Chapter 2: Wanted

28 2 0
                                    

Blair's POV
Araw-araw akong dinadalaw nang dalawang mag kaibigan dito,okay naman sila may pagka isip bata ngalang. Sabi nila ipapakilala daw nila ako sa tatlo nilang kaibigan.
Balak ko na sanang turuan sila tungkol sa enkantasyon.

Kasalukuyang nasa hardin ako at binibinyagan ang mga halamang ngayon ay may buhay na, na kung dati nong una kong dating dito ay matamlay at malapit ng mamatay, kaya ginamitan ko siya ng konting magic.

"Blair!" Agad akong napatingin sa babaeng makulit na tumawag sakin, nakarating na pala sila at may kasama silang dalawang lalake at isang babae

"Sila ba yong kaibigan niyo?" Tanong ko, agad naman silang napatango

"Siya si Mikaela Thana Laderua" pakilala ni Arison sa babaeng kasama nila at kumaway naman si Mikaela.. honestly ang cute niya

"Ito naman si Ethan Lyn Vashon" pakilala niya sa isang lalakeng kasama nila which is may pagka nerdy pero gwapo.

"At yang isa, ay wag mo nang kilalanin ang Manyak na yan" sabi ni Krysha at inirapan ang katabi niya

"Hoy babaeng may regla bakit? Eh sa gwapo kong to? Manyak?!" Tanong ng lalakeng kasama nila na may pagka messy ang buhok mukha nga siyang chick's boy eh.

"Totoo naman ah manyak ka!" Sigaw ni Krysha sa mukha nang lalake

"Edi kung ayaw mo akong ipakilala ako na ang mag introduce sa sarili ko kay Miss beautiful " sabi niya at binelatan si Krysha

"Hello Blair diba? Ako nga pala si Castlo Fred-" Di niya na tapos ang pagpapakilala niya dahil sumabat si Krysha

"Panget"

"Tumahimik ka nga! Panira ka eh" Sita niya dito pero nag make face lang si Krysha.

"Ako pala si Castlo Fred Primrose. Ang lalakeng pinapangarap ng mga babae na sinasabi nilang Maka laglag panty" sabi niya sabay kindat

"Eww ang baho ng hangin yuck! Nakakadiri! "Kontra naman ni Krysha sabay takip sa Ilong niya. Di na ako sumagot sa kay Castlo at nginitian nalang siya.

Di naman ako Ganun ka rude para di siya ngitian

"Tara sa tree house may miryendang naka handa dun" alok ko sakanila pero nabigla ako nang Bigla silang nagtakbuhan papuntang tree house at nag uunahan

"Hoy Castlo ano ka ba ako ang nauna! "

"Alis nga kayo! Mauubusan ako nito eh!"

"Ampupu! Ambabaho niyo! Alis!"

"Mga baboy kayo di niyo na naman ako tirhan niyan! "

"Paunahin niyo ang gwapo oy!"

Napa facepalm nalang ako sa narinig ko.. yan ang sinasabi nila habang nagsisiksikan sa hagdan. Kaya bago ako umakyat hinintay ko munang makapasok sila

Pagkapasok ko sa tree house prente silang naka-upo habang kumakain ng miryenda, at pag tingin ko sa plato ay wala nang laman.

"Inubos niyo?" Tanong ko, nagbabakasakaling may Tira pa

"Showe Blwair ang shawap Kashi eh" sabi ni Mikaela habang puno puno ang bibig sumang-ayon naman ang iba

Napa facepalm nalang ako, di ko pala alam na matakaw ang mag ka kaibigan ito. Kaya pala nag sisiksikan sila kanina

Finding the Blue StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon