Doree! Here's your dedication! ♥♥♥
------------------------------------------------------------------------------------------------
Mirari Eliana's POV
Napangiti ako yung tipong kitang kita ang mapuputi at pantay pantay na ngipin ko. Kasi ang pinangalan ko sa phonebook ko sa number nung abogado na yun ay Monkey Pig! I know childish pero dun lang ako naka ganti sa kanya kapag sinusungitan nya ko at binababaan ng phone agad.
Actually, gwapo sya. Sobra! Sa sandaling pagkakataon na natitigan ko ang mukha nyang may mahahabang pilik mata at kahit na nagkaroon ng mga linya yung noo nya dahil sa pagkakakunot nito hindi maitatanggi ang kagwapuhan nya isama pa ang mga hindi kakapalan at hindi din kanipisan na eye brows nya kung sa iba mukhang gorilla tiningnan sa kanya nakadagdag pa sa kagwapuhan nya pati na din ang sexy na pagkakaayos ng buhok nya. At napaka-macho pa. Walang makakalapmas sa mata ko. Kahit na naka suit sya, kita mo pa din sa hubog ng katawan nya. Pero dahil sa binababaan nya ko ng phone kaya ganun na lamang ang pangalan nya sa phonebook ko.
Lumabas na ko ng kwarto ko kapag katapos ko mag ayos. Simple lang ang suot ko naka white dress lang ako at nakalugay ang mahaba at kinulot na buhok ko ngayon na kapag natamaan ng araw ang itim kong buhok ay magiging brown dahil sa sinag ng araw.
"Iha, kumain ka muna bago ka umalis." Paalala ni yaya ng makita nya ko.
"Nagmamadali po kasi ako eh. Baunin ko na lang po para mamaya." Sabi ko habang kumukuha ng tubig mula sa refrigerator.
"Oh sige. Isang tupperware ng prutas ito at ang tubig mo. Mag ingat ka sa pagmamaneho." Bilin nya.
"Opo. Bye yaya! Thank you po."
♥♥♥☀♥♥♥☀
Pagkadating ko sa parking lot ay nakita ko na ang aking Audi Q3. Hindi galing sa pera ko ang pinang bili dito at hindi din bigay ng daddy ko.
I'm the Audi Brand Ambassadress, kaya meron na akong sasakyan.
Pagkadating ko sa tea shop ay na gulat ako dahil nandun na sya agad at nagbabasa na ng dyaryo.
Kaylangan ba talaga lagi syang naka suit?
Sabi ko sa sarili ko.
Alangan naman sabihin ko sa kanya? Eh di na sabihan nya pa kong pakialamera kung nagka taon. Pambabara ko sa sarili ko.
Nasa harap na nya ako at mukhang hindi nya ko na pansin kaya ang ginawa ko? Isang malakas na
"Ehem!" At ngumiti ng matamis.
"Have a seat." Saglit lamang nya ko tiningnan para sabihin yun at binalik na naman nya ang pansin nya sa pagbabasa.
Hindi ba sya marunong ngumiti?! Ang seryoso naman nito sa buhay. Sabi ko ulit sa sarili ko.
Umupo naman na ako sa katapat na upuan nya.
"Waiter?" Tawag nya sa waiter.
"Good morning! What would your order be Sir, Ma'am?" Tapos tumingin sya sakin. Parang na tulala ata sya pati na yung bibig nya medyo naka bukas pa. Kaya naman tinanong ko sya.
"Is there something wrong?" Umiling lang sya.
"You are the Sweetheart Princess, tama po ko diba?!" Sabi nya ng parang hindi makapaniwala at nakita nya ko dito. Tumango naman ako bilang sagot.
BINABASA MO ANG
Marrying the Attorney ( ON GOING )
Teen FictionThey will get married but no strings attached or NO ONE SHOULD FALL INLOVE. WHAT IF one of them fell in love? Will he or she BE GUILTY for violating their agreement not to fall in love? Or be obligated to their agreement and SET ASIDE their feelin...