Lianna's POVUp until now, I still can't believe it. Kasal na kami ni Ace. This is the happiest day in my life. Siyempre wala ng mas sasaya pa sa ikasal ka sa taong pinakamamahal mo. Tatlong buwan ang preparations bago pa ang kasal namin nun. Right after Ace proposed, bumalik kaagad kami sa Manila at nagpropose siya. Of course with the ring. Simple lang ang singsing. Although wala naman akong pake sa singsing.
Hanggang ngayon, hindi pa rin umaalis sa isipan ko ang naging vows namin ni Ace sa isa't isa. He was crying earlier like a lost child that has found his mom.
Siyempre pati ako ay naiyak. Sino ba naman ang hindi? Kinakasal ba naman kayo ng taong mahal mo eh.
"Should we just leave? I want to be with you alone." narinig kong sabi ni Ace sa may likuran ko. Nandito kami ngayon sa reception habang ino-entertain ang mga bisita namin.
"Baliw ka ba? Tayo ang kailangan dito. Bakit tayo aalis?" tanong ko sa kanya.
"You're officially mine, Mrs. Montero. Wala ka ng kawala sa akin ngayon." namula naman ako sa sinabi niya. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa batok ko. God. This really knows how to make a woman fall for him even more.
"Tatapusin na lang naman natin ito, Ace. Can't you wait any longer?" natatawang tanong ko
"When it comes to you, I can always wait." napipilitang sabi niya at nag-pout.
Ang cute ni Ace.
"Let's entertain more guests over there." sabi ko sa kanya at hinila siya papunta sa parents niya.
"Tch. Nagpakasal tayo. Hindi tayo entertainer." sabi niya.
Ayan na naman po siya. Inaatake na naman siya ng kasungitan niya.
"Whatever. Let's just talk with them." sabi ko. Ginamit ko na ri ang puppy eyes ko para mas convincing diba? I know that he can't resist me.
"Tch. Tara na nga!" masungit niyang sabi saka nauna sa akin. See? I told you.
"Congratulations." sabi ni mommy. Mommy ni Ace.
"Thank you po." sabi ko naman.
"Just tell me kung may pinag-awayan kayo ni Ace ha? Ako mismo ang pipingot sa kanya." sabi ni mommy.
"Mom! Don't say that things to her." saway ni Ace. Napatawa ako.
"Totoo yun, Ace." banta ni mommy.
"Ano yung pinag-uusapan ninyo at hindi niyo kami sinasama?" sabat ni daddy, dad ni Ace, na kasama sina mom at dad.
"I'm just warning Ace not to do anything recklessly or tayo ang makakalaban niya." sabi ni mommy.
"Tama yun, anak." sabi ni daddy.
"Well, I already talked to him. Maayos naman ang pag-uusap namin." sabi ni mom.
"Whatever. I want grandchildren fast." sabi naman ni dad.
"Dad!" sinigawan ko siya. Para na tuloy akong kamatis sa sobrang pula.
"What? Natural na naman iyon dahil kasal na kayo." rason niya.
Napa-pout na lamang ako sa sinabi nila.
"Hear that, baby? Your dad said he want grandchildren, fast. Take note of the word children." pang-aasar sa akin ni Ace.
Darn it.
BINABASA MO ANG
Heartless Series 1: Ace Montero [Completed]
General FictionLianna Edwards, a typical spoiled brat from California but she had a vacation in the Philippines. When she meets a person like Ace, will she be able to handle him?