Kabanata 08
Rules are made to be brokenAce's POV
"Ano?! Mas nauna mo pang nalaman kaysa sa akin na kasama mo? Kanino mo pinagawa?" tanong ni Shawn ng tawagan niya ako. Sinabi niya kasi sa akin na may problema daw sila ng kapatid niya at yun ang sabi ni Levi pero ako, alam ko ang rason kung bakit.
"Basta, alam ko na. Mauna na ako, maghahapunan na kami." sabi ko saka ko binaba ang tawag.
Bumaba ako sa kusina at nagluto ng hapunan. Ano ang lulutuin ko? Pagod si Lianna at ang pamgit kung kanin ang ihahanda ko para sa kanya. Ano ba kasi ang pwedeng kainin na makakapagpagaan ng loob niya? Aish! Bahala na.
Kumuha ako ng miso noodles at pinakuluan sa mainit na tubig. Nilagyan ko ito ng konting mantika para madaling kainin. Habang pinapakuluan ay hiniwa ko na ang mga gulay na ipangsasahog at ang ilang karne.
Pinirito ko ang beef at nang matapos tinabi ko muna. Saglit kong pinainit ang mga gulay at hinanda ko ang sabaw mula sa pinagprituhan ng beef. Nilagay ko ang noodles sa sabaw at hinuli ang mga gulay. Nilagay ko sa tig-isang bowl at nilangyan ng spring onion at nilagyan ko na rin ng itlog para mas malasa. Sakto naman na bumaba na si Lianna at nakahanda na ang hapunan. Pinagmasdan ko ang mukha niya at kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mukha. Nakangiti nga siya pero hindi niya maitatago sa akin na nalulungkot siya. Maloloko niya ang lahat, pero hindi ako.
"Kakain na." sabi ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at umupo malapit sa counter. Nilagay ko ang isang bowl ng soup sa kanyang harapan at alam kong base sa amoy ng niluto ko, naganahan siyang kumain kahit papaano.
Tch. May silbi rin pala ang pag-titingin ko sa google.
"Nakaamoy ako ng mabango kaya nagising ako. Miso ramen ba ang isang ito? I used to eat this in the ramen house back in California." sabi niya. Ngumiti ako habang sinasabi niya iyon. Pero hindi ko maiwasan ang mag-alala. Malungkot na siya lahat-lahat pero nakukuha niya pa ring ipakita na masaya siya.
"Kumain ka na. I hope you'll like it." sabi ko saka ako kumain na rin.
"Masarap." komento niya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Buti naman at nagustuhan niya. Makakakain na ako ng maayos.
"Bukas, may gagawin ka?" tanong ko sa kanya.
"Wala naman." sagot niya sa tanong ko.
"Gusto mong sumama sa company? Gusto ko sanang i-tour ka." sabi ko. Alam kong maiinip siya kung buong araw ay nakaburo lang siya dito sa bahay. Idagdag mo pa na nalulungkot siya. Balak ata akong katayin ng babaeng ito sa pag-aalala sa kanya eh.
"Sige. You'll be my tour guide tomorrow." sabi niya at tinapos na ang kinakain. Ako naman ay katatapos lang at nagulat ako ng kunin niya ang pinag-kainan naming dawa at dinala iyon sa sink.
"Ako na ang maghuhugas, Ace." sabi niya. Agad naman akong dumiretso sa kanya para pigilan siya. Sira ata ang isang ito. Nalungkot lang, nagsipag na.
"Ako na, Lianna. You are my guest kaya dapat ako ang gumagawa niyan." sabi ko sa kanya pero hindi pa rin siya nagpa-tinag at pinagpatuloy pa rin niya ang paghuhugas ng mga bowl. Halos mapasapo ako sa aking noo. Kulit!
"Hindi ako sanay na pinagsisilbihan ako lagi, Ace. Nakakahiya din kung ikaw ang laging gagawa ng mga gawain dito. I insist doing the dishes." sabi niya. Wala na akong magawa kundi hayaan siya. Kaya ang ginawa ko, tumayo ako sa tabi niya at pinagmasdan siyang hugasan ang pinagkainan naming dalawa. Hinintay ko naman siyang matapos sa paghuhugas.
BINABASA MO ANG
Heartless Series 1: Ace Montero [Completed]
Ficción GeneralLianna Edwards, a typical spoiled brat from California but she had a vacation in the Philippines. When she meets a person like Ace, will she be able to handle him?