Prologue
"I don't want to play with you! You're so ugly! " sigaw ng isang batang boses lalaki. Kasunod nito narinig ng batang si Lena ang malakas na pag-iyak.
" waaahhh... Let me play with you! Im sorry! " sagot nung boses.
Tumayo si Lena mula sa paglalaro sa kanyang tea party. Bitbit nya ang latest edition ng barbie princess na pamasko ng tita yolly nya. Hinanap nya kung san nanggaling ang boses hanggang sa makita nya ang apat na batang narinig nya.
Tatlong batang lalaki ang nakatayo sa harap ng isang batang lalaki na umiiyak. Tingin nya, ka edad nya ang mga ito. Nakita nyang nagtatawanan ang tatlong batang lalaki habang may hawak na sirang laruan yung batang lalaki. Tila masyadong absorb ang mga ito sa pambubully kaya di sya ng mga ito napansin.
" get the hell out of here you fatty! You're so stupid and you're freakin' ugly im afraid we'll be infected by you're stupidness and fatness.. " sigaw pa nung nasa gitna na mukhang lider sa grupo.. Itim ang buhok nito at medyo matangkad ito sa dalawa.. Sa itsura nito, muka itong anak mayaman. Tawa naman yung dalawang bata sa tabi nya.. Yung isa blondie at yung isa naman red ang buhok. Hmp. Feeling nung lider ang cool nya na nagcuss sya. Tsk.
" i just want to be your friend.. " humihikbing sabi pa nung bata. Pano ba naman, maliban sa mataba sya, ang weird pa ng suot nyang outfit. May mga picture ni hello kitty yung upper shirt nya tapos yellow pa yung shorts nya.. Anu yun? Adik lang?
"Hoyyyy! " mlakas kong sigaw. Naawa na ko sa bata kaya mag dadarna na ko para irescue sya. " anlupet nyo namang mga bata! Tatlo kayo isa lang tong bata lampa pa tapos pinagtutulungan niyo? Ayos kayo ha! Sabi ng daddy ko, wag kang mananakit ng kapwa mo lalo na kung mas mahina sayo. Anong issue niyo sa kanya? Kasi mataba sya? Ang sama ng mga ugali niyo kala niyo naman ang gagwapo niyo! " mahaba kong lintanya.
Nakita kong nagulat sila sakin at nakatitig lang. Di ko alam kung dahil nasindak sila sa akin o dahil sa * ehem* kagandahan ko. " Wahahaha. Nilapitan ko si chubby at dahil sa wala akong dalang panyo, at alangan namang yung tshirt ko yung ipampunas ko sa mukha nya, napilitan akong ipunas yung mahabang gown ni barbie princess sa kanya. ' tsk, sorry barbie ha! '
" ano? Ayos ka na ba? Tumahan ka na.. Ipagtatanggol kita. " sabi ko. Nakatitig lang yung batang lalaki habang tumatahan.
'Grabe naman to, di uso thank you?, di kaya pipi to? Baka deaf sya?'
" ano bata? Ayos ka na ba? " ulit ko pa. Aba't wala pa ata balak sumagot. Pero maya-maya bumulong na ito...
" i can't understand you.... " ang hina.. Di ko maintindihan...
"Ano yun ulit ? "
" i can't understand you... " sabi nito sa mas malakas na boses.
' tinapay... Di nga pala ako maiintindihan ng mga to.. Nasa england nga pala ako! Mga inglesyero nandito! Tsk, sayang naman lintanya ko.. Kaya pala parang alien nila ako tingnan, di pla nila talaga ako maintindihan! Argh!
" what i mean is.. Are you fine now? " banat ko ng english.. Madame kaya akong praktis nito..
"Yeah.. Thanks.. " sabi nitong tipid pang ngumiti.. Cute naman pala ito lalo na pag mag smile eh, kahit na jologs sya at chubby.. Hehe..
"You should go now.. " sabi ko ke chubby.tinitigan ako nito at parang may gusto pa sabihin pero sa huli Kumaway pa ito habang patakbo umuwi sa kanila.. Sinundan ko pa to ng tingin hanggang sa kanto.. Ngayon naman. Hinarap ko yung tatlong bully.yung dalawang alalay nakatulala lang sakin habang yung cute na lider naman nakakunot ang noo. 'Cute? Sinabi ko bang cute? Erase! Erase! Bad boy to eh..
" you kids leave him alone.. You're so mean to him, you dont even look that good.. " sabi ko sabay talikod... Nakalimang hakbang na ako nang lingunin ko ulit sila. Tiningnan ko sa mata yung lider at sinabing.. " by the way, there's no such thing as stupidness... Learn your words.. " sabi ko sabay alis.. taray no?
Okay lang naman. Di ko naman na sila makikita eh.. Tapos na bakasyon kaya uuwi na kami bukas sa pilipinas. Di na nila ako magagantihan.. Haha..
Little did i know, this will not be our last encounter..
Neither did i notice someone's mysterious smile while looking at me...

BINABASA MO ANG
My Hero Girlfriend
Teen FictionMeet Lena.. Maganda, Rakista at may inborn heroic instinct. Paano kung yung inaakala niyang pangyayari sa nakaraan na kinalimutan na niya eh maging reason ng magulo niyang hinaharap? Paano pag ma meet niya yung dalawang lalaki na napaka complicated...