Kabanata 18

3.3K 112 9
                                    

Kabanata 18

Saviour

ANGELICA Pov's

Dinilat ko ng unti unti ang mata ko, sumalubong saakin ang puting kisame, nilibot ko ang tingin ko sa kwarto.

"Asan ako?". Tanong ko. Pero umupo na ako.

Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit!

"Mommy! Help me! Mommy!". Tinig ng isang bata

Arrrgghhh! Ano yun?
Napahawak ako lalo sa ulo ko ng may nag play nanaman, pero ibang scene naman.

"Hoy!, Best friend na tayo ahh!". Tinig ng isang lalake.

Humarap sa kanya ang batang babae, na nakangiti.

"Oo naman! Bff na kita". Sabi ng batang babae at Itinaas ang hinliliit at hinarap sa batang lalake.

Inabot naman iyo ng batang lalake at nag pinky swear sila.

"Arrrrggghhh! Aaaaahh!". Naluluha na ako, ang sakit ng ulo ko parang mabibiyak.

Ano yun? Ano yung mga nakita ko? Bakit may bata? Sino sila? Sino?! Diko sila makita ng maayos dahil blurred.

Bigla nalang kumalabog ang pinto at inuluwa doon sila kuya.

"Angel!". Sabay nilang sabi.

Nag uunahan na lumapit sila saakin. Hinawakan nila ako, at unti unting hiniga sa kama.

Diko alam na lumuha na talaga ako.

"Angel? Ayos ka lang ba?". Sabi ni kuya Ralph.

Tiningnan ko si Kuya Ralph kaso, malabo, di malinaw.

"A- asan yung s-salamin ko?". Tanong ko sa kanila.

Kumilos agad si Kuya Mike para hanpin yung salamin ko, at inabot agad saakin.

Sinuot ko kaagad yun, at umupo pa unti unti, inalalayan nila ako para makaupo ng maayos.

"Ayos ka na ba? Baby?". Tanong ni Kuya Mike.

Tiningnan ko sila at ngumiti ng pilit.

Napabuntong hininga sila. Natahimik kami sandali. Binasag ni Kuya Kyle ang katahimikan.

"Angel? Sino ang nagsabi sayo na pumunta ka sa 5th floor?". Sabi ni kuya Kyle na mahinahon.

Inalala ko yung nangyari, pero wala pa talaga akong maalala? Pero..

"Ako? Pumunta ako sa 5th floor? Bakit?". Takang tanong ko.

Nagkatinginan sila tatlo, syaka tumingin agad saakin.

"W-wala kang maalala?". Kuya Ralph.

Umiling ako, bilang sagot.

————

"Omygad, Anak, ayos ka lang ba?". Sabi ni mommy, pagkasalubong nya palang saakin sa tapat ng pintuan.

Niyakap nya agad ako, kaya niyakap ko rin sya pabalik.

"Ok na po ako Mommy". Sabi ko.

Nasa likod ni mommy si Daddy, halata kay daddy na nag aalala sya kaya nginitian ko si daddy, para mapanatag ang kanyang loob.

Humiwalay saakin si mommy. Tinitigan nya ako ng mabuti na, parang sinusuri.

Tinitigan ko rin pabalik si mommy.

Ms. Nerd Meet The Campus King Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon