of soonyoung and realization

361 13 7
                                    

"Hyung! Alam mo bang nginitian ako ni Soonyoung hyung kanina?! Tsaka nakapagusap ka kami nang sobrang tagal! Grabe hindi ako makapaniwala!!" Sabi, no, sigaw ni Jihoon kay Seungcheol pagkapasok niya sa student council room. "Talaga? Mukhang nagiging close na kayo ha." sabi nito na parang walang gana at pinagpapatuloy pa rin yung pagsusilat nanf hindi tinitingnan si Jihoon.

"Tama ka, hyung. Medyo close na nga kami. At tsaka inaya niya akong magmall  mamayang uwian! Kaya lang sabi niya kung gusto ko raw magsama, magsama raw ako. Pero parang wag na para kaming dalawa lang hehe" sabi ni Jihoon at umupo sa harap ni Seungcheol. Tinigil naman si Seungcheol ang ginagawa niya at tumingin kay Jihoon. "Sasama ako." sabi nito at seryoso pa ring nakatingin sa nakababata. "Ha?" nagtatakang sagot ni Jihoon sa nakatatanda. "Sabi ko, sasama ako sa inyo mamaya." sagot naman nito at nakatingin pa rin kay Jihoon. "Pero moment namin yun, hyung. Hyung naman ehhh minsan ko lang siyang makasama nang kaming dalawa lang pagbigyan mo na ako." sabi ni Jihoon at nagpout.

"Yun nga yung ayaw kong mangyari, yung kayong dalawa lang." mahinang sabi ni Seungcheol na hindi masyadong narinig ni Jihoon. "Ano yun, hyung?" pagsisiguro ni Jihoon kung may sinabi ba talaga si Seungcheol. "Sabi ko may bibilhin ako kaya sasama ako. Pumayag ka na. Hindi ko na rin nakakasama si Soonyoung kaya sige na, please." Sabi ni Seungcheol at nagpaawa kay Jihoon para pumayag ito.

"Sige na nga, hyung. Sige na, sumama ka na. Pero kailangan ilibre mo ako ha. Hindi mo naman gusto si Soonyoung hyung diba?" tanong ni Jihoon at pinanliitan ng mata si Seungcheol. "Siyempre hindi. May iba akong gusto 'no." sabi ni Seungcheol at umiwas ng tingin kay Jihoon. Medyo nagulat naman si Jihoon sa sagot ng nakatatanda at nagkaroon ng interes na malaman kung sino ang gusto nito. "Hala sino yun hyung? Si Jeonghan hyung ba? Gusto ka rin ba nung tao?" sunod-sunod na tanong ni Jihoon na nagpatawa kay Seungcheol. Mukha kasi siyang batang gagawin ang lahat para mabigyan lang ng candy. "Hindi pwedeng sabihin, secret ko lang yun. At hindi si Jeonghan, may iba na siyang gusto. At hindi ako gusto nung taong yun, kaibigan lang kasi yung tingin niya sa akin." bestfriend niya lang kasi ako, dugtong ni Seungcheol sa sarili niya. "Ang daya mo naman hyung. Bestfriend mo ko diba? Bat ayaw mong sabihin sa akin?" sabi ni Jihoon na parang batang inagawan ng candy. "Kahit bestfriend kita, may mga bagay pa rin na dapat isekreto." katulad ng feelings ko, dugtong niya ulit sa sarili.

"Pero sinabi ko sayo kung sino yung gusto ko! Ang daya mo talaga, Seungcheol hyung! Hindi ko alam kung bestfriend mo ba talaga ako o ano. Ayaw mong sabihin sa akin eh. Hmph. Dyan ka na nga, hyung." sabi nito na parang naiinis at tumayo sa upuan na akmang lalabas. "Oh san ka naman pupunta?" takang tanong ni Seungcheol dahil sa biglang pag-alis ng binata. "Kung saang wala ka." sagot naman nito at sinarado ang pinto nang sobrang lakas na halos mabingi na si Seungcheol. Iba ka talaga, Lee Jihoon, sabi nito sa isip niya at ipinagpatuloy ang mga gawain bilang student council president.

—————————————————————————

Katulad ng sinabi ni Seungcheol, kasama ngayon ni Seungcheol sina Jihoon at Soonyoung. Speaking of Jihoon, hindi maipinta yung mukha niya dahil kasama nila si Seungcheol. This should be Jihoon's moment with the person he likes pero nandito si Seungcheol at dikit nang dikit sa kanila. Alam niyang nananadya 'tong kaibigan niya. Alam niyang alam ni Seungcheol na gusto nito si Soonyoung pero nandito siya at pumapagitna sa dalawa.

"Hyung, alam kong wala ka talagang bibilhin at gusto mo lang talaga akong asarin. Pero sige na, pagbigyan mo muna ako, hayaan mo muna akong sumaya kahit sandali." sabi ni Jihoon nang hinatak niya si Seungcheol at pinauna si Soonyoung sa paglalakad.

"May bibilhin talaga ako, Jihoon. At wala akong balak na asarin ka o ano. Kung gusto mong makasama si Soonyoung, sige aalis na ako pagkakain natin. Sana sumaya ka kasi ito yung huling beses na gagawin ko 'to para sayo." sabi ni Seungcheol at naglakad papunta kay Soonyoung.

simple ✩ jicheol ffsWhere stories live. Discover now