TDS 1: Coffee Shop

45 17 51
                                    

Maganda ka pa rin." Sabi 'ko sa sarili 'kong nakaharap sa salamin habang inaayos ang uniporme ng bago 'kong eskwelahan. Unang araw sa bagong paaralan kaya naman dapat ay maayos ang itsura 'ko.

Pagkatapos 'kong mag-ayos ng sarili ay agad 'kong kinuha ang aking backpack at umalis sa aking kwarto, sa bagong lipat na dorm. Ako palang mag-isa doon at nasa pinakadulo pa yun ng pinakahuling palapag. Maganda na rin na doon ako napadpad nang sa gayon ay walang makakaisturbo sa akin at mapayapa ang pananatili ko roon.

Kinuha ko ang gum sa loob ng backpack 'ko at napatingin sa relo sa aking kaliwang kamay.

"Ang aga pa pala." Bulong 'ko sa sarili. 6:30 pa lang ng umaga at 7:00 pa ang pasok 'ko. Masyado pa akong maaga pero may mga ibang estudyante na rin sa loob ng campus. Marahil siguro ay mga excited ito.

Alam ko namang sa una lang magiging early bird ang mga ito at kapag tumagal-tagal na ay mas hahaba ang pila ng mga late tuwing flag ceremony. Alam 'ko ito dahil isa ako sa mga nangunguna sa larangan ng pagiging late sa dati 'kong paaralan.

Hindi muna ako pumasok ng gate at napagpasyahang pumunta muna sa coffee shop na malapit lang sa school.

May nakita akong mga estudyanteng may kaparehong uniporme na katulad sa suot ko. Ang iba ay nagtatawanan habang ang iba naman ay nagbabasa ng diyaryo, paborito nilang libro o ng kung ano nanamang status o pakulo na kumakalat sa social media.

Nang matapos ako sa pago-order ng kape 'ko at tinapay, umupo ako sa may bandang dulo sa tabi ng bintana. Agad akong nakaramdam ng pagvibrate ng phone ko kaya naman tinignan ko kung ano 'yon.

"I'm on my way." Nakasaad sa screen ng phone 'ko. Napataas naman ang isa kong kilay, alam ko na kasi ang mga ganyang uri ng pagtetext. Kunwari ay on the way na raw siya o malapit na pero ang totoo ay kagigising lang nito o maliligo palang. Haay, mga Pilipino nga naman.

Ibinalik 'ko sa aking bulsa ng palda ang phone 'ko at kasabay naman nito ay ang pagserve ng waitress sa aking order. Makikita mo ang iilan na kakapasok pa lamang sa shop habang ang mga staffs naman ay sinasalubungan sila ng isang matatamis na ngiti. Humigop ako sa aking kape nang may narinig akong isang malakas na kalabog at sinundan ito ng sigaw.

"AAAH!" Sigaw ng isang babae na malapit lang sa pwesto 'ko. Nakita ko ang isa pa nitong kasama na napatayo sa kanyang kinauupuan na tila gulat na gulat. Nagsitayuan ang iba pang mga costumers at ang ilang staff at napatingin ako sa kanilang tinitignan.

Isang lalakeng nakahandusay sa sahig habang nakahawak sa kanyang dibdib at nakadilat ang mga mata.

"Christian!" Sigaw ng isang babaeng nakabraid ang buhok na tila galing sa comfort room  at saka umiyak. Hahawakan niya sana ang biktima nang pinigilan ko ito at hinawakan sakanyang braso.

"Ian!" Sigaw nang isang staff na nagmula pa sa likod ng mga taong nagtatanong kung ano ang oorderin ng mga tao. 

"Walang hahawak sa biktima." Ani 'ko. Makikita ko ang iba na tila nagbubulungan habang ang iba naman ay may hawak na mga phones at tila nirerecord ang kung ano mang nangyayari ngayon.

"Anong nangyari dito?" Tanong 'ko sa dalawang babaeng kasama ng lalakeng biktima. Ang nakabraid ang buhok na babae ay patuloy parin sa pag-iyak samantalang ang isa namang babaeng hanggang balikat lang ang buhok ay walang kaemosyon-emosyon sa mukha.

"Nagtatawanan lang kami at naguusap kanina tungkol sa magiging first day class namin, hindi ko naman alam na yun na pala ang huli naming pag-uusap, huhuhuhu." Paliwanag nito habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Napatingin naman ako sa babaeng walang emosyon at ngumisi lamang ito sa akin.

"Poisoning." Narinig ko mula sa isang pamilyar na boses ng isang lalake. Nang tinignan ko kung saan nagmula iyon ay makikita ko ang aking kaibigang si Rod. Mukhang kakapasok lamang nito. Ang bilis niyang nakapunta dito ha? Siguro nga ay on the way na nga siya nung nagtext siya sa akin.

"Sa tingin mo?" Paglapit ko rito. Tumango naman ito bilang sagot sa akin. Nakatingin rin siya sa biktimang nasa sahig.

"Kung titignan, madaming tao ang nandito kaya imposibleng sinaksak siya o binaril. Isa pa, wala ka namang makikitang dugo sa katawan nito. " Pagpapaliwanag nito habang patuloy sa pagoobserba sa katawan ng biktima. Tama nga siya, walang mababakas na dugo sa katawan o sa paligid ng biktima.

"Kilala mo ang biktima?" Tanong ko sa lalakeng staff na agad agad tumakbo sa table na ito noong sumigaw ang babaeng nakabraid ang buhok.

"Oo, kaibigan ko siya..." Panimula nito habang nakatingin sa kaibigan niyang nakahandusay na sa sahig at hindi na humihinga. Pero agad itong napatigil saglit at tinignan kami.

"Pero kung paghihinalaan niyong ako ang pumatay sa kaibigan ko, buong umaga nasa kwarto lang ako at naghahanda ng bawat orders, masyadong madami ang mga nagoorder ngayon!"  Sabi nito.

"Ikaw?" Tanong ko naman sa babaeng nakabraid ang buhok. Napansin ko rin na ang bawat nangyayari dito ay isinusulat ni Rod sakanyang maliit na notebook.

"Galing ako sa comfort room." Yun lang ang sinabi niya hanggang sa nagpatuloy ito sa kanyang pag-iyak. Tumango tango naman ako bilang tugon at tinignan ang babaeng walang reaksyon ang mukha.

"Kararating ko lang rito. Kung pagiisipan niyong ako ang pumatay, wala akong motibo para gawin yun. Infact, nakipag shake hands pa nga ako kay Christian, magkaibigan kami." Sinabi niya lang ito ng walang kareak-reaksyon ang mukha simula umpisa hanggang dulo.

Kung titignan ang mga suspek, ang nakabraid na babae ay tila malilikot ang mga kamay at parang malilikot ang mga eyeballs. Ang lalake namang staff ay wala namang kahina-hinala maliban na lamang sa may hikaw itong kulay itim,may relo at may singsing. Ang walang reaksyong babae naman ay may hawak na phone sa kanyang isang kamay at may singsing din sa kabilang kamay.

Ngayong narinig na namin ang lahat ng alibis nila, mas lalong naguluhan ako.

Oo, posible ngang paglalason ang dahilan pero ang tanong...

Sino at Paano?

---

May mga bagay po akong binago sa Chapters 1 and 2 :).

rarecrown

The Dauntless SleuthsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon