A/N
Hi baby girls.. Im so happy..nkasi kahit pakonti-konti, nadadagdagan yung readers ko.. Maraming thank you sa inyo.. Super! Pramis, gagalingan ko pa lalo kaya sana tuloy lang po sa pag support..
Kaya natin to! Push lang tayo..
Game.. Next chappie na po..
Lovelots,
MIRMAE24
-----------------------------------------------------------------------------------24
CHAPTER 3- KNIGHT IN SHINING MOTORCYCLE...
" hi Lena! Kamusta naman ang pagpasok mo? " tanong ni Manang Lupe sa akin paguwi ko..
Kasama ko sya umuwe dito sa pilipinas from New York kasi siya yung yaya ko. Bata pa lang ako siya na talaga nag aalaga sa akin. Si manang din yung magiging guardian ko while im here dahil kailangang magpaiwan ni daddy dun para mag work. Wala namang kaso sakin yun dahil naiintindihan ko siya, isa pa, at least kasama ko si Manang Lupe dito.. Tsaka yung anak niya na si kuya Mario na Driver cum Gwardya namin. Parang kapamilya nadin ang turing nila sa akin kaya ano pa bang hihilingin ko diba?
" okay naman po.. And i met new friends... Its fun really.. Kahit pa natamaan ako ng bola sa ulo " bulong ko nung last part..
Bigla itong lumapit sa akin at kinapa ang ulo ko.. "Naku, may maliit kang bukol.. Halika at nang malagyan ng yelo.. Ano bang nangyare? "
" nah.. Okay lang po ako.. And its just an accident.. They've already said sorry na din naman po.. Di naman talaga sinasadya nung nakatama.. " pampakalma ko..
" ganun ba? Mabuti naman.. O siya ipaghahain na kita ng pagkain.. ? "
" salamat manang.. Magpapalit na po muna ako... " pagkasabi ko naman nun, umakyat na ako sa kwarto.
-----------
After dinner, nagbihis ako ng black tshirt, shorts at skate shoes.. Nagsuot pa akong bonnet para kumpleto outfit ko.. Bitbit ang skateboard ko, nagpaalam ako kay Manang Lupe na magpapahangin.. Actually, ayaw ni manang na lumalabas ako ng gabi.. Delikado daw.. Tsaka ayaw niya na ganito porma ko.. Yung mukhang tomboy.. Hehe.. But what can i do? I grew up surrounded by men and boys..
Wala na rin sya nagawa kundi payagan ako.. With a very strict reminder na.. " umuwi ka kaagad at wag kang masyadong lumayo.. Di mo pa kabisado dito.. "
------------
Sa labas, nag iiskate lang ako habang may music blasting from my headphones. Busy ako sa pakikinig ng king for a day ng pierce the veil ng mapansin kong di na pamilyar yung tinatahak kong daan..
"Tinapay... Asan na ako? " tsk. Mapapagalitan ako nito eh.. Sinubukan kong balikan yung kalsadang pinanggalingan ko pero kung mamalasin nga naman.. Saan ako liliko? Left or right? Sabi nila ang right daw eh puro sa kabutihan inuugnay.. So pumunta ako sa right... Medyo madilim sa kalsada.. Walang tao.. Dead street at tahimik..
'Haunted street ata to... ' sige takutin pa sarili! Aish.. Anong petsa na.. Baka mag panic na si Manang Lupe..
Nagulat ako nang may magsalita.. " Mishh, nawawala ka ata? " narinig ko..
Pagtingin ko.. May tatlong lalaki na mga nasa late 20's at mukhang mga lasing ang kumakausap sakin..
Sa napaka*ehem* cool kong paraan hininto ko mag skate at binitbit ang skateboard ko.. Bago nagsalita..
" ahh... Hindi.. Nagliikot lang talaga ako.. Pero pauwi na ako.. " tinalikuran ko sila at tuloy-tuloy na ako lumakad..
" Mishhhh shandali.. Shama ka muna sha amin.. Mababait naman kami ehh.. " sabi pa nung isa..
'Asa.. Swerte niyo naman.. '
" Pasensya na, hinahanap na din ako sa amin eh.. " sabi ko sabay lakad ulit ng mabilis.. Nagulat ako ng bigla nalang may humawak ng braso ko... Kaya bigla ako napahinto..
" misshhh ang syungget mo naman... Shama ka na shammiinn.."
' tinapay, makakasakit ako ng tao neto eh.. '
" kuya pwede ba! Wala akong time! Busy ako! " sigaw ko.. really?. Yun talaga ang nasabi ko?
Hinihila niya ako nung magdecide akong sipain sya sa tagiliran.. Nabitawan nya ako habang pinagtawanan sya nung mga kasama nya.. Mukha syang napahiya, namula sya tapos sinamaan ako ng tingin... Lalapit na sana sya sa akin ng...
Vrooomm..... Tunog ng motorsiklo.. Huminto ito sa tapat namin. Napahinto lang din kami habang slow motion na tinatanggal nung may-ari yung helmet nya.. Di ko masyado makita yung mukha nya pero lalaki sya for sure at nakatingin lang sya sa amin..
' kakampi ba ito, o kalaban? ' curious ako.. Di kasi ito nagsasalita.. E diba sa mga palabas bumabanat yung mga ganitong dumadating sa eksena ng ' itigil niyo yan! '
Mukhang nakilala sya nung mga kumag dahil narinig ko na sabi ng mga to..
" pare! Sya yun.. Tara na.. Umalis na tayo.. Delikado.. " sabay takbuhan..
' delikado?yung savior ko? Aish.. Dapat na din ba ako tumakbo? ... ' patakbo na sana ako nang..
"Hey you.. Get on... "
'You daw.. Ako ba yun? ' para akong baliw na nakatingin sa kanya habang tinuro ang sarili ko..
" are you stupid? Do you see anyone here other than you and me? Fuck.. "
Medyo nasindak ako.. Pakiramdam ko kasi may itim na aura na bumabalot sa kanya..
" come here! Fast! " sabi nito..
" tinapay.. Oo na.. Wait lang.. " asar to ha. Nagmamadali much? Pag angkas ko sa likod nya no choice kaya kumapit ako sa bewang nya.. Naka leather jacket pala sya.. Ambango nya.. Haaaayyyyu... * mental slap* tsk... Adik lang..Hanggang inistart nya na yung motor nya..pinwesto nya yung skateboard ko sa harap nya..
" the fuck's with this skateboard.. " badtrip narinig ko yun ha! Wag nya apihin yung board ko!
" hold tight.. And never let go... " ano daw? Di ko naintindihan... Na mufle na kasi yung boses nya nung suot nyang helmet..
' tsk, abnormal... '
Napakapit naman ako sa kanya habang nagdrive sya.. Maya-maya hininto nya na kami sa kanto malapit sa bahay ko..
" get off here.. Next time don't go out this late.. " sabi sabay abot ng board ko.. umalis na agad sya.. Ang nakita ko lang yung skull na parang sticker sa likod nung motor nya.. Tsk.. Di man lang ako nakapag thank you man lang...
Nag skate na ako pauwe sa bahay.. Sakto naman at hinhanap na pala ako ni Manang..
Matapos ang pagbihis ko at pag gawa ng nightly rituals , humiga na ako sa kama ko.. The last thing on my mind before sleep takes me to lala land is ' how did he know where i live?' Weird...
BINABASA MO ANG
My Hero Girlfriend
Teen FictionMeet Lena.. Maganda, Rakista at may inborn heroic instinct. Paano kung yung inaakala niyang pangyayari sa nakaraan na kinalimutan na niya eh maging reason ng magulo niyang hinaharap? Paano pag ma meet niya yung dalawang lalaki na napaka complicated...