TDS 3.2: A Riddle (Closed)

17 7 4
                                    

Bumalik ako sa aking pagkakaupo at hindi ko na sinagot ang aking mayabang na kaklase, pilit kong tinatanggal ang sarili ko sa mundo ng kahihiyan nang may maramdaman akong mga kamay na nakahawak sa aking mga braso na tila ba ikinakaladkad ako papunta sa pintuan.

"Bitawan mo nga ako! Ano bang problema mo?!" Sigaw 'ko kay Law habang pinipilit na tanggalin ang mga kamay na nakahawak sa braso 'ko. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya at mabilis siya maglakad kaya marahil siguro ay hindi niya napapansin na nasasaktan ako sa kanyang ginagawa--- o, wala lang talaga siyang pakielam kung may kaladkarin man siyang babae sa harap ng madaming tao.

"Let us solve this trick together."

Tila napahinto ako nang marinig ang mga salitang iyon na nanggaling sa kanyang mga bibig. Hindi ko inaasahang magmumula yun sa napakayabang kong kaklase.

"Tss, you acted like a detective a while ago and now you're acting like we were in a romance story from those typical girl's books." Tuloy-tuloy na page-english niya habang ikinakaladkad parin ako.

"Pwede bang bitawan mo ako? Mukha kasing ine-enjoy mo ang pagkakahawak mo sa braso ko eh." Pagrereklamo ko na siya namang agad niyang binitawan ang mga braso 'ko. Mababakas mo ang marka ng mga kamay niyang kanina pa nakadikit sa mumunti 'kong mga braso.

Patuloy lang siyang naglalakad at sinusundan 'ko naman ito, hindi 'ko alam kung bakit ko siya sinusundan pero nakatitiyak akong gusto niyang ilutas ang idinulog na kaso sakanya kanina.

"Any ideas about the riddle?" Panimula nitong tanong sa akin. Pilit 'kong inalala ang riddle na nabasa ko kanina.

Reminisce your ABC, count those 1,2,3.
Hit the Do Re Mi, find the lady.

Pilit 'kong ipinagtagpi tagpi at inintindi ang mga bawat salita na nakasulat sa papel pero wala akong makitang maayos na sagot dito.

"Kung titignan natin ang bawat salita parang sinasabi niyang nasa Department siya ng mga Pre-Schools or Elementary students?" Pagbabahagi ko ng ideya sa aking kasama.

"How do you say so?" Tanong nito na hindi manlang piniling lumingon sa akin. Diretso lang ang mga tingin niya sa daan.

"Alphabet,numbers and notes. Hindi ba't sa mga ganoong edad itinuturo ang mga basic topics na tulad nun?" Tama naman ako hindi ba? Sa pagkakaalam ko kasi ay una talaga munang tinuturo ang mga ganong klase ng bagay sa mga bata.

"Elementary building might be too wide to put an abducted student, but  considering the factor that kids have the highest curiosity, the one who planned this can't put his victim on that building."

"If he is planning to put a play on us, I am 100% sure that he wont put his victim on a wide place."  Dugtong pa nito. Napahanga ako sa skills niya pero hindi ko ito pinahalata, baka lalong yumabang lang ito.

Patuloy lang kami sa paglalakad nang mapahinto kami sa isang room at nang itinaas ko ang aking paningin ay nagulat ako sa nakita kong nakasulat doon kung nasaan kami.

"Music room?" Binasa ko ito ng malakas para marinig ni Law nang malaman niyang mali ata kami ng napuntahan. Bakit kami pumunta sa music room?

"Bakit tayo nasa music room?" Tanong ko sa aking kasama pero wala akong narinig na sagot. Nakita ko lang siyang umiling at minarkahan ang pintuhan pagkatapos ay umalis na roon, nakalimutan niya atang may kasama siya at kinailangan ko pa siyang habulin.

The Dauntless SleuthsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon