TDS 5: The Secret

16 3 0
                                    

"Anong kalokohan nanaman ang ginawa mo Rod?!" Pagsigaw ng daddy ni Rod sakanya. Hating gabi na pero di pa rin ako umuwi, dumiretso kami sa bahay nila Rod. Tulog na ang mga tao dito sa mansion maliban sa daddy niyang nasa office room parin nito. Nung una ay nagulat pa nga ito, di naman kasi kami dumaan sa main gate ng mansion nila, dahil nga kasama ko si Rod at hobby namin ang paga-adventure, dumaan kami sa secret gate na nadiskubre niya.

Naririnig ko ang mga malalakas ngunit kontroladong pagsigaw ng daddy niya habang nasa loob sila ng kwarto, nasa labas lamang ako-- saktong nasa pintuan at nakikinig.

"At talagang nagpanggap ka pang ikaw ang taong 'yon! Ano bang pumasok sa kokote mong bata ka ha?!" Napalaki ang mata ko ng marinig ko ang sinabi ng daddy niya. Nagpanggap si Rod? Ibig bang sabihin, nagpanggap siyang ako???

"Tapos may kasama ka pang babae? Anong balak mo ha? Gawing babae si Eros?!" Te-teka? Paanong...

"Sorry da--"

"Anong sorry sorry ka diyan? You're grounded for 2 weeks, Rodrigo!" Malakas na sigaw ng daddy ni Rod. Sa sobrang lakas nito ay napa-atras ako mula sa pagkadikit ng tainga ko sa pintuan.

"What? Wait, no dad! I have something for you." Sa pagkakakilala 'ko kay Rod ay dito na nagsisimula ang pagpipilit niya na huwag siyang igrounded for 2 weeks. Hindi ko tuloy maiwasang hindi maguilty. Simula pa kasi noon, kapag may gagawin kaming adventure, ay siya na ang napapagalitan.

"What? Siguraduhin mong matutuwa ako diyan kung hindi..." Kung nasa loob siguro ako ay panigurado na akong napapalunok na ng laway itong kaibigan 'ko. Knowing his daddy, kapag sinabi niya gagawin niya talaga.

"Haaay, pasok ka na nga dito. Alam kong kanina ka pa nakikinig." Bahagyang nilakasan ni Rod ang boses niya. Ako iyon, 'di ba? Tumayo ako ng tuwid, at inayos rin ang sarili. Huminga muna ako ng malalim bago 'ko pinihit ang doorknob.

Pagkapasok 'ko ay bumungad sa akin ang katamtamang laki ng kwarto na may iba't-ibang boolshelves. Tito Rovellus is fond of collecting different books. Nakikita ko ang nakangisi kong kaibigan, at sa harap nito ay may lamesang pang opisina at nakaupo roon ang isang lalakeng tila gulat sa aking pagbisita.

It has been how many months since the last time I went here.

"Cleo, ikaw ba yan?" Tanong ni Tito Rovellus habang dahan-dahang tumatayo sa pagkakaupo nito. Ang mga mata niya ay nakadikit pa rin sa aking kinatatayuan.

"Hello po Tito." Bati ko sakanya at nagpakita ng isang matamis na ngiti. Agad naman siyang tumakbo papunta sa direksyon ko at niyakap ako ng mahigpit.

"Kumusta ka na hija?" Tanong nito sa akin pagkatapos niyang kumawala sa aming pagkakayakap.

"Okay lang naman po ako Tito. Saka, ako po yung kasama ni Rod sa club." Pagpapaliwanag 'ko rito. Tumingin ako saglit kay Rod at binigyan ako nito ng okay sign  na may kasama pang tama-yan-look.

"Ganun ba? Sige, mukhang naiintindihan ko na kung bakit ginawa ni Rod iyon..." Saglit naman nitong tinignan ang anak at bigla namang naging maamo ang mukha nitong si Rod na kanina lang ay parang nagpaparty na ng nagpaliwanag ako.

-
"Nasaan ka kagabi?" Tanong ni Alleya sa akin habang kasama niya si Bianca na nakatayo at umiikot sa upuan 'ko. Recess ngayon kaya ang iba ay nasa labas, panigurado sa canteen.

Habang iniikutan nila ako, ay nakita kong may hawak si Alleya na phone at nakabukas ang ilaw non. Nakikita ko pa ang larawan ng isang tao na kung saan ay nakajacket na may hood na black, dahil sa kadiliman ng lugar hindi ganun naaninag ang mukha niya. May lollipop pa itong nginunguya sa bibig niya. Kung hindi ako nagkakamali, kilala ko ang taong 'yon.

"Nasa dorm lang ako buong gabi." Sabi 'ko. Oo, nagsinungaling 'ko. Pero may sapat na rason naman ako, kaya 'ko ginawa iyon. Hindi lang yun para sa ikabubuti 'ko, kundi maging sakanila rin.

"Sigurado ka?" Inilapag ni Bianca ang dalawa niyang kamay sa armchair 'ko at inilapit nito ang sarili sa akin. Makikita mo sa mata nilang dalawa na para bang ang didiin ng mga titig nila sa akin, inoobserbahan bawat ikikilos ko. Hindi ako komportable sa ginawa niya kaya kumapa ako ng gum sa loob ng bag ko. Apat lang kaming nandito sa loob ng kwarto. Ako, Alejandro,Bianca at si Law na natutulog.

"Oo." Diretso kong sagot dito at nginuya ang gum sabay tumingin sa kabilang direksyon sapagkat sobrang lapit namin ni Bianca.

Nagkaroon naman ng panandaliang gulo at ang iba ay patakbong bumabalik sa kanilang mga upuan. Kasunod naman non ay ang pagbell. Bumalik na sa kanilang mga upuan sila Alleya at Bianca pero ang mga mata nito ay nakadikit parin sakin. Sabay pa silang nag V-sign tapos itinapat sa kanilang mga mata at itinuro nila sa akin pagkatapos.

"Tss."  As usual, 'yan lang ang narinig ko sa katabi 'kong walang alam gawin kung hindi ang matulog.

-
Katatapos lang ng klase at naglalakad na ako pabalik sa dorm. Ako lang mag-isa, ngumunguya ng gum habang magkahawak kamay naman sa aking likuran ang dalawa kong kamay. Hinahayaan ko lang na magsway ang buhok ko kasabay ng hangin na dumadampi sa balat ko.

"Cloe." Napatigil ako sa paglalakad ng may tumawag sa akin mula sa likod. Alam kong ako yon dahil kaming dalawa lang dito.

"Erin." Pagsagot ko ng nilingon ko ang pinanggagalingan ng boses. Siya yung photographer sa unang case na sinolve ko rito at ang nagpasimuno ng riddle.

Naririnig ko ang mga pagtapak ng heels ng sapatos nito habang palapit siya ng palapit sakin.

"Nag-enjoy ka ba kagabi, detective?" Nakangisi nitong tanong. Napakunot naman ako ng noo ng ipinakita niya sa akin ang picture na nakita ko rin sa cellphones nila Alleya at Bianca.

"Hindi ako yan." Iyon lang ang sinabi ko at tinignan din siya ng mariin, tulad ng ginagawa niya sa akin. Nakikita ko ang maganda niyang mukha na nakangisi sa akin na siyang lalong ikinaiinit ng ulo 'ko. Kapag ako hindi nakapagtimpi, lalapat ang nagiinit kong kamao sa mukha niyang maganda.

"Ang tagal na rin simula nung huli kang nagpakita, buti naman nakasolve ka uli ng kaso sa bar, kagabi." Maririnig mo sa tono nito na para bang hinuhuli niya kung saan ako babagsak sa mga patibong niya.

"Hindi ako yan, nagsasayang ka lang ng oras." Sabi ko at nilagpasan na siya, pero bago ako makalayo sa kanya ng tuluyan ay narinig ko pa ang huli nitong tinuran.

"Oo nga naman, hindi nga naman ikaw ito. Kasi si Eros 'to na nagpanggap lang na ikaw, hindi ba Phoevian? Ang sikat na anonymous detective na naging mastermind sa mga pagpatay."

----

rarecrown

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Dauntless SleuthsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon