Chapter 3: Meeting Froyanna

20 3 0
                                    

BLAIR's POV
"Bakit ba ginawa ni Kristoff yun?"
"Pati ba naman bisita natin pinagdiskitahan niya?tss"
"Ewan ko diyan kay kuya, hayok sa gems cinut off kasi ni daddy yung allowance niya"
"Kawawa naman si Blair"
yan ang narinig ko nang nagkaroon ako ng malay. Gumalaw ako ng kunti at inobserbahan kung may masakit ba sa katawan ko, nang maramdaman kong wala namang masakit unti unti kong binuksan ang mga mata ko.

"Blair! Buti naman at gising ka na!" Masiglang sabi ni Arison at inalalayan akong umupo.

"Buti naman at tumalab ang Healing spell" sabi naman ni Krysha. Inilibot ko ang tingin ko, wala ako sa selda, di ako nakakulong, andito sila, nasa magarang kwarto ako. Bakit hindi ako nakakulong? Diba dapat nasa kulungan ako ngayon dahil nahuli na nila ako? At higit sa lahat. Nasaan ako?

"Saan ba ako? Tayo?" Tanong ko at tumingin sa side table, andito din ang bag ko, kinuha ko ito at tinignan ang nasa loob. Andito din ang bokken at wand ko.

"Nasa Palasyo tayo ng Frayle Kingdom" ano?! B-Bakit andito? Malamang Blair bobo ka ba? Paparusahan ka, tapos puputulin kamay mo kung hindi, puputulin ulo mo, yan nakaw pa kaya face your consequences.

Napatingin kaming lahat sa pinto nang biglang bumukas ito. May pumasok na lalake na naka black suit at mukhang kasing edad lang namin.

"Gising ka na pala, maaari ka bang sumama?" Sabi nito

"Ako ba?" Sabay turo sa sarili ko. Tumango naman ito at bahagyang ngumiti, tumayo ako at dinala ang bag ko bago lumapit sakanya.

"Mag ingat ka Blair aantayin ka namin dito" pahabol ni Arison bago kami lumabas ng lalake sa silid.

Naglakad kami sa isang tahimik na pasilyo, tanging aming yapak lang ang naririnig ko sa sobrang tahimik. Di din naman nagsasalita ang kasama ko.
-
Bigla kaming tumigil sa tapat ng isang malaking pintoan. Ang pintuang may crest, Froyanna.
Kumatok ang lalake bago binuksan ang pinto.

"Pasok ka" ani ng lalake, kinakabahan man ay unti unti akong pumasok at nakita kong ang babaeng hindi tumatanda. Siya ang namumuno sa Frayle Kingdom, mahigit sampung dekada siyang namumuno dito parang immortal na babae. Hindi, immortal talaga siya at di yun maipagkakaila. At tinatawag din siyang Venerable Woman.

"Glad you're here Blair" sabi nito at tinignan ako. Kilala niya ako, malamang sino ba hindi makakilala sa isang magnanakaw na kagaya ko? Nakatayo kami ng lalakeng kasama ko sa harap ni Froyanna at walang ni isa sa amin ang may balak na magsalita.

"Please take a sit" aniya kaya umupo din kaming dalawa. Pag uusapan na ata namin kung ano ang ipapataw na parusa sa akin. Napa buntong hininga nalang ako.

" ano na ang parusa ko?" Tanong ko dito habang naka upo, ayoko ng magpaligoy ligoy pa, mas mabuti na yung malaman ko kaagad kaysa naman andami pang salita.

"You really can't wait huh." Parang amaze na amaze si Froyanna habang sinasabi ito.

"I just don't want to waste my time. So, spill it now" walang gana kong sabi.

"Well, it's not about your punishment Blair, it's about asking a favor" sabi nito. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya, asking a favor? Sino? Siya? Maghihingi ng pabor?
Parang naintindihan niya ang reaksyon ko at sinabing

"Pabor Blair na ikaw lang ang makakagawa, kailangan ka ng boung Wizard's and Witchcrafts world Blair" napakunot ang noo ko nang sinabi niya ang mga katagang iyon. ako? kailangan ng wizard world? psh. Nasisiraan ba siya ng bait? baka nakalimutan niyang may kasalanan ako at kailangan maparusahan.

Finding the Blue StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon