Kabanata 27

2.7K 114 2
                                    

Kabanata 27

Kilig

Freyah POV'S

"Andito na tayo!". Sigaw ko sa kanila.

Nandito kami sa isang van, at nagpunta kami kung nasaan si Angel.

Tinignan ko naman sila at lahat sila nag aassemble ng baril.

Tiningnan ko sila isa-isa.

Ako naman ay kinuha ko ang Caliber 45 handgun, sa Dashboard at inassemble rin.

Ganun din si Kyle na nasa tabi ko lang, na nasa driver seat.

Ng matapos kong maissemble, nilagay ko sa lap ko at tumingin sa labas.

Sana okay lang si Angel! Haaay. Miss ko na ang kaibigan ko. Tiningnan ko yung humawak sa kamay ko at si kyle iyon.

"Magiging ayos rin ang lahat". At ngumiti.

Napabuntong hininga na lang ako, Sana nga.

Bumaba na kami ng sasakyan ng walang ingay.

Dumiretso agad kami ni kyle sa likod nitong lumang mansyon.

Sumenyas saakin si kyle na pumasok na, kaya sinipa ko ang pintuan.

At walang tao, kusina pala ito. Nakita ko rin na nakikipag barilan na sila kuya sa may sala.

Tuloy tuloy lang ako, at umakyat sa hagdanan.

Nakarinig ako ng putok ng baril, lumingon agad ako sa pinanggalingan nito, sa dulo ng pasilyo may pintuang naiiba ang kulay, mukhang naagnas na pintuan.

"Angel". Bulong ko.

Kinakabahan ako. Agad agad akong umakyat, at nakita ko pa ang mga lalakeng nakahandusay sa sahig,

'May nauna na saakin?' Sabi ko sa isip ko.

Nagulat ako ng bigla nalang may kumabig saakin pa sandal sa pader at nakarinig ako ng dalawang putok ng baril.

Ng tingnan ko ang lalakeng nakayakap saakin. "Kyle?". Tanong ko.

Tumingin sya saakin. "Tumingin ka minsan sa likod mo, buti nakabig agad kita kung hindi, nabaril kana". Sabi nya ng seryoso. Napalunok naman ako at tumingin sa lalakeng nakahandusay at duguan.

Binitawan nya ako at hinawakan ang kamay ko, papunta sa pintuang naagnas.

Ng buksan nya iyon ay agad syang napatakbo ako naman, napatakip sa bibig ko.

Omygad, si angel. Maraming dugo.

Nakarinig ako ng mga mura nila lalo na nila kuya Jyler at kuya ralph.

"Tara na umalis na tayo rito!". Sigaw ni Laimer habang naka hawak sa binti nya, mukhang tinamaan sya.

Agad agad namang binuhat ni Kuya Xander si Angel at nauna nang lumabas.

Ako naman ay inalalayan si Laimer, at lumabas na ng kwarto.

Nasa hagdanan pa lang kami ni laimer ay bigla itong natumba.

"Laimer? Ayos ka lang?". Tanong ko na nag aalala.

Tumango naman sya saakin, at tumayo, pero inaalalayan ko parin sya. Nagulat ako ng parang gumaan si laimer, ng tingnan ko ay inaalalayan rin sya ni Kyle.

Tiningnan lang ako ni Kyle ng walang reaksyon kaya, napabawi ako ng tingin.

Ng tingnan ko ang harap namin ay wala na sila kuya, baka nauna na.

Ms. Nerd Meet The Campus King Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon