Chapter 5: Serenity

12 2 0
                                    

Blair's POV

"Hoy babae! Wag ka ngang paharang harang sa dadaanan ko" bulyaw na sabi ng tukmol na nasa likuran ko. Hinarap ko siya at tinaliman ng tingin

"Hoy ka din! ang laki-laki ng hallway at dito ka pa talaga dadaan? nananadya ka ba?!" bulyaw ko din habang nakapamewang. Tinaasan niya ako ng kilay at sinamaan ng tingin, sinamaan ko din siya ng tingin.

"Paki mo ba kung dito ako dadaan? sayo ba tong hallway?" masungit nitong tanong. Ang sarap niya pong ibalibag. Di na ako nagsalita at tumabi nalang at pinadaan ang impaktong ubod ng kademonyohan. Inantay ko siyang mawala sa paningin ko bago magpatuloy sa paglalakad.

habang naglalakad lakad ako biglang may kumapit sa braso ko at nang tinignan ko kung sino ito ay si Serenity.

"Hi Blair!" masayang bati nito at binigyan ako ng matamis na ngiti. Di mo masasabing isa siyang bampira dahil sa pananamit at aura niya. Yung tipong parang normal na tao lang kumbaga.

"San ka pupunta?" tanong nito

"Ewan, naglilibot lang ako. Mamaya kasi aalis na kami" sagot ko dito at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Blair may ipapakita ako sa'yo" ani nito at hinila ako patungo kung saan dito sa palasyo. Hindi ko masyadong natandaan yung dinaanan namin dahil sa bilis ng paglakad namin ni Eren. Pumasok kami sa isang malaking silid. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at may mga armas dito sa pakikipaglaban. Gumagamit din pala sila nito? Akala ko nakikipaglaban lang sila gamit ang kanilang kapangyarihan at abilidad.

"Eren gumagamit din pala kayo nito?" Tanong ko
"Oo naman. Lalo na yang longsword it is suitable enough for engaging different kinds of kalaban" sagot nito ay naglakad lakad sa silid na parang may hinahanap. Nang mahanap niya ito agad siyang pumunta sa akin at inilahad ang hawak niya.

"Para saan yan?" Tanong ko
"It's Xiphos. For self defense lang" ani niya
"Ano naman gagawin ko diyan? Tsaka Eren I'm a Caster I can protect myself" sabi ko at kinuha ang Xiphos kuno at tinignan
"Duh, I know naman Blair but hindi naman sa lahat ng pagkakataon you can gamit your wand eh at tsaka dapat matuto ka din gumamit ng swords para kung mawala mo yung wand you can protect yourself pa din" sabi niya at tinapik ang balikat ko. Tumango ako at tinignan ulit ang sandatang ibinigay sa akin. Sabagay may punto naman si Eren, maaaring magamit ko ito pagdating ng panahon, dahil hindi  lahat ng oras nasa kamay ko ang wand ko. May mga nilalang din na hindi madadala sa isang cast ng wand at mapapatay lang ito gamit ng isang sandata. Ang problema lang ay kung paano ko ito gagamitin samantalang nasanay na ako sa pag gamit ng wand.


"Eren oo makakatulong ito, pero anong silbi nito kung di ako marunong gumamit?" ani ko. Napairap naman ito at ngumit.

"Duh Blair, Kaya nga we will make use of the time so that I will turo you how to defend yourself using Xiphos. Tuturuan kita habang di pa kayo naka alis, you will learn something naman even in a short period of time" ani nito at ngumiti. Ang hindi ko maintindihan bakit gusto niya akong turoan gumamit ng isang sandata. Eh sa pagkakaalam ko bago lang kami magkakakakilala.

"Bakit Eren?"

"Anong bakit? of course dapat-" 

"Bakit mo ako tinutulongan? Bakit pinag aaksayahan mo ako ng oras sapagkat kakakilala lang natin, di mo alam habang nakatalikod ka maaari kitang saktan" putol ko.

tinignan niya ako at nagbuntong hininga

"Blair if gusto mo akong saktan dapat kanina pa diba? and why would the Venerable woman send someone that can't be trusted. And for your information ikaw lang naman ang caster na nasa prophesy. You're a good person Blair, the first time I saw you I know that you can be trusted" 

di na ako nagsalita pa at yumuko nalang. Mabuting tao si Eren, ay hindi pala tao Bampira pala. Minsan nakakatakot din maging mabuti dahil di mo alam yung mga pinagkakatiwalaan mong tao yun din palang tatraydor sayo. Sana di dumating sa panahon na may gumawa ng katraydoran sa Bampirang ito. 

"Start na tayo" sabi niya at tinuruan ako.

-------------

Hapon nang matapos niya akong turuan. Andito kami sa isang tagong lugar  na hindi kalayuan sa kanilang kaharian. Gusto niya daw itong ipakita sa akin bago kami umalis bukas.

" Alam mo kung anong maganda sa place na ito?" bigla niyang tanong

di ako sumagot at tinignan lang siya.

"This place makes me feel that isa ako sa kanila. That di ako different sa kanila, and also this place makes me limot of my tiring duties" ani nito at tinignan ang palubog na araw.  

"Sinong sila?" tanong ko

"The mortals"

"Ang mga Mortal?"

"Yes. Sometimes gusto ko nalang lumipat sa mundo nila. It feels like parang I can find happiness sa World nila"

"Mundo nila?" ano bang meron sa mundo ng mga mortal na nagugustohan  ni Eren

"Punta kaya ako dun?" seryosong sabi nito 

"Mapapahamak ka lang Eren. Iba ang pamamalakad sa mundo ng mga Mortal, maaari kang mapahamak pag pumunta ka dun" kontra ko sakanya. Di siya sumagot at tumingin uli sa lumulubog na araw.

-------

Kinabukasan

"Salamat sa tulong niyo at sa pagpatuloy sa amin dito" pagpapasalamat ko sa kay Eren at sakanyang ama. 

kasalukuyang palabas na kami sa Vampire City nang biglang tumigil ang karwaheng sinasakyan namin ni Cody kaya napadungaw ako sa bintana at nakita ko ang pababang Eren sa kanyang sinasakyang kotse. 


"Sandali lang" ani ko kay Cody at bumaba na ng karwahe.

"Eren?"

"Blair I have something to give you but nakalimutan ko siya ibigay yesterday" ani nito at binigay sakin ang isang maliit na kahon.

"In case we will not see each other soon at least may na give ako sa iyong gift na  pwede mong ma use anytime in terms of trouble. And also I considered you as one of my Friends na" ani nito at yinakap ako. Di ako nakapagsalita at kumalas na siya pagkayakap

" O sige na you should go na you will hanap pa naman the Bluestone sorry for harang harang you hehe." 

"Salamat Eren" ani ko at sumakay na sa karwahe. May dumagdag na namang isang kaibigan na siyang kinagagalak ko. Kahit sa maikling panahon na nakasama ko siya madami akong natutunan.

tuluyan na kaming nakalabas sa Vampire City at ngayon pupunta nanaman kami sa isang kaharian na kailangan liparin.

-------

sorry for the very very very late and short update. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finding the Blue StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon