Kabanata 09
EncounterTatlong buwan na ang nakalipas magmula ng dumating ako ngayon sa bahay ni Ace. Sa loob ng tatlong buwan na iyon ay marami ng nangyari. Staying strong ang friendship naming dalawa ni Levi. Si Andy ay pupunta na sa Pilipinas within these days, wala naman akong balita kay Heather. Malamang busy na naman siya.
Si Ace? He's been acting weird these days. Parang lagi niya akong iniiwasan. Hindi ko naman alam kung bakit. Kapag kakausapin ko siya, iibahin niya ang topic at sasabihing may kailangan pa daw siyang asikasuhin. Kapag kakain naman, hindi niya rin ako pinapansin. Wala naman akong sakit o ano para iwasan niya. Tingin niya ba may ketong ako? Kaya nga medyo napipikon na ako sa kanya.
Nung mga nakaraang linggo naman close kami sa isa't isa. He eventually became a close friend of mine although may pagka-bugnutin pa rin minsan. Tuloy pa rin ang communication ko sa gang. May naging close ako sa kanila since lagi ko silang nakakasama at lagi silang nandito sa bahay ni Ace. Si Ace naman ay laging naiirita sa kanila dahil pupunta lang naman daw sila para manggulo. Ako naman ay natutuwa sa kanila. Nyahahaha ang cute kaya nilang panoorin.
Ngayon, may lakad kami papuntang Laguna dahil wala lang. Gusto lang daw na magbakasyon ni Ace dahil stress na stress na daw siya sa pagtatrabaho at kailangan din daw niya ng pahinga. Siguro magtatagal kami doon ng mga isang linggo. Ang alam ko si Levi ang may-ari ng pupuntahan namin kaya may discount si Ace. Hahahaha hindi ko alam na may pagka-kuripot din pala ang isang iyo minsan. Naghahanap din ng discount.
"Ayos na ba ang lahat, Lianna?" tanong ni Ace ng makalabas kami ng bahay.
"Yep. All done." sabi ko naman. Puro damit lang naman ang dinala ko at gadgets. Siyempre yung phone ko at yung ipod. Dinala ko na rin yung camera ko. Siyempre naman hindi mawawala sa isang bakasyon ang camera. We need to capture memorable and happy moments.
Alam ko sasama sa Laguna sina Levi, Race, Kuya Dale, Josh, Raze, at Ali. Ang iba ay busy sa mga business nila. Pero magugulat kayo dahil si Cole ay sumama. Ni hindi ko alam kung ano ang pinukpok sa ulo niya para mapapayag na sumama sa amin. Baka bi-nlack mail siguro siya kaya ganoon. Pero si Cole yung tipong magpapa-uto sa kanila. Baka naman gusto lang talagang sumama? Either way, mas masaya kung marami kami. Sa pagkakaalam ko rin ay kasama ni Levi yung kakambal niyang si Lovi at yung iba nitong kaibigan. I've known Lovi since isa pala siya sa mga model ng W Magazine na dati kong pinagtatrabahuhan. Kaya pala familiar siya sa akin. Pero ang nalaman ko ay hindi alam ng mga tao na kambal sina Levi at Lovi. Ayaw naman nilang ipaalam. Abnormal nga silang dalawa.
"Hey, girl. Nandito na kami sa L.A. Paradise. Sumunod na kayo ah. Bilis, I'll introduce you to my friends. Nyahahahaha. Gotta go na. You know, girl bonding. Text me if you got this message."
Hala? May voice message na sinend pala sa akin si Lovi. Ngayon ko lang napansin. Si Ace kasi dinadaldal ako eh. Tinanong ko naman kila Shun kung maingay ba talaga si Ace sabi nila dinaig pa daw niya ang pipe sa sorang tahimik. Suplado din daw. Pero para sa akin, napaka-ingay niya! Dinaig niya pa ang batang nakakita ng cotton candy sa sobrang ingay. Minsan nga gusto ko na lang siyang lagyan ng duct tape para matahimik man lang kahit ilang minuto ang buhay ko.
Bipolar nga siya. Ngayon dinadaldal ako, mamaya hindi ako papansinin niyan. Malamang pagdating namin sa Laguna ay iiwasan na niya ako.
"So ngayon unemployed ka? Wahaha." natatawa niyang sabi sa akin. Abnoy.
Tinanong niya kasi kung ano ang course na tinapos ko. Sinagot ko naman yun, tapos nung sinabi kong nag-resign ako sa W Magazine dahil nga ayoko ng treatment sa akin ng head ng department namin doon.
Hindi ko naman sinasabing pangit na company ang W. Ayoko lang sa deparrment namin kaya ganoon. Pero aside from that, everything from W is amazing.
"So inaasar mo ako porket may-ari ka ng sikat na kompanya? Hinatyin mo, makakapagpatayo din ako ng ganyan." sabi ko sa kanya saka kunwaring nagtampo. Pero hindi naman talaga.
"Ibibigay ko sayo ang lahat kaya hindi mo kailangang maghirap."
"Ano?!"
Putspa. Hindi ko narinig yung sinabi niya. Masyado kasi akong pre-occupied kanina.
"Wala! Tumahimik ka na lang diyan." inis niyang sabi. Behold, grumpy Ace has now logged in while Happy Ace logged out.
Bipolar ngang tunay. Pinagpatuloy niya lang ang pagmamaneho ng nakakunot ang noo. Pasimple ko siyang kinuhaan ng picture. Hehehehe, ang cute niya. Wala pang isnag oras ay nakarating na kami sa Laguna. At grabe lang, ang laki ng L.A. Paradise. And I must be proud na kaibigan ko ang may-ari nito.
Talagang mayayaman silang magkakaibigan. May sarili silang business at ni isa sa kanila ay hindi naghihirap.
"Lianna! Oh my God, you're here! Hurry, ipapakilala kita sa kanilang lahat." sabi niya saka ako hinila papunta sa pwesto nila. Sinulyapan ko naman si Ace at nakita kong nagsenyas siya na parang tinataboy ako. Bad.
Nakarating kami sa cottage nila Lovi and oh my goodness. Puro mga dyosa ang nandidito! Hehehehe isama niyo na ako para masaya.
"You must be Lianna Edwards. Valerie Carson, here." sabi ng matangkad na babae at saka ako niyakap.
"You're familiar." sabi ko sa kanya. I think I already saw her somewhere.
"I saw you and you also saw me at the fashion show in New York. I was the guest singer there." paliwanag niya. So that explains it.
"And Valerie is a singer, my dear. I'm Caraline Tolentino, by the way. You can call me Cara. I'm a previous model but now a photographer. If you need one call me." sabi niya sa akin. Ang ganda niya.
"Holy mother of pakners. Ako si Luan Cordova. Ang pakner ng aking mga pandas. If you know what I mean. Lianna Edwards! The famous model!" sigaw niya at inalog si Lovi. P-pakners? A-ano yon?
"Don't mind her, Lianna. Luna Kim. Dont be confused with me and Luan ha." sabi niya sa akin.
"Wow." tanging komento ko.
"Really Lian? Yan lang talaga ang sasabihin mo?" di kakapaniwalang tanong ni Lovi.
"Hahaha! I'm sorry, Lovi. Na-shock lang ako. Ang gaganda nila eh." sabi ko.
"You and I, we're gonna be bestfriends. I'm sure of it. Itaga mo man ako ng itak ng mga matatanda. Call me pakner." lapit sa akin ni Luan. Woah.
"P-pakner?" pagbibigkas ko.
"Yeah!" sabi niya.
"So childish Cordova." komento ni Valerie sa kanya.
"Maka-childish to. Atakihin ka ng mga pandas ko." banta niya. I love pandas.
"Panda? You have pandas?" masiyang tanong ko sa kanya. Humalakhak naman ang iba at siya napakurap lang.
"A-ahm. I'm a celebrity, Lianna. I call my fans PANDA because of their healthy eyebags." sabi niya ng makabawi.
Ahhh. Yun pala yun.
"Let's go boy hunting." sabi ni Lovi. Ang iba ay napangiwi.
"I better take some pictures of this paradise." sabi naman ni Cara.
"You guys are boring. Tatawagan ko lang ang boys. Baka may gulo na namang dala." sabi ni Luna saka lumabas ng cottage.
"Gusto kong matulog. Magagaya ako sa mga pandas ko kapag nagkataon." sabi ni Luan saka nagsalpak ng earphones sa tainga.
"Lianna. Come with me for a sec."
Biglang sumulpot si Ace at hinila ako palayo sa cottage nila Lovi. Great. Anong trip niya?
BINABASA MO ANG
Heartless Series 1: Ace Montero [Completed]
General FictionLianna Edwards, a typical spoiled brat from California but she had a vacation in the Philippines. When she meets a person like Ace, will she be able to handle him?