Chapter 1: The Thief

38 3 0
                                    

Kinuha ko ang wand na nasa bulsa ko at nagsalita nang isang enkantasyon
" Alohomora! " At biglang bumukas ang pintoang nasa harap ko ngayon.

"Ayon siya!!" Napalingon ako sa likuran ko ng makita ko ang mga gwardiya na humahabol sa akin.

Nyemas! Natangal ang Maskara ko!
Agad akong pumasok sa pintuan at agad isinara iyon
"Colloportus" bangit ko nang isang enkantasyon para di na nila mabuksan pa ang pintuan

Pinikit ko ang mga mata ko at mga ilang segundo lang ay naramdaman ko nalang na nasa ibang dimension na ako.
Agad akong lumabas para tignan kung tama ba ang pinuntahan ko.

Napangise ako dahil malayo palang nang makita ko ang malaking palasyo, at nakatitiyak ako na malayo na ako sa Centre na tinatawag nilang Frayle Kingdom.

"Hello Ranrion" sabi ko at naglakad papuntang Ranrion Village na malapit lang sa kinaroroonan ko.
Isinout ko ang hood ko para di makita ang boung mukha ko.

Dumaan ako sa isang Bakery at bumili ng tinapay, habang naghihintay ng sukli ay tiningnan ko ang nasa loob nang sling bag ko, ang ganda talaga, nakakamanghang tignan.

"Sukli niyo po" agad kong sinirado ang bag at kinuha ang sukli atsaka umalis

Maghahanap muna ako ng matutuluyan dahil marami pa akong gagawin bukas.
Naglakad ako papasok sa isang eskinita na walang ni isang tao ang dumadaan, dahil sa curiosity tinungo ko ito hanggang dulo.

Pagkalabas ko sa eskinita ay nakarating ako sa isang Hardin, may kalumaan ito dahil sira ang fountain, ang mga bulaklak ay malapit ng malanta,may mga layang dahon ang nakakalat.
May nakita din akong tree house, tinungo ko ito at dahan-dahang umakyat pagkat may kalumaan nadin ang hadgan na gawa lamang sa Kahoy.

Pagkapasok ko sa tree house ay medyo madumi ito pero kumpleto ang gamit dito,may kwarto,may kusina,may sala at pati nadin Rest Room. Sino kaya ang nagpagawa nito? Sino kaya ang nakatira dito?

Kunting linis lang sa lugar na'to ay magiging maganda na'to,pero mukhang walang nagmamay-ari sa lugar nato sa sobrang kalat nang paligid may nakatira pa? Tsk kaya dito muna ako mamalagi

Inilagay ko ang sling bag ko sa isang lamesa at kumuha ng walis at dustpan. Sinimulan kong linisin ang loob ng tree house, pagkatapos non ay ang hardin, kaya nagmukha na siyang kaaya-ayang tingnan. Kung tutuusin mas gaganda ang Hardin na'to kung hindi sira ang fountain at may buhay ang mga bulaklak.

Bumalik ako sa tree house para magpahinga pero bago yun ay kinuha ko ang laman ng sling bag ko at inilagay iyon sa lamesa.

"Ang gandang tignan " sabi ko, habang hinahawakan ang isang ginintoang maliit bokken na ninakaw ko sa Museum sa Centre

Oo NINAKAW KO, dahil MAGNANAKAW AKO

I'm Blair Selene Woster and I am a Thief.

Hobby ko na ang magnakaw, pero pili lang ang mga ninanakaw ko kagaya na lamang ng Gintong Bokken na'to.

May malaking halaga na hindi mo matutumbasan sa tanang buhay mo.

Ginagamit ko ang pagiging Caster ko sa pagnanakaw para hindi ako madaling madakip.

Kagaya na lamang sa nangyari kanina, hindi naman sana ako makikita ng mga gwardiyang yun eh kung hindi ako napatingin sa direksyon ng isang babae kanina.

Kakaiba kasi siya, its like she's using a dark magic habang pinapatulog ang ibang gwardiya sa taas bg Museum kanina.
Hindi ko siya kilala pero natatandaan ko pa ang mukha niya, di kasi siya gumagamit ng mask.

Napabalikwas ako ng may narinig akong naguusap sa baba, nagtago ako at sumilip sa bintana.

Dalawang babae na lumabas galing sa eskinita, ang isa ay mahaba ang buhok na may pagka brownish ang kulay nito ang isa naman ay mahaba din ang buhok pero may bangs.

Finding the Blue StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon