen habang ako naluluha sa pwesto ko dahil nakita ko ng duguan ang pinakamamahal ko.

"Andrew hold on please. Wag mo akong iiwan Andrew. I love you Please just hold on"

Kumaripas na sila ng takbo habang kami naman nanatili sa pwesto namin.

Kinalagan ako ni Stephen.

"Okay ka lang?" Tanong niya. Tumakbo naman ako sa kinalalagyan ni Andrew.

"Andrew... Im so sorry. Bakit ka naman humarang? Dapat hinayaan mo na lang ako"

"Shhh. Wag kang umiyak. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo. Diba nangako akong hindi kita pababayaan? Mahal na mahal kita Ria. Salamat sa lahat" Hinalikan niya ako hanggang sa nawalan na siya ng malay.

Simula nung araw na yun sinumpa ko na pagbabayarin ko sila. Nagquit ako sa gang dahil nangako ako na pag nagmahal ako, magququit na ako. Andrew was my first love. And up to now, sinisi ko sa mundo ang pagkamatay niya. Dead on Arrival si Andrew. He lost so much blood kaya talagang namatay na siya. Bumalik ako sa gang fiercer than ever. Nangako ako na pagbabayarin ko lahat ng may sala sa akin at ang mga maykagagawan kung bakit nawala si Andrew sa buhay ko.

Kaya ganun na lang si Stephen magworry sa akin.

"Sigurado ka na ba talaga diyan sa Sinasabi mo Ria?"

"Oo Stephen. I am one hundred percent sure"

"Okay. Basta Im always here for you"

Since din namatay si Andrew 3 years ago, I started to 'play' with other's heart. Gusto ko kasing makahanap ng kapalit niya kaso wala talaga akong makitang kapalit.

I think Si Andy na ang the one for me.

SANA...

Ice PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon