Ate Sissy! Isa ka sa mga tinu'tukoy ko nung huli kong update! ♥ Salamat ng marami sayo. ♥ Wala na kong iba pang sa'sabihin sayo kung hindi maraming salamat! Alabyu ate Sissy! ♥ :) BengBeng! Hahaha! 04-05-14 ♥
Si Paul nasa side po. :)
------------------------------------------------------------------------------------------------
Mirari Eliana's POV
Naalimpungatan ako sa ingay ng cellphone ko. Kaya nagtakip ako ng unan sa mukha ko. Mabuti naman at tumigil din. Pero hindi pa pala! Kasi nakanta na naman si Christina Perri ng A Thousand Years! Kinapakapa ko yun sa bedside table. At ng makapa ko, sinagot ko ito ng hindi pa din bukas ang aking mga mata.
"AAAAAAH!" Tili ni Paul sa kabilang linya kaya napabalikwas ako sa kama at nahulog tuloy ako sa kama.
"Ouch." Mahinang daing ko.
"Maligo ka na! Papasok pa tayo!" Nakakarinding sigaw ni Paul sa kabilang linya at binaba nya din agad. Malamang sa malamang sinabihan sya ni yaya na gisingin ako. Hindi naman sa hindi ako morning person mahirap lang talaga sakin ang bumangon lalo na't pag may pasok. Halos gumapang na papunta sa banyo makaligo lang. Maligo ng maaga habang pikit pa ang mata? Naranasan ko na yan. Seven am na ng umaga nung tingnan ko yung orasan. Kaya naman tumayo na ko ng sapilitan at pumunta sa kwarto namin para mag ayos na.
♥♥♥☀♥♥♥☀
Pagkapasok ko, nagulat ako. Ayos na sya at bihis na. Sya ata ang taga bukas ng opisina eh. Hahaha! Naka suit na naman sya at suot nya na ang reading glasses nya. Ready na ready na umalis ah!
Hindi ko alam pero parang okay lang sakin at komportable pa ako na iisang kwarto lang ang gamit namin. Katulad nung una namin pagsasama sa kwarto pwede naman akong lumipat pero pinili ko pa din dito. Umaariba kasi ang kalandian ko! HAHAHA!
Inirapan ko sya ng mag tama ang mga tingin namin. At nag diretso ako sa banyo. Pagkalabas ko wala na sya sa kwarto baka umalis na. Pumili ako ng black pants, sleeveless top and I braided my hair. Simple lang.
Dumiretso muna ko sa balcony ng kwarto namin. Matatanaw dito mula sa taas ang swimming pool. Yun muna ang nakalagay sa harap ng mansion namin pool tas sa pinaka uhanan nun ang driveway kung saan pwede namin iwan na lang ang ginagamit namin na kotse sa pang araw araw kasi sa garage namin nakalagay ang iba pang kotse ni Nickolas, kanan bahagi naman ito. Kaya naman kapag naglalakad ako galing sa driveway o kaya naman papunta sa driveway madadaan muna lagi ang pool. Sa kaliwang bahagi naman nakalagay yung garden. Nakakagaan ng damdamin kapag makukulay at magagandang bulaklak ang nakikita mo sa umaga. Ang sarap huminga kasi puro sariwang hangin ang malalanghap mo.
Namimiss ko na tuloy si yaya Sita, tuwing umaga kasi pababaunan nya ko ng isang tupperware ng prutas at tubig. Kaya kelangan ko na talaga mag grocery para naman may laman na ang tyan ko!
♥♥♥☀♥♥♥☀
Napatigil ako sa pagbaba sa grand staircase ng makita ko syang naka upo sa living room at nagbabasa na naman ng libro tungkol sa pag aabogasya. Bigla syang tumayo ng makita ako.
"Let's go." Sabi nya habang naglalakad na patungo sa pintuan.
Gamit ang hintuturo ko tinuro sya at ako.
"Let's go?" Ulit ko.
"Ihahatid kita." Sagot nya at hindi pa din nya hinuhubad ang reading glasses nya.
"Thanks but no thanks. I can drive by myself." Sagot ko at nag lakad na din papunta sa pinto kaya mag kaharap na tuloy kami.
Matalim nya kong tiningnan. Hindi mo ko masisindak!
BINABASA MO ANG
Marrying the Attorney ( ON GOING )
Roman pour AdolescentsThey will get married but no strings attached or NO ONE SHOULD FALL INLOVE. WHAT IF one of them fell in love? Will he or she BE GUILTY for violating their agreement not to fall in love? Or be obligated to their agreement and SET ASIDE their feelin...
