Habang nakasakay kami sa eroplano di ko parin mawala ang isip si Stephen at si Elisa. Sobra akong nasaktan. Nakakainis kasi sasabihi niya na mahal niya ako tapos makikita ko naman siya na may kahalikan na iba okay lang ba siya?
Stephen's POV
Habang nakaupo ako sa damuhan nakita ko yung kuya ni CL.
"Kuya Kyann"
"Nung ginagawa mo dito?"
"Si Cl pipigilan ko sana umalis."
"Nagaway kayo?" Tanong niya sa akin
"Umalis kasi siya. Nakita niya kami ni ELisa. Kala niya may relasyon kami. Eh wala naman talaga. Tinutulungan ko lang siya. Ako na nga tumutulong ako pa yung lumalabas na masama"
(Oh ha kilala niyo nagsabi niyan? Si Yves yan ng PBB hahaha natuwa lang ako sa speech niya kaya naisipan kong gamitin. Sorry sa Epal na Author hihih)
"Nu bang ginawa mo? DI naman makitid ang utak ng kapatid ko sa mga ganyang bagay"
"Kyann makitid ang utak niyan basta usapang emosyon at pagibig." Kwinento ko kay Kyann yung nangyari tapos sinapak niya din ako.
"Eh ano ka ba naman pala eh! Talagang magagalit yun. Halikan mo ba naman si Elisa sa harapan niya. Babae ang kapatid ko. Madali yung masaktan. Alam mo naman na after Andrew and Andy, naging mas conscious pa siya sa mga lalaki"
"Kaya nga sorry kuya pero kailangan kong makita si CL ngayon I have to explain"
"Palamgin mo muna ulo nun alam mo naman na pag mainit ang ulo ni CL hindi yun nakakausap ng maayos."
"Sige pero pano?"
"Sumunod ka na lang sa kanya sa susunod."
After 2 weeks, di pa din nauwi si Cl.
"Mr. Herrera do you know where Ms. henares is?" Tanong ng teacher ko. Tae nananadya ba to?
Tinignan naman ako ni Andy ngayon tapos si Elisa parang nakatingin with apologetic eyes.
"Yes Sir. She's in france po handling their family Business. Nakapagpaalam na po siya kay Tita- I mean kay Ma'am Garcia. Pumayag naman daw po"
"How long will she stay there?"
"Maybe for another 2 weeks"
"Okay."
Leisure room...
Nakaupo na don si Alfred na naglalaro ng bola, si Kevin naman at si Alexa kakapasok lang nila ng room. Lumipat na nga pala ng Coed si Alexa kasi pinagsabihan siya ni Tita Keana para bantayan si Kevs para di na makipagaway.
"Beb biyernes-santo ba ngayon?" Tanong ni Lex kay Kevin
"Beb hindi biyernes ngayon at mas lalong hindi biyernes santo ngayon"
"Eh bakit ganun ang mukha nun?" Tinuro ako ni Lex
"Changala pasalamat ka babae ka. Hoy Kevin pagsabhn mo yang shota mo, Wala ako sa mood"
"Chill lang king. 2 weeks ka ng parang pinagsakluban diyan. Sundan mo na kaya si Queen?"
"Tingin mo okay na kaya si Queen? I mean di na ba galit si CL?" Tanong ko
"Malay" Siniko ni Lex si Kev
"Youre not helping Beb. I know na. Payong kaibigan lang Stephen, kaming mga babae gusto namin ng sinusuyo. Suyuin mo kasi saka Sunduin mo siya sa France" Sabi sa akin ni Lex
"Kevs can you tell tita Keana na hindi muna ako papasok. Susundan ko muna si CL"
Nagdial ako ng number atapos tinawagan ko.
Stephen- Hello
Kyann- Napatawag ka?
Stephen- I need a favor
Kyann- Nu?
Sinabi ko sa kanya yung about dun sa flight tapos pumayag siya.
Aalis daw si Kyann ngayon kaya trip niya akong isama.
Nagpunta kami dun sa private land nila at dun sumakay,
France
"Kaw na bahala. Wag mo bibiglain si CL. Ito susi" Hinatid ako nung driver nila sa Mansion ng mga Henares sa paris.
KNOCK KNOCK KNCOK
"SANDALI! ATTENTE!!" Sigaw nung tao sa loob.
"Qui Avez Vous?" Tanong niya pagbukas.
O_O
Sinarahan niya ako ng pinto pero naharang naman ng kamay ko. takte masakit maipit
"ARAY!"
Binuksan niya yung pinto. Medyo nagdudugo din pala yung daliri ko kasi may pako dun sa may napagipitan sa akin
"Sino ba naman kasi nagsabi na iipit mo yang kamay mo diyan? Okay ka lang? naloko ka na ba?"
Pinapasok niya akoa at pinaupo dun sa may sofa nila
ginagamot niya yung sugat ko. I cant help but be mesmerize with her beauty. SHe's very pretty I might say. Nakataas yung buhok niya tapos naka sando at shorts lang siya. She looks very hot.
"Im sorry"
"What?"
"Sorry sa nangyari. I was just helping her. Alam mo naman na kapatid lang turingan namin ni Elisa. Hinahabol kasi siya ng stalker niya. Ayaw tumigil hanggat di niya napapakita ang boyfriend niya kaya nagpanggap ako. Sorry talaga I didnt know na nadun ka. Kung alam ko edi sana hindi ako pumayag na magpanggap." Hinalikan ko yung kamay niya.
"Sorry din." Kiniss niya yung may sugat na parte ng kamay ko. "Sorry kasi hindi ako naging maintindihin. Sorry kasi akala ko di ka sincere sa akin."
"Sincere ako 100% I love you, CL kaya sorry"
"Sige na ok. Bati tayo."
"Hanggang kelan ka ba dito?"
"Bukas actually. Makikipag bati naman dapat ako paguwi eh inunahan mo ko. Patapos na rin kasi yung shooting namin for the magazine nila Papa"
Yeah kaya din pala siya nandito kasi may interview at picture taking silang mga Henares para sa isang sikat na business magazine sa Europe. Ganon ka big time sila CL.
Abangan sa susunod na chapter...
"Kala ko ba mahal niya ako? Alam ko nagkamali ako with Elisa pero ganito ba talaga? At kelan pa ba naging close yang si Andy at si CL?"
"Malay ko din King. Basta before at after ng pagalis ni CL magkasama na sila ni Andy"
"Fred youre really not helping."
BINABASA MO ANG
Ice Princess
Teen FictionCaesarea Lynette Henares was your typical rich girl. She has everything this world has to offer: fame, fortune and beauty. Everyone knows who she is and who her family was. She was feared in her campus for her dark demeanor. They thought I had eve...