CHAPTER 5

176 7 0
                                    

Hindi ako pinatulog ng pagiisip ko kung bakit ganoon na lang ang pakikitungo sakin ni Blaster.

Bakit parang may kung ano sakin na hindi nya magustuhan? Na kahit hindi nya pa ko lubusang kilala ay ayaw nya na agad sakin.

"Baka nga kase dahil sa sinungitan mo sila dun sa café", opinyon ni Maecy nang kinabukasan ay ikwento ko sa kanila ni Althea ang nangyari.

Tinawagan ko sila at pinapunta sa bahay para may mapaglabasan ng sama ng loob at narito kami ngayon sa kwarto ko.

Nakahiga ako sa kama ko samantalang nakaupo naman sila sa couch malapit sa bintana. Abala sila sa pagkain ng meriendang inihanda ni mommy para sa kanila habang problemadong-problemado naman ako.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at pinagsalikop ang mga binti.

"But I already said sorry.", sabi ko atsaka iritadong kinagatan ang sandwich ko. Ibinuhos ko ang frustration sa pagnguya nun.

"Hindi naman ganon kagrabe ang ginawa ko para dibdibin nya yun nang ganon.", dagdag ko.

"Kahit na. Alam mo namang first impression last kaya di mo rin sya masisisi", sabi ni Maecy saka sumimsim ng orange juice.

"Oo nga", pagsangayon ni Althea. "Ikaw rin kase, lagi mong pinaiiral yang init ng ulo mo e. Tama naman si Blaster na masungit ka!"

Napakurap-kurao ako sa kaibigan, di makapaniwala sa narinig.

"Hoy hindi ako masungit no!"

"Talaga lang ha?", hamon nya. "Gusto mo magpasurvey pa ko sa school e para malaman natin?"

"A-anong—", natigilan ako at napabuntong hininga na lang. Wala akong maisagot sa kaibigan dahil alam ko rin sa sariling kapag tinanong mo ang mga tao sa school, majority ang sasagot nang masungit nga ako.

"Okay fine. Medyo masungit nga ako. Pero medyo lang naman! Hindi naman ako yung tipo na mangangagat pag nilapitan mo.", paliwanag ko. "Let's say, pili lang ang kinakausap ko"

Napailing-iling ang dalawa kong kaibigan. Mukhang hindi sang-ayon sa mga sinasabe ko.

"Ewan ko sayo bakla", sabi ni Maecy at malakas na bumuntong hininga. "Magkaiba ba yun?"

"Basta!", singhal ko at padarag na binalik sa plato ang sandwich na hawak. Nakakawalang gana kumain.

"So ano ngang dapat kong gawin?", frustrated kong tanong.

Palipat-lipat ang mga mata ko sa dalawang kaibigan.

"Edi... ipakita mong hindi ka naman ganon. Make him realize na mali ang pagkakakilala nya sayo", sagot ni Althea.

"Pano ko naman gagawin yun?", tanong ko ngunit nagkibit-balikat sya.

"Ewan ko, ikaw dapat may alam nyan", sabi niya.

"Kaya nga ko nagtatanong kasi di ko alam e!!"

Natigil ako sa pag ngawa nang marinig ang pagring ng cellphone ko.

Dinampot ko iyun at nakitang tumatawag si Kuya Ford. Nagtataka man ay agad ko yung sinagot.

"Eureka? Nasa bahay ka ba?", hindi pa ko nakakapag-hello ay nagsalita na si Kuya sa kabilang linya, halatang nagmamadali.

"Yeah. Nasa kwarto ako, with my friends", sagot ko.

"Thanks god! I need your help", sabi nya at agad akong nagalala.

"Help?"

"Go to my room, sa table ko may makikita kang flashdrive sa tabi ng laptop ko. Nandun kase ang presentation ko, naiwan ko nga lang and I need it in...", he stopped momentarily, tila nagiisip. "I need it in an hour. Kaya mo bang ihatid dito sakin?"

If I Ain't Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon