Chapter 4: Contrary

18 1 0
                                    

Blair's POV
"Mag ingat kayo" sabi ni Froyanna. Binuksan naman ni Cody ang pinto ng karwahe, at nauna na akong pumasok at sumunod naman si Cody. Bago niya isinirado ang pinto nagkatinginan muna kami ni Froyanna at nag bow ako at tuluyang isinarado ni Cody ang pinto at nagsimula nang maglakad ang kabayo.

Hindi pa kami nakalayo biglang tumigil ang karwahe na siyang ipinagtaka namin. Pero di nagtagal ay umusad na ito.

"San tayo unang pupunta?" Basag ko sa katahimikan.
"Vampire City" sagot nito at naging tahimik ulit dahil wala nang balak magsalita.

Tinignan ko si Cody at pinagmasdan siya habang nakapikit, hindi ko maitatanggi may kapogian siya, matangos ang ilong, yung labi niya na parang mansanas dahil sa kapulahan nito, ang kanyang pilik mata ay mahaba, yung tipong parang nagmaskara siya pero hindi naman. Bigla siyang dumilat at tinignan ako

"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong nito, agad naman akong umling
"Wala, kinakabisado ko lang ang mukha mo" sagot ko. Umiwas siya ng tingin at tumikhim
"Wag mo akong titigan naiilang ako" ani nito at umayos ng upo. Agad naman akong tumingin sa labas dahil maskin ako naiilang.
Ano ka ba naman Blair?! Nakakahiya yung ginawa mo!

Habang nakatingin ako sa labas, nakita kong may sumusunod din na karwahe sa amin. Napakunot ang noo ko ng makilala ko mung sino ang kutsero nito.
Castlo?
Agad kong kinatok ang kutsero para patigilin. Nang tumigil ay agad kong binuksan at bumaba sa karwahe. Nang makita ako ni Castlo ay agad din niyang itinigil ang karwaheng kanyang sinasakyan.

"Hi Blair" ani nito sabay ngiti. Napakunot naman ang noo ko at lumapit at binuksan ang pintuan ng karwaheng kanyang sinasakyan. At nakita ko ang magkakaibigan pati nadin ang walang hiyang Kristoff. Isa isa silang ngumiti ng peke sabay kaway.

"At san kayo pupunta?" Tanong ko.
"Ah ano, sa ano, dun sa ano" utal na sabi ni Miyuki
"Saan?" Mahinahong tanong ko.
"Kung saan ka pupunta" ani ni Arison at yumuko. Nasapo ko ang noo ko dahil sa katigasan ng ulo nila.
Di ba nila alam na delikado ang ginagawa nila? Delikado ang misyong ito at ayokong malagay sila sa panganib ng dahil sa akin.

"Bumalik na kayo sa Frayle Kingdom" sabi ko at tumalikod pero bago pa ako humakbang nagsalita si Krysha.

"Di kami babalik Blair, kaibigan ka namin at tutulungan ka namin" ani nito. Napabuntong hininga nalang ako at humarap ulit sakanila

"Gusto niyo ba talagang sumama?" Tanong ko. Tumango naman sila maliban sa isa at alam niyo na kung sino yun. Sinamaan ko ng tingin ang walang hiyang lalaking at pinandilatan niya naman ako ng mata.

"At bat ka sumama?" Tanong ko sa lalaking walang hiya.

"Paki mo?" Sabi nito at inirapan ako. The F?! Maygana pa siyang umirap? Bakla ata to eh

"Ah Blair gusto niyang bumawi dahil sa ginawa niya" ani ni Krysha. At siniko ang Kuya niya

"Di na kailangan" sabi ko at bumalik na sa karwahe. Napakatigas ng ulo nila, baka may kung anong mangyari sa paglalakbay namin at madamay pa sila. Napailing nalang ako at umusad na kami at pinikit ko naman ang mga mata ko.
—-
Madilim ang paligid at ang lamig ng simoy ng hangin. Nasa kaligitnaan ako ng kagubatan. Anong ginagawa ko dito? Nasaan sila? Iniwan ba nila ako? Bakit ako lang mag isa? Natatakot ako hindi ko alam kung bakit?

"Arison!"
"Krysha!"
"Miyuki!"
"Nasaan kayo?!"
"Ethan!"
"Castlo!"
"Cody?!"
"Saan kayo?!" Paulit ulit kong tawag pero walang sumasagot. Nababalot na ako ng takot, yinakap ko ang sarili ko ng lumakas ang hangin. Bakit nila ako iniwan? Nakarinig ako ng kaluskos kaya agad kong kinapa ang wand ko sa bag pero wala. Nawawala ang wand ko. Kaya wala akong nagawa kung binilisan ang paglalakad di ko alam kung saan ako pupunta dahil puro kahoy ang nakikita ko. Nang napagod ako ay tumigil ako sa pagtakbo. Nagpalinga linga ako sa paligid baka may kung anong nilalang ang andito.

Finding the Blue StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon