CHAPTER 6

178 5 0
                                    

Halos lahat ay nakaupo na at nagaantay na magstart ang service nang bumalik kami sa loob ng Ballroom. Puno na ang magkabilang mga hilera ng upuan.

May iilang nilingon kami at kita kong may pagtataka sa mukha nila. Hindi ko lang alam kung dahil ba iyon sa ngayon lang nila ko nakita dito o dahil sa magkasama kami ni Blaster. O pwede ring pareho.

Halos iyuko ko na ang ulo sa hiya sa atensyong naagaw namin lalo na nang piliin pa ni Blaster na sa aisle dumaan. Balewala sa kanya ang lahat at confident lang syang naglakad. For sure ay hindi naman nya alintana ang mga paninitig na to dahil siguradong mga kakilala nya lang ang mga tao dito.

Panay lang ang sunod ko sa kanya dahil hindi ko naman alam kung san ako pupunta o kung ano man ang gagawin.

"Uy wag naman tayo sa harap", pasigaw kong bulong nang makitang sa stage ang tungo nya. Nakita ko run ang daddy nyang pinapanuod ang pagpasok namin.

Hindi pa kami nakakalapit sa harap ay may sumalubong na kay Blaster at sinabayan sya sa paglakad.

"Antagal mo, start na", bulong niya kay Blaster pero nasa likod lang nila ko kaya naman dinig ko.

Ano yun? Pede naman silang magstart nang wala si Blaster ah?

Tumigil si Blaster sa tapat ng unang row ng upuan. Liningon nya ko.

"Dito ka", sabi niya at inilahad ang huling dalawang upuang bakante sa hilerang iyon. Mariin akong umiling.

"Sa likod nalang ako"

Nahihiya akong maupo roon. Unang-una ay hindi ko naman alam kung paano ang flow ng service nila at nakakahiya naman kung hindi ko alam paano magresponse.

At pangalawa, naroon nakaupo ang mommy nya. Nakangiti man, halata ang pagtataka nya sa pagdating namin ni Blaster. Sino ba namang hindi magtataka? Kanina lang ay itinangi ni Blaster na magkakilala kami.

"Hija, maupo ka na", nilingon ko ang mommy niya na matamis na nakangiti sakin. Tinapik nya ang upuan sa tabi.

Nagaalangan kong tiningnan iyong upuan tapos si Blaster na nakasimangot na sakin at balik sa mommy nya. Sa huli ay wala rin akong nagawa kundi maupo na lang dun.

Halos hindi ko alam kung papaanong pagupo ang gagawin dahil naiintimidate ako sa mommy nya. I have to be at my very best cause I dont wanna give off a bad impression like what happened between me and her precious son. Yun ay kung hindi pa ganon ang nangyare matapos ang eksena ko kanina.

Saglit akong nilingon ni Blaster at akala ko ay uupo na sya sa tabi ko pero nang makita nyang maayos na ko ay iniwan nya na ko at dumiretso sya sa gilid ng stage kung san nakaset up ang mga instruments.

Kinuha nya ang electric guitar na mukhang kanina pa naghihintay para sa kanya at dun ko lang naintindihan. Kaya hindi sila makapagstart ay mukhang parte si Blaster ng tutugtog na banda para sa service. Kanina ko pa pala inaabala ang buong event nila.

Nakita kong kinalabit si Blaster ng lalaking tumawag sa kanya kanina sa labas na ngayon ay syang may hawak ng bass guitar. May ibinulong syang kung ano at napangiwi si Blaster. Tapos tumingin sakin at umiling.

Are they talking about me? And whatever they are talking about he seem displeased.

"Goodafternoon everyone...", itinuon ko ang atensyon sa stage at nagumpisa na ang service.

Masayang umawit ang lahat sa saliw ng mga worship songs na tinutugtog ng banda. Hindi ko talaga alam ang gagawin kaya't pinapanood ko lang sila at paminsan-minsan ay sumasabay kapag alam ko ang kanta.

If I Ain't Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon