Chapter Ten

37 1 0
                                    

CHAPTER TEN

MAKA-ILANG ULIT tiningnan ni Uryllane ang kakarating lamang na mensahe sa kanya ni Shigure sa cellphone. Hindi niya alam kung anong nangyari at ipinakansela nito ang dapat sanay pagkikita nila. Napabuntong-hininga na lamang siya rito. Marahil marami pa rin talagang ginagawa ito sa trabaho. Wala siyang karapatan umangal tutal naman ay ibinuhos nito ang ilang oras para sa kanya.

Tumayo na siya sa higaan para sanay makapag-ayos na ng sarili. Kung hindi pa rin pwede si Shigure, siya na lamang ang aalis mag-isa tutal naman ay bibili lamang siya ng pasalubong ngayon para sa ibang mga kasamahan niya sa trabaho at mga makukulit at cute niyang pasyente. Hindi naman pwedeng umuwi siya ng walang kahit anong dala para sa mga ito. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakatapos ng pag-aayos ng sarili ay tumunog na muli ang cellphone niya. Agad niyang sinagot iyon nang makitang si Shigure ang tumatawag.

"Hello?" ikinalmang pagsagot niya sa nasa kabilang linya

"Ury..."mahinang tawag naman nito na tila may iniindang problema

"Gure, okay ka lang ba? What's wrong?"

Sa narinig na boses sa binata ay napalitan kaagad ng pag-aalala ang boses niya. Alam niya ang ganoong tono ni Shigure, alam niyang may mabigat na problema itong dinadala.

"Listen Uryllane, simula ngayon hindi na kita masasamahan. Simula ngayon magiging magulo na ang lahat kaya't mas mabuti na hindi na muna tayo magkita. Mas mabuting huwag ka na rin munang lumabas ng bahay ni Aira. I don't have time to explain everything pero kahit ano man maaaring mangyari, gusto ko nang mag-sorry. I'm sorry Ury"

Iyon lamang ang sinaad sa kanya ng binata at ibinaba na nito ang telepono. Sa bilis ng pangyayari, wala siyang naintindihan sa sinabi nito. Naguluhan siya sa lahat ng ipinahayag nito sa kanya.

"Anong meron?" pagtatanong niya sa sarili habang tinitingnan ang numero nito

Natatandaan niya ang sinabi ni Shigure na huwag muna siyang lumabas ng bahay ni Aira sa hindi malaman na kadahilan pero kahit ano pa ang dahilan nito wala naman sigurong masama kung lalabas siya sandali para makabili ng pasalubong. Hindi rin naman siya magtatagal, isa pa kung ano man sigurong dahilan ni Shigure ay wala naman sigurong papatay sa kanya roon.

Nagpaalam na lamang siya sa isa sa mga katulong ni Aira dahil wala ang dalaga bago siya lumabas. Wala naman siyang nakikitang masama sa paligid niya para hindi siya pwedeng lumabas. Hindi na rin naman niya inaalintana ang pagtingin-tingin ng mga tao sa kanya habang naglalakad siya dahil paminsan-minsan ay nararanasan na rin naman niya talaga iyon lalo na't iba ang mukha niya dahil sa Pilipino siya habang ang mga ito naman ay natural na mga Hapon. Sanay na siya sa ganoon at ito nga't madali na siyang nabilhan ng ipapasalubong na souvenir si Mira nang walang nangyayaring masama sa kanya.

Tumigil siya sa isang magazine stand upang kahit papano ay makabili rin naman siya ng para sa sarili. Pero bago pa man siya tuluyang makapili ay napansin na niya ang pamilyar na mga pigura sa isang front page ng magazine, kasabay noon ay ang pagkakadakip ng utak niya sa balitang pinapanood ng matandang may –ari ng pamilihang na iyon.

Agad na siyang napatakbo para makalayo sa lugar na iyon. Ilang liko at mabilis na pagyapak pa ang ginawa niya bago finally nakarating na siya sa huling kanto pabalik ng bahay ni Aira pero bago pa man siya tuluyang makalapit ay natanaw na kaagad niya ang pumpon ng mga reporters na nagkalat sa harapan ng gate ng sikat na modelo.

Kasabay ng kaba niya ay ang pagtunog ng cellphone na mabilis rin naman niyang sinagot.

"Ury, nasaan ka?" nag-aalalang wika ni Aira na nasa kabilang linya

"Nandito ako sa labas ng bahay, hindi ko alam kung paano ako papasok. Madami silang nakaharang" mahinang saad niya upang hindi makuha ang atensyon ng mga tinataguan niya

HugsxKissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon