Kabanata 24

3.1K 112 7
                                    

Kabanata 24

Talk

ANGELICA Pov's

Nakatingin lang ako sa labas ng kotse.

Wait, parang alam ko to, eh sa village namin ito ehh!

Tumingin ako sa kanya bago nag salita. "A-ano tayo dito?". Tanong ko sa kanya.

Pero di nya ako sinagot, Wooh! Grabe, parang hangin ang kausap ko.

Napataray na lang ako, at tumingin na lang sa labas. Nadaanan namin yung bahay namin, akala ko titigil kami doon, pero hindi dirediretso lang kami.

Kaya napatingin ako sa kanya, Nakatutok lang sya sa Daanan ni hindi ako tinapunan ng tingin, Pano kaya kung ako yung naging gf nya? masaya siguro ako noh? Pero alam kung hindi yun mangyayari why? Ang layo namin ni Jasmin, Sya maganda, ako panget. O diba? Ang laki ng agwat namin, bagay sila ni Alex kasi, Gwapo na, Maganda pa. Walang wala ako. *sigh* kaya wala akong nagawa kundi ang titigan na lang sya.

"Staring is rude". Nagulat ako ng nagsalita sya kaya agad akong umiwas ng tingin.

Narinig ko pa sya tumawa ng mahina, kaya napangiti ako ng patago. Kailan nga ba nagasimula itong nararamdaman ko? Diko rin alam? Bigla ko na lang naramdaman tuwing nasa malapit sya. Kaya napangiti ako na parang baliw. Hanggang sa tumigil yung sasakyan kaya tiningnan ko yung katabi ko at wala na, Hala! Pagtingin ko sa Side ko andun na sya at binuksan ang pintuan, para makalabas ako, kaya lumbas na rin ako.

Nilibot ko yung tingin sa paligid, May Seesaw, Slide, upuan, puno, Buhangin ang sahig. In short Playground.

Tumingin ako sakanya, "Anong gagawin natin dito?". Pero nginitian nya lang ako. (⊙o⊙) OMO, parang slowmo yung nangyari, yung pagngiti nya saakin.

Nagising lang ako sa pagkakatulala ng hilain nya ako, pinaupo nya ako sa seesaw, yung upuan na gumagalaw, ehh dala wa yun kaya ako sa isa sya sa katabi ko.

Dinuyan suyan ko yung upuan kaya napangiti ako, nakatingin lang ako sa lapag.

"Angel, bakit?". Kaya napatingin ako sa kanya.

Tumingin rin sya saakin, kaya magkatitigan na kami. "Bakit, ka lumalayo saamin?". Sabi nya, kaya napayuko ako.

Ito? Ito ba ang pag uusapan namin ang paglayo ko sa kanila. Tinigil ko yung pagduyan ng upuan at tumingin lang sa lapag.

"Kailangan, kailangan ko lumayo sa inyo". Sabi ko sa mahinang tinig. Kaming dalawa lang kasi ang nasa play ground, syaka di naman masyado mainit.

"At bakit kailangan?". Tanong nya ulit.

*sigh* parang ayoko pag usapan.

"Ayoko pag usapan to, kung ito lang pala, wag na, sige uwi na ako". Sabi ko at tumayo ako sa pagkakaupo, pero pinigilan nya ako.

Nakaharap lang ako sa kalsada, at hindi sya tiningnan. Nasa likod ko sya, at nakatayo narin sya.

"And Why not? Angel?! Di mo ba alam na parang mababaliw na kami, ang kuya mo si freyah! Kung bakit ka lumalayo?! Nag iisip kami ng reason kung bakit? Pero wala kaming maisip! damn shit!". Sigaw nya saakin. Kaya napapikit ako ng mariin.

Ayoko! Ayoko ito pag usapan, baka di ako makapag pigil at maamin ko sa kanya, na may gusto mali! Na mahal ko na sya. Ayoko!

"What angel? And now hindi ka makasagot? Napakahalaga ba nyang dahilan mo at lumayo ka pa saamin?!". Sigaw nya ulit.

Kaya di ako makatiis at sinagot ko sya, at hinarap ko narin sya. Kitang kita ko sa mata nya ang galit, pero bakit? Bakit sya magagalit? Dahil lang sa nilayuan ko sila? Kaya napatawa ako na halata namang sarcastic.

"Ayaw nyo ba yun? Lumayo na yung isang katulad ko? Kasi kung hindi ako lalayo sa inyo lagi na lang ako pag uusapan! Kung hindi ako lalayo sa inyo! Maraming mangbubully saakin, kaya mas ginusto ko pang layuan kayo, kasi lagi na lang akong nadadamaya sa gulo! Mas gusto ko pa kayong layuan dahil ginulo nyo ang buhay ko! Ano, ano pa ang gusto mong sabihin ko?! Ha?! Ayan nasagot ko na yang mga tanong mo Alex?! Kaya pwede ba respituhin nyo na lang yung desisyong ko na nilayuan ko kayo, dahil, wala akong mapapala sa inyo, lagi na lang ako na dadawit, si Angel Na malandi, na flirt, na whore!". Sigaw ko sa kanya, huminga muna ako ng malalim, dahil nag uunahan nanaman ang mga luha ko.

"Tao rin naman ako! Nasasaktan, tuwing may naririnig ako tungkol saakin, Nasasaktan ako, Oo! Ako na ang panget! Kayo na ang perpekto, pero sana naman, layuan nyo na lang ako, dahil ayoko na pagod na pagod na akong laging nakakarinig ng masasama ng dahil sa inyo, kaya pwede ba layuan nyo na lang ako!". Sabi ko at napaupo sa seesaw at doon umiyak.

Wala eh, diko kinaya. Akala ko pag sinabi ko sa kanya ito, mawawala na ang higat na nararamdaman ko pero hindi, meron parin at alam ko kung ano yun.

Tahimik lang syang pinag mamasdan ako, habang umiiyak.

Ng tumunog yung cellphone nya, ako ito umiiyak lang. "Hello". Sagot nya pero nakatingin lang saakin.

"What?!"

"Ok, ok im going there, dont be panic freyah". Sabi nya.

Ano yun? Umiiyak parin ako pero tahimik lang nakayuko lang ako, nagulat ako ng may nag lapag ng panyo sa lap ko.

"Sorry, pero hindi kita maihahatid, umuwi ka na sa inyo, may pupuntahan lang ako, By The Way kung yan ang rason mo, rerespituhin ko pero diko alam kung rerespituhin yan nila freyah ang desisyun mo". Sabi nya at, umalis na sya.

Yan lagi namn syang ganyan, pag katapos akong hilahilain diman lang ako hinatid, narinig ko ang pag andar ng engine, at umalis na nga sya. Kaya doon ako umiiyak.

Kaya sinasabi kong walang pag asa kasi, laging Jasmin, jasmin.

Malamang syota nya ehh! Like duuuh!

Pinunasan ko yung luha ko at tumayo na, kaso nalaglag yung panyo, tiningnan ko yun bago pinulot, at syaka pinasok sa bulsa. Ay sira! Yung bag ko nasa school, tetext ko na lang siguro si ethan, na padala yung bag ko.

Kaya simula na akong naglakad.

Nahulog ka nga sa kanya pero sinalo ka ba? At higit sa lahat, wag mag sasalita ng tapos.

*********

+ Dont Forget To VOTE and COMMENT +

-Black_Step

Ms. Nerd Meet The Campus King Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon