Kabanata 26

2.8K 111 0
                                    

Kabanata 26

Kidnap 0.2

ANGELICA Pov's

"Hmmm"

Unti unti kong dinilat ang mga mata ko.

Pagdilat ko pa lang ay, bumungad sa akin ang kadiliman. Wala akong makita.

Ginalaw ko yung kamay ko na nasa likod pero may tali. Ngayon ko lang din nalaman ang kalagayan ko. Nasa isang upuan ako, nakatali ang kamay at ang paa ko. Naka tape pa ang bibig ko, kaya di ako makapagsalita.

Nakatakip sa mukha ko ang magulo kong buhok.

Naramdaman kong kumikirot ang ulo ko. Siguro dahil doon sa pang patulog.

Mga ilang minuto pa ay doon lang naproseso sa utak ko ang nangyari.

➡ F L A S H B A C K ⬅

Nag stay pa ako ng ilang minuto sa playground bago ko pinagpasyahang umuwi na.

Pinunasan ko muna ang mga luha ko sa pisngi gamit ang aking kamay, bago tumayo, pero may nalaglag ng tingnan ko ay yung panyo ni Xander 😍 pinulot ko ka agad at pinagpag, tinitigan ko muna ang panyo. "Kung di lang talaga kita mahal di ako mag aaksaya sayo ng luha tsk.". Sabi ko sa panyo. Pinasok ko agad sa bulsa ang panyo. At nagsimula ng maglakad.

Habang nag lalakad, kinapa ko ang bulsa ko kung andun ba ang cellphone ko pero wala, dun ko lang naalala na nasa bag ko pala. Tsk. Nako nako! Kainis malas ata ako ngayon.

Busangot na naglakad ako. Siguro si Jasmin yung Emergency na pinuntahan ni Xander, tsk. Ganun ba sya kahalaga kay xander?

Ayy. Tanga malamang kaya nya nga Girlfriend diba? Naku. Minsan nga magisip ka, sa sobrang ka biteran mo pati utak mo nadadamay, Tsk, tsk.

Hmph. Pero malay mo iba diba? Pero imposible namang magulang nya dahil magkasama ang magulang at magulang namin na nagpunta sa ibang bansa. Baka nga si Jasmin. Haaay. Sana ako na lang si Jasmin, kasi buti pa sya napapansin ni Xander, ako hindi ni hindi nya pinaramdam na mahal nya ako, charr. Mahal? Imposible, eh pag kagusto nga saakin wala, mahal pa kaya. Tsk.

Nag lakad na lang ako ng mabilis ng maramdaman kong may sumusumod saakin. Binilisan ko pa, ang lakad ko as in ang lalaki ng hakbang ko, at lalo kong naramdaman na may sumsunod saakin.

Tumigil ako sa paglalakad. At narinig ko ring tumigil sya sa paglalakad. Huminga muna ako ng malalim, bago unti unting humarap sa kanya, nararamdaman kong nanginginig ang mga kamay ko at pinag papawisan na ako ng malamig dahil sa kaba.

Ng humarap ako, walang tao, kaya napahinga ako ng maayos. Haharap na sana ako kaso may naramdaman akong matulis na bagay sa bandang tagiliran ko, ang kaninang kaba ay bumalik lalo na ng bumulong sya saakin. "Wag kang gagawa ng ingay". Yun lang at bigla kong naramdaman na may tumakip sa ilong ko na may panyo, at doon ko naamoy ang matapang naamoy, na nanuot sa ilong ko at diko na alam ang sumunod na nangyari.

➡ E N D  O F  F L A S H B A C K ⬅

Bumalik ang kaba na nararamdaman ko, kaya napapaiyak na ako. At unti unti ng tumulo ang mga luhang pinigilan ko, umiyak ako ng walang tunog tutal nakatape naman ang bibig ko.

Napayuko na lang ako dahil sa aking pag iyak. Nagulat ako ng nagkaroon ng liwanag. Di ako gumalawa at pinakaramdaman lang ang paligid. May narinig ako pagbukas ng pintuan, at mga yabag na papalapit saakin.

Natigil ang ingay na iyon. Kaya unti unti kung tinaas ang ulo ko mula sa pag kakayuko at bumungad saakin ang mga armadong lalake, Oo armado, malalaki ang katawan nila at may hawak hawak na baril na nakatutok saakin.

Ms. Nerd Meet The Campus King Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon