Simula nang makabalik kami sa room, hindi na kami muling nakapag-usap ni Law. Ewan, pero simula ng malaman niyang hindi naman talaga nawala si Erin, parang napuno ng inis at galit ang aura niya.
Sabagay, kahit sino naman atang paglaruan, maiinis at magagalit talaga.
Habang patuloy lang sa pagtatalakay ang adviser namin sa harapan tungkol sa mga vision and mission ng paaralang ito, humarap naman sa akin ang kaklase 'kong lalake-- yung gumamit ng tap code kanina.
"Hello Cleo..." Masiglang bati nito sa akin. Itinaas niya pa ang mga kamay niya at malalawak ang mga ngiti.
"Ako nga pala si Alleya, sorry kung gumamit ako ng Tap Code kanina at kung nainis ka. Hindi ko sinasadya, sorry girl." Paghihingi nito ng paumanhin habang yumuyuko ito nang paulit-ulit.
"Tumigil ka nga diyan Alejandro!" Pagsisita ng kanyang katabing babae sabay binatukan ito ngunit mahina lamang.
"Pagpasensyahan mo na siya Cleo, masyado kasing friendly 'tong baklang 'to kaya kung minsan eh nagiging creepy na ang way niya sa pagiintroduce ng sarili niya." Dugtong naman ng babaeng katabi ni Alle--Alejandro.
Ngumiti lamang ako bilang tugon sa mga pagpapaumanhin nila.
"Shut up Bianca! Well Cleo, bakit ka lumipat ng school?" Nagulat ako sa tanong ni Alejandro, iniiwasan ko ang tanong na 'yun pero mukhang nacorner ako ng kaklase 'ko. Nakatitig silang dalawa sa akin na halatang hinihintay ang aking sagot ngunit wala akong balak sagutin ito bagkus ay, maghahanap ako ng paraan upang hindi masagot ang tanong na iyon.
"Ay taray! May kamukha ka girl!" Pagtuturo naman niya sa mukha 'ko, inilagay niya pa ang kanyang hintuturong kamay sa gilid ng kanyang ulo, na animo'y nagi-isip. Pilit inaalala kung sino 'raw' ang kamukha 'ko.
"Oo nga! Lalo na kapag ngumunguya ka ng gum!" Tila pagsang-ayon ni Bianca kay Alejandro. Kasalukuyan akong ngumunguya ng gum, madalas ko kasi itong ginagawa. Napapakunot na ako ng noo, nababahala kung sino ba ang kamukha 'ko. Sa pagkakaalam 'ko kasi bawat tao ay kakaiba.
"Yung ano! Ano ba name nun girl? Yung kilalang anonymous na ano girl!!" Tila pasigaw na pagsasalita ni Alejandro nang mukhang naalala na niya kung sino ang aking kamukha. Masyadong malakas ang pagsigaw nito kasabay pa ng malikot niyang paggalaw na siyang nagiging dahilan upang magkaroon ng mga ingay ang kanyang upuan.
"Mr. Alejandro Cruz!!" Pagsita sa kanya ni Ms. Loriya na siyang ikinagulat niya at bahagyang dahan-dahang bumalik sa pagkakaayos ng kanyang pag-upo. Halos karamihan naman sa aming mga kaklase ay napatingin sa aming direksyon. Ang katabi niyang si Bianca ay mahinang tumatawa samantalang si Alejandro naman ay palihim na nagsi-sign ng 'peace' sa kanyang mga kaklase na akala mo ay nangangandidato.
"Tss." Muntik na akong mapatalon sa gulat nang may marinig akong nagsalita sa katabi kong upuan. Kanina ay tahimik lamang ito ngunit bigla bigla siyang nagsalita.
Nagpatuloy lamang ang talakayan tungkol sa kung anu-anong patakaran na mababasa mo naman sa handbook na ibibigay sa inyo di kalaunan.
-
Tumingin ako sa wall clock na nasa taas lamang ng television, nakaupo ako sa sofa habang ang mga paa ko ay nakapatong sa isang maliit na table sa sala at nanonood ng palabas. 9 na ng gabi at marami na ring nangyari sa unang araw ko sa paaralang iyon, mas mabuting mag pahinga na lamang ako sa dorm na tinutuluyan 'ko.Patuloy lang ako sa panonood nang biglang tumunog ang cellphone ko na nasa tabi 'ko lang.
Isang pamilyar na pangalan ang rumehistro at sinagot ko naman ito ng walang kabuhay-buhay.
BINABASA MO ANG
The Dauntless Sleuths
Mystery / ThrillerAre you ready to be one of them? 🌼🌼🌼 #96 in WARNING = 040320 #191 in MYSTERY/THRILLER = 060317