PART 7

67 8 8
                                    

"Ano ba to Hector. May pa piring piring pa. Ano ba kasi ang surprise mo?"

"Secret nga di ba. Oh malapit na tayo."

Sabi ko habang papalapit na kami sa surpresang inihanda ko.

Nakita ko ang buong angkan ko sa gilid, ganun din ang mommy at daddy niya.

Tinulungan nila ako upang magawa ito.
Sumenyas na  si ate kaya..

"Oh sige pag bilang ko ng tatlo dumilat ka na ah."

"Okay sige."

"One.." Sabi ko habang dahandahang tinatanggal ang piring sa mata niya.

"Two.. Three.  Surprise."

Naging tahimik si Grace habang tinitignan ang acaciang gustong gusto niya.

Punong puno ito ngayon ng mga larawan niya.

"Ang ganda."
Katagang tanging nasambit niya.

"Nagustuhan mo ba?"

"Sobra!"

Lumapit si ate sa min kaya nag beso sa kanya si Grace.

"Ate Nathalie. Kasama ka ba sa gumawa.nito?"

"Hehe. Oo eh."

"Salamat ate, i really love it."

"Masaya ako dahil nagustuhan mo. Oh siya maiwan na namin kayo huh. Privacy." Pag ka tapos nun ay tumawa silang pareho.

Ini abot ko kay ate ang cam ko. Tumango siya . alam na niya ang gagawin.

I guide her to the bleacher where she sat on the first time that i saw her. Punong puno ito ng mga bulaklak ngayon. We sat together. Pag katapos ay inihilig niya ang ulo niya sa balikat ko.

"Naalala mo pa yung kwento ko sayo?"

"Saan dun? Yung tungkol sa pagiging photo bomber ko?"

Pag katapos nun ay tumawa siya bg mahina.

"Ikaw lang ata ang pinaka magandang photo bomber na nakilala ko."

"Sus. Nambola ka na naman."

"Totoo kaya."

And then a moment of silence.

"Hec.."

"Hmm?"

"Salamat..."

"Para saan?"

"Para sa lahat. Sa pagiging nasa tabi ko palagi. Sa pagpapatawa sa akin. Sa pag aalaga at....
Sa pagmamahal."

"Ako pa nga ang dapat na magpasalamat Grace eh. Ikaw lang ang tanging babaeng nag turo sa aking umibig. Ikaw lang."

"Hec?"

"Hmm?"

"Rule ko ang masusunod di ba?"

"Oo naman."

"May rule number 2 ako."

"Ano yun."

"Pag nawala ako, ipangako mong magiging masaya ka huh.huwag mong isarado ang puso mo sa iba huh."

I bite my lower lip upang pigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Hindi ako sumagot. Hindi ko kayang sumagot kasi baka mag sinungaling lang ako.

Instead of answering, i just kiss her forehead.

Kung pwede lang eh capture ang moment na to ay ginawa ko na. Ayoko tong matapos. Ayokong matapos ang araw na ito. Ayoko.

"Hec.."

"Hmm?"

"Mahal na mahal kita. Mahal na mahal ."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Umagos na ang mga luha ko pero pinigilan ko pa ring hindi humikbi.

"Mahal na mahal din kita Grace. Mahal na mahal."

Bakit pa kasi sa min nangyari to. Bakit?

"Hec.."

"Hmm?"


"Pagod na ako. Maari na ba akong matulog?"

Napapikit ako sa aking mata.

AYOKO! AYOKO GRACE! HUWAG PLEASE!! AYOKO!

Gusto kong isigaw yan sa kanya. Pero di ko magawa.

Siguro panahon na rin upang matapos ang paghihirap niya.
Kahit mahirap para sa akin na bumitaw, kahit masakit sa akin ang maiwan.

"O-oo naman. Nandito lang ako babantayan kita."

My voice crack while i utter those words.

"Hec.."

Umiiyak na ako ngayon. Bibitaw na siya. Maiiwan na ako.

"H-hmm?"
"May gusto akong gawin bago matulog."

"A-no yun?"

"Maaari ba kitang halikan?"

I close my eyes again. Pinahid ko ang mga luha ko gamit ang isa kong kamay. Hinanap ko ang boses ko.

"O-oo naman."

Pagkatapos nun ay naramdaman ko ang pagkalas ng ulo niya mula sa balikat ko.

We're now facing each other.

Pinahiran niya ang luha ko.
And then she smile.

"I love you."

"I- love you more."

And then she lend forward. I do the same thing.

And after a second. Her lips touches mine.


CLICK!

-0-

CLICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon