PART 3

73 9 7
                                    

Nagmamadali ako ngayon.
Nag text si Grace, ngayon niya daw ako balak na ipakilala sa mga magulang niya kaya eto ako ngayon, bihis na bihis.

Suportado naman kami ng angkan ko. Sila pa eh halos limang taon na rin nila akong hinahanapan ng magiging asawa eh.

Pina andar ko na ang kotse ko at pinaharurot ito patungo sa address na ibinigay niya.

Nang dumating ako ay ipinark ko na muna ang kotse ko sa gilid ng gate nila.  Sakto namang may lumabas na babae na kung tatantyahin ay nasa sengkwenta na parang balisa at nagmamadali ito. Medyo magkahawig sila ni Grace . Di kaya siya ang mommy niya?

Nahihiya man ay nilapitan ko siya, para kasing naghahanap siya ng masasakyan.

"G-Good morning Maam. Kayo po ba ang mommy ni Grace? Nandyan po ba siya?"

Parang nagulat ko ata siya dahil mukhang nanlaki ang mga mata nito.

"I-ikaw ba si Hector?"

"A-ako nga po. Bakit po?"

"Hindi mo pa alam ang tungkol sa anak ko di ba?"

"Po? Ano pong tungkol kay Grace?"

-0-

CLICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon