Kabanata 32

2.5K 94 14
                                    

Kabanata 32

Me V.S. Her

Angelica Pov's

"Angel, Kay Xander kana sumabay". Sabi ni kuya ralph.

Muntikan ko na mabuga ang iniinom kung tubig.

Napa tingin agad ako kay ralph na kumakain.

"Bakit naman?". Takang tanong ko.

"Wala si Kyle, nauna nang pumasok, si mike may ginagawa, ako may trabaho kaya dikita mahahatid sa school nyo, kaya kay Xander ka na lang sumabay pupunta yun dito ngayon para sunduin ka, tutal FRIENDS naman kayo diba?". Sabi ni kuya ralph at nginisihan ako.

Napataray naman ako, lahat na lang talaga nalalaman ni kuya.

Wala akong nagawa kundi ang tumango na lang.

Nandito kami sa Dining Area, kumakain kasama si kuya ralph, wala nga yung dalawa. Nung nagdaan ang sabado at linggo. Puro si Xander ang kasama ko. Oo, si Xander laging nandito sa bahay parang dito na nga titira eh, sila kuya naman parang wala lang. Ako na wiwirduhan doon sa lalakeng iyon. Tapos bumait pa! Oo bumait ng konti -_-. 

Lagi akong pinagtitripan. Kainis, pero wag ka, kinikilig parin ako. Bwahahahaha. Ng natapos na akong kumain. Hinalikan ko lang si kuya sa pisngi at umakyat na sa kwarto. Naligo at nagbihis na lang ako.

Dinry ko yung hair ko, pag katapos tinali kong pa ban, syaka nagtira ng unting buhok sa gilid ng mukha ko. Bago sinuot ang salamin ko.

May narinig akong nag busina, ng tumakbo ako papunta sa bintana, nakita ko na ang sasakyan ni Xander.

Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin, bago kinuha ang bag ko at bumaba na. 

Saktong pag baba ko, ang pag pasok namin ni Xander sa loob ng bahay. Tumingin sya saakin, pero naka poker face lang.

Bigla namang sumulpot si kuya ralph, na naka suit na, inaayos nya pa yung necktie nya. "Salamat Xander at pumayag ka na sabay kayo ni Angel, Busy kasi yung dalawa". Sabi ni Kuya Ralph.

Tumango lang si alex, at tumingin saakin.  Humarap naman ako kay kuya, at humalik sa pisngi bago lumabas ng bahay. 

|| McQueen Campus ||

"Mygosh, kasama ni 1st si Nerd"

"Asan ba si jasmin? Nakiki epal lang yan si nerd tss."

Yan nanaman ang mga bulungan nila, diko na lang pinansin iyon hanggang makapunta kami sa room, all eyes asaamin ni Alex. Hanggang sa room, Pero nung nakita nila ako nakatingin sa kanila inirapan nila ako, pati sila freyah. Lalo napakunot ang noo ko. Anong problema ng mga to?

Nung nakaupo na ako sa tabi ni Jordan. Wala silang imik at di tumitingin saakin. Anyare sa mga to?

Hanggang sa matapos ang klase di nila ako tinignan man lang oh kinausap.

Napabusangot tuloy ako.

Tumayo na ako at lumabas ng room saktong paglabas ko sumara ang pintuan lalo akong nainis, Anong nangyari sa mga yun? Wala akong nagawa kundi ang pumunta mag isa sa canteen, wala akong kasama eh.

Papasok pa lang ako sa pintuan, may nakasabay ako, at doon pa talaga sa kumukulo ang dugo ko.

"Hey, Angel Nakabalik kana pala". Sabi nya habang nakangiti.

Ay hindi, hindi pa ako nakabalik kaya nga ako nandito sa harapan ko diba? Minsan ang sarap nyang pilosopohin.

She look like angel but for me she look like Devil. Tss.

Ms. Nerd Meet The Campus King Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon