PART 2

102 9 10
                                    

I look around hoping that i can still see her. But then i failed. With my cam in my hand, i look for her . Wala akong pake kung libutin ko man ang buong park. In my 26 years of existence. This is the first time that my heart beats as fast as this. At siya ang dahilan nito. AYOKO NANG PAKAWALAN ANG PAGKAKATAONG ITO.

Hindi na ako lumingon sa cam upang tignan ang mukha niya, dahil unang tingin palang, parang memorisado ko na ito.

"Ate ate, ako din bigyan mo din ako ng ice cream."

Andami pa namang tao sa lugar na to. Paano nalang kung umalis na siya?

"Ako din ate! Ako din."

"Sige sige. Lahat kayo bibigyan ko. Pero dapat pumila muna kayo okay?"

"Yehey!"

Tumingin ako sa likod ko, wala. Sa harap, wala pa rin.

"Manong bigyan nyo po sila ng tig dalawa."

Sa kaliwa. Wala parin.

Sa kanan.

I smiled.
I saw her in my right side. Maybe that's the sign that she's my RIGHT girl?

"Thank you po ate."

"Oh wag na kayong mag away ah."

Lumapit ako sa kanila. Pumila ako kasunod ng pinakahuling bata na nililibre niya ng ice cream.

"Teka-teka kuya. Gusto mo rin ba ng ice cream?"

"Hindi. Gusto ko ikaw."

"A-ano po?"

"Di joke lang. Oo gusto ko rin ng ice cream."

"Ah, pero , sorry kuya ah. Sapat lang kasi para sa mga bata ang perang dala ko."

"Ay sayang naman."

I look at her, she's more beautiful pag nasa malapit.

"Manong dalawa pong keso."

Nag sco-scoop na si manong ng mag salita ulit siya.

"Haha. May pera ka naman pala kuya. Phew. Pinakaba mo ako dun."

"Huwag mo naman akong eh kuya. Paano kita magiging asawa niyan."

"Po?"

Timing namang natapos na si manong sa pag scoop ng ice cream na order ko. Kinuha ko ito sabay abot ng bayad.
Sa halip na sagutin siya eh iniabot ko nalang sa kanya ang isang ice cream na hawak ko.

"Para san po to?"

"Para sayo. Di ba tama lang para sa mga bata ang perang dala mo? Kaya ako nalang ang manlilibre sayo."

She smiled.
In that moment, gusto kong itutok sa kanya ang cam para macapture ko ang ngiti niya. Sayang!

"Salamat k-"
Bago niya pa ako tawaging 'kuya' ulit ay inunahan ko na siya.

"Hector." Sabay abot ng kanang kamay ko.

"Grace."

Sa puntong iyon parang gusto kong may kumuha sa amin ng litrato.
Malay nyo, mapadali ang pag DEVELOP naming dalawa diba?

***
Days, weeks, and months pass.

Sa loob ng panahon na yan eh halos mapuno na ng magandang mukha niya ang memory ng cam ko. Pati nga ata puso ko, mukha na niya ang nakatatak eh. Tae ang bakla ko, ganito pala pag inlove.

Close na kami sa isat-isa. At marami narin akong alam tungkol sa kanya, ganun din siya sa akin.
Engineering ang course na natapos niya habang Business Management naman sa akin.Ang layo lang ng talent ko sa course na kinuha ko diba? Well, choice ko yan kaya wala na kayong pake. Joke! Peace tayo.

Habang nagiging malapit kami sa isat-isa ay mas lalong nahuhulog din ako sa kanya. Kaya isang araw ay nag tapat na ako sa kanya. Di ko malilimutan ang pag tatapat na yun, sanay na akong magsalita sa harap ng tao dahil sa course nga na natapos ko, pero langya. Sa harap niya. NATATAMEME AKO.

"Ahm Grace."

Intro ko sa kanya ng namasyal ulit kami sa park.

"Hmm?"

"Ilang kilo ka ba?"

"Huh?"

"Gaano ka kabigat? Kasi ako 80 kg ako."

Tumawa naman siya. Ang sarap lang ng ganito, parang lahat ng galaw niya eh master piece sa paningin ko.

"Saan mo ba napulot ang tanong nayan Hec? Loko ka talaga. 50 kg ako. Bakit ba?"

"Kaya naman sigurong saluhin ng 50 kg ang 80 kg no?"

"Huh? Di ko gets."

Humarap ako sa kanya. And i looked at her eyes to make sure that she'll feel the sincerity within me as i utter these words.

"Kasi ang totoo Grace. Nahuhulog na ako sayo. Mali. Nahulog na pala ako sayo. Saluhin mo naman ako oh."

For a minute, hindi siya kumibo.

Nangingilid na ang pawis ko sa noo ko. Busted na ba ako?

But then a smile was drawn in her face. She didn't utter a word but i know what message she's trying to portray.
Alam kung sa mga ngiti na yun.

May pag asang SASALUHIN niya ako.

I hug her, and she do the same thing. We don't utter a word. But our souls are singing inside.

Can someone please take us a picture now? Because i really want to preserve this moment till my last breath.

-0-

CLICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon