Chapter Nine

41 1 0
                                    

CHAPTER NINE

SA SUMUNOD na mga araw ay nagawa ngang tuparin ni Shigure ang mga plano nito para sa kanila. Pagkatapos kasi ng free day na binigay nito sa kanya ay nagawa nitong pasunorin siya sa Kyoto sa tulong na rin ng bullet train na inimbento ng Japan. Halos tatlong araw rin silang nanatili roon dahil bukod sa signing ay may ilang endorsements din na inasikaso ang binata.

Isa pa, wala naman siyang naging problema dahil bukod sa all-expense free lagi ang mga lakad nila ay nagagawa nitong ipareserve ang katabing kwarto na tinutuluyan ng binata para sa kanya.

Hindi rin niya mapigilang matawa sa kalokohang ginagawa nila kada araw dahil sa loob nga lang ng dalawang oras na dapat ay pahinga nito ay nagagawa pa ng binatang mabilisang ilibot siya sa mga lugar sa Kyoto. Sa tingin naman niya ay nagawa na niyang makita ang magagandang place sa lugar na iyon sa nakalipas na tatlong araw.

Sa kasalukuyan ay naglilibot lamang sila sa distrito ng Osaka sa ikalawang araw nila sa lugar. Nakapunta na siya sa Osaka Theatre at Osaka Musem kahapon, at mall lang ang panandalihang binibisita nila ngayon.

"Grabe talaga ang mga manga! Buti nakakatiis iyong mga katoto mong magbasa ng ganito, nakakabitin!" saad niya kay Shigure na kasalukuyang nasa tabi niya ay nakikikalikot ng mga manga na nakapalibot sa kanila

"Sabi nga nila, great things comes to those who wait. Palibhasa ang ikli ng pasensya mo" wika naman nitong seryosong binabasa ang latest manga chapter ng ginaganapan nitong karakter

Parang siya na rin ang na-curious sa binabasa nito kaya nakiusyoso na rin siya. Parang siya na rin ang binuhusan ng malamig na tubig ng masakto niyang nakita ang parteng hinahalikan ni Usui si Misaki

"Hindi ka ba naiilang kapag ginagawa mo iyan?" curious na tanong niya patungkol sa mga kissing scenes na ginagawa nito

"Hindi, ang nagkaka-ilangan lang naman kapag ginagawa iyan eh iyong mga artistang may feelings sa isa't-isa but as for me, I always act professionally" sagot naman nitong hindi pa rin siya binabalingan ng tingin

"Ilang beses mo na bang nasubukan humalik at yumakap ng mga co-actors mo? Ang weird, kinakaya mo iyon" saad muli niyang hindi maisip kung paano nagagawa ni Shigure ang mga ganoong bagay

"Hindi ko na binibilang at tinatandaan ang mga iyon. They are all just meaningless and worthless kisses intended for viewer's satisfaction. Real hugs and kisses come to those people whom are intended to fall in love at the right time but when that time comes, I promise myself to never count anything. Sabi nga nila, once you fall in love, you are not focus on how many times you can do it but on how many times you would like to do it all over again with the person you love. That's the real power of Hugs and Kisses, na iyong tipong lalabas ang true meaning if finally it is intended for the right person" nakangisi nang wika nitong binalingan siya

"Kinilig ako doon ah" saad niyang ikinatawa naman ng binata

"Baka naiihi ka lang"

"Bastos"

Natapos ang ikalawang araw nila sa Osaka nang dahil lamang sa paglilibot. Sobrang nage-enjoy na talaga siya sa presensiya ni Shigure. Idagdag pa roon ang mga kalokohang ginagawa nito palibhasa ay nakukuhang lokohin ang mga tao sa disguise na ginagamit sa sarili.

Sumatutal nagawa na nga ni Shigure na maging tour guide niya sa mahigit isang linggo na niyang pananatili sa Japan.

Sa dami na ng nalibot niya, totoo ngang masasabi niyang hindi siya nagkamali sa pagpili sa Japan bilang isa sa pinakamaganda at gusto niyang puntahan. Lahat halos ng mga nakikita lang niya sa anime ay nagawa na niyang tapakan. Bukod pa roon, iba rin talaga ang pakiramdam kapag ang taong kasama mo eh iyong taong sobrang pinapahalagahan mo. Oo, tama, ano pa bang ikakaila niya? Kahit anong gawin niya, kahit nagagalit siya, kahit nagtatampo siya, kahit nagsusungit siya at kahit na ilang beses siyang tumawa, isang tawa at paamo lang ni Shigure, nakukuntento na siya.

HugsxKissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon