CHAPTER 2

164 6 0
                                    

Bumaba na ng stage si Troy. Natapos nang smooth ang performance nya pero hindi ko na iyon nasundan dahil na kay Blaster na ang buong atensyon ko.

Kausap parin nya yung Zild pati na yung lalaking nakashades na sabi ni Stabley ay tatay raw ni Blaster. Nasa bulsa ng jacket nya ang mga kamay habang seryoso syang nakikinig sa kung ano mang sinasabi ng mas nakatatandang lalaki.

"Uy salamat sa pagpunta!", bahagya akong nagulat nang may tumapik sa braso ko. Si Troy lang pala iyon na di ko namalayang nakalapit na samin. Agad rin naman akong nakabawi at nginitian ang kaibigan.

"Naku, siguraduhin mo lang na makakapasok ka ha!", pabiro kong sabi sa kanya. Tumawa ang ibang kaibigan ko samantalang hilaw na ngisi ang binigay sakin ni Troy.

"Kinakabahan nga ko e. Anong tingin nyo? Makakapasok kaya ko?", bakas ang pagaalala sa mukha niya.

"Ano ka ba! Oo naman! Ang galing galing mo kaya kanina!", masiglang sabi ni Althea.

"Ay true! Kala ko nga ibang tao na yung nagdadrums e. Di ko kase akalaing ganon ka pala kagaling!", nagtawanan kami sa sinabi ni Maecy. Loka loka talaga ang bruha.

"Look at the camera, say your name, age,  tapos instrument and then location", natigil kami sa pagtawa at sabay-sabay na bumaling sa stage. Agad akong nakaramdam ng excitement nang makita kung sino na ang susunod. Umayos ako ng upo at binigay ang buong atensyon sa taong nasa stage.

"Blaster Silonga, 16 years old,  Electric Guitar Hero ng Marikina", diretso at halos monotone ang pagkakasabi nya.

"16?", ulit ko, di makapaniwala sa narinig. Oh my god! 16 lang sya? Dalawang taon syang mas bata sakin!

"Oo bata pa yan pero magaling yan, tingnan mo", sabi ni Troy sa tabi ko.

"Okay Blaster anytime you're ready", instruct sa kanya. Isang tango at nagsimula na syang tumutugtog.

Unang nota palang ay para na kong nilipad sa ibang mundo. Tulad sa mga koreanovelang napanood ko parang nawala ang lahat ng nasa paligid ko at si Blaster nalang ang nakikita.

Hindi ko maiwasan ang mamangha. Kung kanina, naglalakad lang ay makapigil hininga na ang dating nya,  dumoble iyun ngayong hawak na nya ang gitara. O baka triple pa nga dahil sobra ang paghurumintado ng dibdib ko.

Hindi ako pamilyar sa kanta ngunit kusang gumalaw ang mga daliri ko sa saliw nito. Wala talaga akong alam sa mga kantang walang kinalaman sa kpop. Pero sigurado akong pagtapos nito ay sisimulan ko na ang makinig sa ibang genre lalo't ganito ang dulot nito sakin. Yung tipong hahanap-hanapin mo.

Itatanong ko kay Stanley kung ano itong tinutugtog ni Blaster mamaya.

Kumunot ang mukha at napapikit sya sa sobrang dama sa musikang likha nya. Wala sa sarili akong napahawak sa dibdib. Baka sakaling maawat nun ang pagwawala ng puso ko.

Bawat galaw ng daliri nya ay parang kiliti saking tenga. Hindi ko alam na pede pala ang ganoon. Pede pala akong malusaw nang dahil lang sa musika.

"Sabi ko sayo magaling e!", sabi ni Stanley sa gilid ko na hindi ko binigyan ng atensyon. Ayokong palagpasin ang bawat segundo. Gusto ko lang syang titigan at ayoko nang matapos ang pagtutog nya.

Nang sandaling tumigil ang kanta para akong nagising sa isang magandang panaginip. Bitin at para bang gusto ko pang balikan.

Nagpalakpakan ang lahat at kusang gumalaw ang mga kamay ko para sumabay.

If I Ain't Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon