PART 5

70 8 6
                                    

Araw-araw akong nasa hospital. Alam narin nina mama ang nangyari kay Grace.

Ang sarap suntukin ng Doctor dito lalo pa nung sinabi nyang di na raw aabot ng isang linggo si Grace kayat gawin na daw namin ang lahat ng bagay na magpapasaya sa kanya. Ano siya? Diyos? Tss.

Kasalukuyan kong pinapakita ang pinakabagong litratong kuha ko sa park. Ito kasi ang utos niya. Sa tuwing uuwi ako upang kumuha ng gamit ay dumadaan ako sa park at kinukuhaan ng litrato ang favorite spot niya na favorite spot ko rin. Ang lilim ng acacia tree.

"Hec." Bigla niyang sambit.

"Dalhin mo ako dito."

Tinignan ko siya.

"Di naman kita kailangang dalhin Grace kasi sabay tayong pupunta ulit dyan. Kahit pa dyan tayo titira eh. Pero di muna ngayon kasi magpapagaling ka pa diba?"

"Gusto ko ngayon."

"Pero-"

"Please."

Kumirot ang puso ko. Sobrang hina na nang boses niya.
Tinignan ko ang mama niya. Tumango ito.

"Oh sige, pero sandali lang tayo ah."

Sa muling pagkakataon ay nakita ko siyang ngumiti.

Click

"Uy na capture ko yun!"

Pagmamalaki ko sa kanya.

"Sira. Haha. Salamat. Pero kailangan mo munang lumabas."

"Huh? Bakit?"

"Hello? Magbibihis ako no? Tsaka ikaw din. May date tayo di ba?"

Mabigat man sa loob ay minabuti kong hanapin ang kaunting kasayahang natitira sa aking sistema at ipinakita sa kanya ang aking ngiti.

"Sige. Susunduin nalang kita dito pag tapos ka na."

"Antayin mo nalang ako sa labas.. Si Mama na ang bahala sa akin."

Nginitian ko ulit siya bago tumayo at tumalikod.
At doon na tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang umagos.

Tinapik ako sa balikat ng daddy niya bago ako lumabas ng kwartong iyon.

***
Nandito ako sa small chapel ng hospital.

Tss. Ganito ba talaga ang tao?

Lumalapit lang sa Dios pag may kailangan.

Ang haba ng panahon na sinayang ko Panginoon.

Sana pala nung araw na binigay mo siya sa akin eh tinali ko na siya.

Sana pala di na ako nagpatumpik tumpik pa.

Panginoon. Gusto ko sanang hilingin sayo na e-extend nyo pa ang panahon na makakasama ko si Grace.
Na sana. Huwag nyo pa muna siyang kunin sa akin kasi di ko kaya.

Di ko kaya kasi nasanay na akong ang ngiti niya ang nagpapabuo ng araw ko.

Kaso Lord. Na realized kong. Ang selfish naman ata ng dasal ko.

Maaring ma extend nga ang happiness ko kung matutupad yun , pero ibig sabihin nun, ma e-extend din ang pain na nararamdaman ng taong pinakamamahal ko.

Kaya Lord. Ito nalang po ang hihilingin ko.

Huwag niyo na po sanang pahirapan si Grace.

Kakayanin ko po ang lahat ng sakit Lord, handa na po ako dun.

Pero this time po, bigyan nyo po muna ako ng lakas na maging masaya.

Bigyan nyo rin po ako ng kapangyarihan na mapasaya si Grace.

Dahil sa puntong ito, gusto kong bigyan sya ng kasayahang magpapalimot sa kanya sa lahat ng sakit na dinadaanan niya.

Huwag nyo na po munang ipadama sa amin ang sakit ngayon. Maari bang sa araw na ito ay kasiyahan at pagmamahal lang ang maramdaman namin?

Please.

-0-

CLICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon