CHAPTER 1

196 8 0
                                    

Hindi ko na alam kung paano ako nakauwi nang gabing iyon. Nagising nalang ako sa ring ng telepono ko at umaga na pala.

Sa sobrang antok ay hindi ko pa maimulat nang maayos ang mga mata. Kinapa ko ang gilid ng unan ko para hanapin ang cellphone ko ngunit wala iyon roon. Kinapa ko rin ang beside table ko ngunit wala parin iyun doon. Saka ko lang naalala na naroon iyon sa sling bag na dala ko kagabi.

Tamad akong bumangon. Iminulat ko ang mata at nasilaw ako sa liwanag ng sikat ng araw kaya't napapikit ako ulit. Sinubukan kong imulat ang isang mata at ganoon ko hinanap ang bag ko sa buong kwarto.

Sinilip ko ang baba ng kama ko at nakita kong nakakalat ang sapatos na suot ko kagabi at bag pati ang jacket ni Blaster.

Tss nadala ko pala ito?

Dinampot ko iyun at hinagis sa sofa malapit sa bintana ng kwarto ko. Saka ko inabot ang bag at hinalukay ang cellphone ko. Isang swipe ay sinagot ko ang tawag.

"Hello", paos pa ang pang umaga kong boses.

"Sa wakas gising ka na", boses ni Stanley ang nasa kabilang linya.

"Oo, salamat sayo", sarkastikong sagot ko sa kanya.

Binalewala nya iyon at nagaalalang nagtanong,  "A-ayos ka lang ba?"

Hindi na ko nagtaka pa dahil sigurado akong alam ng lahat ng nasa Fuzz ang eksena kagabi.

"Pano ka nakauwi, si Blaster nalang ang bumalik kagabi sa bar magisa, kinakausap namin ayaw naman suma-"

"Sa school nalang tayo magusap Tanley", binalewala ko ang sinasabi nya. Ayokong marinig. Hindi ako interesado.

"O sige, bilisan mo na at may exams pa tayo ngayon.", sabi nya tapos ay binaba ko na ang telepono.

Bumangon na ko mula sa kama at dumiretso na sa banyo. Hinarap ko ang salamin sa ibabaw ng sink at halos mapasigaw ako sa sariling itsura.

Magang mata, nagkalat na mascara at umabot na sa pisnge ko ang lipstick ko. Ano ba namang itsura ito? Nakalimutan ko na ring magbura ng makeup kagabi.

Pumasok ako sa shower at hinayaan kong mabasa ang sarili. Baka sakaling magising ako. Magising sa katotohanan.

O baka gising naman talaga ko sa katotohanan pero nagbubulag-bulagan lang ako.

Dapat ay matagal ko na iyong ginawa. Hindi ko na dapat pang hinintay na madurog ako ng ganito.

Ginusto ko naman iyon. Dahil sanay akong nakukuha ang ano mang gustuhin, akala ko ay maging sya makukuha ko.

Pero kahit anong pilit ay hindi nya ko makita.

If I Ain't Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon