PART 4

65 9 7
                                    

Pinaharurot kong muli ang kotse patungo sa Hospital na pinagdalhan kay Grace. Kasama ko ang mommy niya.

Nanginginig ang mga kamay ko habang nagmamaneho at nangingilid naman ang mga luha ko. Natatakot ako sa pweding mangyari.

Sa loob ng halos isang taon.

Ba't di ko man lang napansin na nahihirapan na pala ang taong mahal ko?
Kaya pala maputla siya. Kaya pala palagi siya sa park para lumanghap ng sariwang hangin. Kaya pala minsan eh hindi siya kumikibo at panay ang hawak niya sa ulo niya.
Kasi pala may malubhang sakit siyang dinadala.

Ang tanga ko! Ba't di ko napansin yun?

Napailing ako.
Bakit ba kasi pawang mga ngiti niya lang ang nakukuha ng camera ko, sana man lang nahagip din nun ang bawat pait na nararanasan niya dulot ng lintek na brain tumor na yan!

Naabutan namin siyang nakahiga sa isang hospital bed habang nasa gilid naman niya ang daddy niya.
Lumapit ako kaagad sa kanya at niyakap siya.

"Hec."

Mahina niyang sambit.
Ramdam ko sa boses niya ang pagod. Di ko na napigilan ang pag agos ng aking mga luha.

Tumawa siya ng mahina.

"Uy. Anong nangyari sayo? Huwag kang umiyak. Sige bahala ka. Pipicturan kita ngayon, magiging pangit ka talaga sa picture niyan."

Hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kanya. Naramdaman kong niyayakap niya din ako.
Naramdaman kong may nagbukas ng pinto ng kwarto. Mukhang lumabas ang mommy at daddy ni Grace.

"Hec. Kalas ka na . Di ako maka hinga."

Pinahid ko muna ang mga luha ko bago ako umupo ng maayos sa gilid ng kama niya.

"Nagkita na pala kayo ni mommy. Di tuloy kita na pakilala ng maayos."

Gusto kong magwala sa harap niya ngayon!

Ang plastic niya! Ba't nakukuha niya pa ring mag biro! Ba't nakukuha niya pa ring ngumiti? Ba't di niya ipinapakitang nasasaktan siya? Na nahihirapan siya?

Dahil ako? Para akong sinasaksak ng punyal ng paulit ulit habang nakikita siya sa ganitong sitwasyon.

"Bat di mo..." Nahihirapan akong magsalita kasi di ko mapigilang di mapa iyak .

"Bat di mo sinabi sa akin ang tungkol sa sakit mo?" Kasabay ng pagbigkas ko ng salita ang pagpatak ng mga luha ko.
Iniabot niya ang kanyang kamay sa mukha ko at dahan dahang pinapahiran ito.

"Kasi alam ko na ganito ang mangyayari. Ayokong nalulungkot ka. Gusto kong ngumingiti ka lang. Dahil ang ngiti mo ang lakas ko. Yan ang nagpapabuhay sa akin."

Nangingilid na rin ang mga luha niya.

"Ang daya mo! Sa tingin mo ba nasasayahan akong isipin na habang masaya akong kasama ka eh lingid sa kaalaman ko na nahihirapan ka na pala?"

"Sorry Hec. Sorry."

Na alarma ako sa pag iyak niya kaya niyakap ko siya ulit.

"Ssh. Tahan na. Tahan naKalimutan na natin yun. Ang mahalaga alam ko na ngayon. Di ka na mag iisa okay? Lalaban tayo."

Niyakap ko lang siya habang umiiyak kaming dalawa. I didn't picture this out to happen.
Niyakap ko siya. Natatakot akong bumitaw. Natatakot ako kasi hindi ko alam.. Hindi ko alam kung ano na ang susunod na mangyayari. Ayoko siyang mawala
Di ko kakayanin.

-0-

CLICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon