CHAPTER 3

147 7 1
                                    

Matapos ang auditions, inihatid ako ni Stanley sa bahay. Hindi na kami nagtagal doon sa Broadway dahil kokontakin nalang daw sila para sa results this week.

"Im hoooome", awit ko pagpasok ng bahay at umikot-ikot na parang nagsasayaw. Saktong pababa naman ng hagdan si Mommy at natawa sya sa kinilos ko.

Sa suot nyang puting dress na di lumagpas ng tuhod hindi mo aakalaing dalawa na ang anak nya. Ang mukha nya ay walang bahid ng wrinkles kaya't marami ang nagsasabing halos mukha lang raw kaming magkasing-edad ni mommy. May ilan pa ngang nagsabi na parang kapatid lang namin siya. Hindi ko alam kung nambobola lang sila o talagang ganoon.

"Hi sweetie", sinalubong nya ko ng halik sa pisngi ko. "Mukhang good mood ka ata today?"

Mas lumawak ang ngiti ko, "Good mood talaga mommy"

"Uhuh. And what made you like this?", nagtaas-baba ang kilay ni mommy, nangiintriga.

Sumalampak ako sa malaking sofa sa sala namin. Sumunod naman sakin si mommy na interesado talaga sa isasagot ko.

"Mommy I think Im having a crush with someone", nangingiting sabi ko. Muling nagflash ang seryosong mukha ni Blaster sa utak ko at parang may kung anong kumiliti sa tiyan ko.

"Crush?!", nangiintrigang ngiti ang nasa mukha ng aking ina. "Who's this guy? Dalhin mo dito sa bahay. Baka kung sino lang itong nagugustuhan ng baby ko."

"Mommy!", saway ko sa kanya. I cringed to the sound of the word Baby. "Im not a baby.", ngumuso ako.

"Oh you're.", humalakhak si mommy. "You're still my baby kahit mag 30 or 40 years old ka pa."

I hissed and mom chuckled, enjoying the annoyance on my face.

"So sino nga itong crush mo?", tanong nya at awtomotikong bumalik ang ngiti sa labi ko. Mababaliw na ata ako.

"Well he's a musician mom. He plays various instruments specially, guitar", halos maitsura ko ang pagkinang ng sariling mata habang nagkukwento sa aking ina.

"A musician?", tanong ni mom at magiliw akong tumango tango. "Hindi architect or engineer or business major from your university?"

"My naman!", saway ko ulit. Ito na naman sya.

Lagi nila kaseng pinapangaral sakin na dapat ay engineer or architect ang hanapin ko gaya ni kuya at dad para makatulong sya sa firm ni daddy or at least ay business major para makatulong sa family business namin.

"What?", pa-inosente nyang tanong. "I only want the best for my daughter"

"But mommy! I think this guy is the best for me"

"Oh", natawa si mommy. "You seem to be very fond of him already. San mo ba nakilala iyan?"

"Ahm, we met once in a coffee shop and kanina nakita ko sya sa audition na sinalihan nila Stanley at Troy", sagot ko. "And you know what mom? Sobrang galing nyang tumugtog! At ang gwapo talaga nya mom! Ang lakas ng dating!"

Namamanghang ngumiti si mommy. "Hija you know what? You're eyes are shining while you're talking about him."

Uminit ang mukha ko sa sinabi ni mommy. "Ano ba mom!", sabi ko at nagtakip ng mukha.

"How great is he para pakiligin ka ng ganyan? Ipakilala mo sakin yan huh?"

Tinanggal ko ang kamay sa mukha.

"Pero mommy", bahagya akong umusog palapit kay mommy. "Sinusungitan nya ko"

"What?", hindi makapaniwalang tanong niya. Di sya makapinawalang tumawa at napailing. "Wow, he's playing hard to get with you my precious daughter."

If I Ain't Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon