Nang marinig na namin ang kanilang mga alibis at akmang lalapitan ko ang katawan ng biktima nang biglang nagkaroon ng ingay sa pagpasok ng ilang mga nakasuot na pang uniporme ng pulis at ang dalawa ay naka all white.
"Mom!" Sigaw ng kasama ko nang mapagtanto niyang mommy niya pala ang kakapasok lang sa shop.
"Rod? Why are you here?-- Ran? Ikaw ba yan iha?" Tanong nito sa akin nang puno ng pagtataka at tuwa ang mga mata.
"Hello tita." Ani ko, at ngumiti dito. Ngumiti rin ako kay Inspector Garcia nang mapatingin ito sa akin na puno ng pagkagulat. Ibinigay na rin ni Rod ang notebook niya rito.
"Nice to meet you Rod at Ran. Detective Ro oh, andyan ang mga infos na nakalap ng dalawang batang 'to." Sabi ni Inspector sabay bigay kay Detective Ro ang notebook pagkatapos niya itong basahin. Oo, isang Detective ang mommy nitong kaibigan ko.
"Paglalason, huh?" Wika ni Detective habang ang isang kilay ay nakataas at patuloy ang pagpalit ng tingin sa katawan ng biktima at sa notebook.
Ang ibang mga pulis ay pinalibutan na ang paligid ng kulay yellow na parang tape at pinalabas na ang iba pang mga walang kinalaman sa nangyari. Ang iba ay kumukuha ng litrato ng biktima.
Patuloy lamang sila sa pagiimbestiga kaya't napagpasyahan kong magimbestiga ng para sa sarili ko. Inilibot ko ang tingin ko sa table at nakita kong may sticky notes na nakadikit sa tatlong baso sa table.
"Para saan ang mga sticky notes na nandito?" Tanong ko na siyang naging dahilan para makuha ko ang atensyon nila.
"Kapag pumupunta kasi kaming tatlo dito, lagi naming pinalalagyan ng sticky notes." Katulad parin ng kanina, wala paring reaksyon ang kanyang mukha.
"Pare-pareho kayo ng inorder na coffee?" Tanong ni Detective Ro sa tatlo habang hawak hawak ang resibong kanina lang ay nakalagay pa sa table. Hindi ko manlang iyon napansin,ha?
"Oo, pareho kasi kaming paborito ang kape na iyon, huhuhu." Sabi nito habang patuloy parin sa pag-iyak. Ni hindi niya manlang pinupunasan ang kanyang mga luhang sige lang sa pag agos.
Patuloy lang sa pagiimbestiga ang mga pulis at kinuha na rin ang bangkay ng biktima. Napansin kong may binulong si Inspector Garcia sa isa sa mga babaeng pulis at napatango naman ito.
Nagulat ako nang may katabi na akong tila tinitignan ng mabuti ang mga pagkaing nasa table.
"Matakaw ba si--- teka, ano nga pala pangalan ni victim?" Tanong ni Rod habang hawak hawak ang tinapay na katulad kanina ay nakalagay lang sa table. Pareho sila ng mommy niyang mabilis ang kamay, like mother like son.
"Christian. Oo, paborito niya kasi yang tinapay." Pagpapaliwanag naman ng staff na lalake.
"Ahh excuse me, saan ang comfort room? Naaano na kasi ako eh." Sabi ng babaeng pulis na kausap kanina ni Inspector Garcia. Nagboluntaryo ang nakabraid na buhok na samahan ito, medyo hindi na naging kaaya-aya ang hitsura nito dahil sa nanuyong mga luha.
Ilalabas ko sana ang aking panyo na nasa bulsa ng aking uniporme nang may mahulog na barya sa sahig. Nagpagulong gulong ito at tinapakan ng lalakeng staff para tumigil sa paglakbay,dinampot at binigay sa akin. Nagpasalamat ako at ngumiti lamang siya.
"Miss no reaction, pwede bang isulat mo dito ang pangalan mo? Dagdag information lang." Sabi ni Rod at saktong inextend pa ang mga kamay habang hawak ang maliit na notebook at nakapatong doon ang isang ballpen. Tumawa lang ng malakas ang kanina ay halos walang kakulay-kulay ang mukha.
"Ano ako, tanga? Alam ko ang mga pakulong ginagamit niyo para mas magkaroon ng contact ang katawan namin sainyo." Ani nito at agad namang binalik ni Rod ang pagkakaextend ng kamay niya sa orihinal na posisyon nito.
BINABASA MO ANG
The Dauntless Sleuths
Mystery / ThrillerAre you ready to be one of them? 🌼🌼🌼 #96 in WARNING = 040320 #191 in MYSTERY/THRILLER = 060317