Chapter Seven

45 1 0
                                    

CHAPTER SEVEN

KASALUKUYAN NA siyang nasa loob ng sasakyan ni Aira para sa masasabi niyang unang araw niya sa Japan. Ito kasi ang nagpumilit na ipasyal siya kahit na sinabi niya ritong okay lang naman na siya na ang lumakad mag-isa. Hindi rin naman siya na-bored sa company nito dahil likas na matalino ang dalaga, kahit kasi katiting na history ay nabibigyan siya nito ng paliwanag sa mga lugar na nabisita nila.

Ilang mahahalagang lugar pa ang pinuntahan nila bago finally ay nagdecide itong dalhin siya sa isang mall. Noong una ay akala niyang may bibilhin ito para sa sarili pero ang sabi nito ay mas mahalaga raw ang pakay nila sa lugar na iyon.

"Nandito na tayo" biglang pagtigil nito na ikinipagtaka niya

Para silang nasa isang malaking event center kung saan madaming tao ang nakapila sa hindi niya malamang kadahilanan.

Maya-maya pa ay may lumapit kay Aira na siyang kinausap nito ng hapon. Kahit papano ay naiintindihan na rin naman niya ang sinasabi nito sa isa't-isa. Hanggang sa iniabot na nga kay Aira ang isang malaking numero na sa pagkakaalam niya ay matagal na pinagtuunan ng kausap bago makuha dahil sa dami ng tao. Kaya naman ng matapos ang pasasalamat na ginawa ni Aira ay nagpaalam na rin ito sa kanila.

"Here" wika nitong binigay sa kanya ang numero matapos ay hinila na siya at inilagay sa isang pila

"Teka, para saan ito?" pagtatanong niya kay Aira sa hindi pa rin malamang kadahilanan

"This is for you Uryllane, ito lang ang magagawa ko kasi nangako ako kay Kuya na hindi ako makikielam sa kahit anong balak mo pero pagkatapos nito, ikaw na ang gagawa ng paraan ha. 1,789 na yung nasa unahan ng pila at 1,803 iyang numero mo. Siguro kapag medyo malapit-lapit ka na sa unahan maiintindihan mo na. O paano? mauuna na ko hah! Sinave ko na iyong contact ko sa cellphone mo, tawagan mo lang ako at kahit saan susunduin kita" saad na wika nitong madaling nawala sa paningin niya

Hindi niya malaman kung ano ba ang nangyayari at bakit libo-libong tao ang nasa lugar na iyon pero nang kahit papano ay matanaw na niya ang harapan o ang dahilan ng mga tao ay siya na rin ang natulala. Mabilis na kumabog ang dibdib niya, at ramdam na rin niya ang kaba sa nakikita. Isa iyong session ng autograph signing na kung saan ang taong pinipilahan ay walang sawa sa kakangiti sa harap ng iba. Hindi niya magawang matingnang ng daretso ang taong nasa harapan at ramdam din niya ang kakaibang kaba na namamayani sa dibdib niya ngayon.

Nang dumating na nga ang turn niya ay parehas na silang natulala ng lalaking nasa harapan niya ngayon. Alam niya ang labis na pagtataka sa mukha ni Shigure ng mga panahon na iyon, sino ba naman ang hindi? Ang kaibigan na iniwanan niya sa Pilipinas ay heto't nasa harap niya ngayon. Maski siya ay pigil sa paghinga nang makita ng masinsinan ang binata, hindi niya akalaing magiging ganoon katindi ang mararamdaman niya sa muling pagkikita nila ni Shigure.

"Namae wa? Your name is?" halos hindi pa rin mabawing pagkabigla na saad ni Shigure

"Uryllane Aquines" mahinang saad naman niyang ikinaiwas na ng tingin ng binata at sinimulan ng pirmahan ang poster nito para sa kanya

Nang iabot ito sa kanya ay dahan-dahan na ring naghiwalay ang tingin nila ng binata. Nang kahit papano nga ay nakalayo na siya sa lugar na iyon ay muli na siyang nakahinga ng maayos. Para siyang nabunutan ng tinik nang kahit papano ay napakalma na niya ang sarili niya. Tinanaw na lamang niya ang binata mula sa kinatatayuan niya. Nakangiti na muli ito at bumabati sa mga fans, iyon ang isang bagay na hindi nagawa sa kanya ni Gure noong siya ang humarap rito para makapagpapirma. Kaysa mainggit ay mas minabuti na lamang niyang ibinalik ang tuon sa kanyang harapan bago naghanap ng coffee shop na pwede niyang pagpahingahan.

Hindi niya alam kung ano na nga ba ang susunod na gagawin niya. Yup, nakita na niya si Gure. Kinabahan na siya ng bonggang-bongga pero ganoon pa rin, hindi pa rin niya ma-explain ang dahilan. Napabuntong-hininga na lamang siya bago muling napansin ang poster na pinirmahan nito para sa kanya at dahil hindi na rin naman niya binuklat ito ng binigay sa kanya ay mas minabuti na rin niyang tingnan ang itsura noon.

HugsxKissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon