Chapter 9: Section
___________________________
Sam's POV
Nandito ako sa open field kasama sila Corrine at kylene para daw malaman kung saang section kami mapupunta. Sabi nila sakin ay mayroong 3 section dito, ang una ay ang Athens section kung saan ito ang lower section o yung mga hindi pa daw bihasa sumunod naman ay ang Achilles section ang pumapangalawa at ang huli ay ace section dito inilalagay ang mga magagaling. Sabi nila sakin ay iba daw ang pag determine ng section dito.
Tinawag na ang unang sasalang sa gitna upang maglaban, grabe talaga ang pagpili ng section kailangan may laban pa di ba pwedeng sa average sa card nalang? Kasi kung iyon ang susundin talagang na sa Ace section ako kasi 96 ang average ko.
Habang nanonood ako ng Laban biglang dumami yung isang estudyante. WHAT THE HECK?! Anong nangyayari? Namamalik mata ba ako? Shet! Ito ba yung ibig sabihin ni Daddy?
"Corinne pano nangyari yon?" Naguguluhang tanong ko.
"Well yun kasi ang mahikang meron sya" paliwanag sakin ni Corrine. Mahika? Naniniwala sya don.
"Wag mo nga akong binibiro" sabi ko dito. Tumingin sya sakin ng nakakunot ang noo.
"Ano bang Mahika ang meron ka?" Tanong nito sakin.
"Hahaha😂 mahika? Pinagloloko mo ba ako? Like duh! Wala kayang ganun" sabi ko habang tumatawa.
"Ha? Wala kang alam? Paano ka nakapasok dito" nagtatakang tanong nito.
"Dito ako pinapasok ni Daddy" sabi ko.
"Well sasabihin ko lang sayo na ang paaralang ito ay para sa mga taong may mahika, lahat ng nakikita mong iyan ay gawa ng aming mahika katulad ko, isa akong plant manimulator" paliwanag sakin ni Corrine.
"Di ka nagbibiro?" Tanong ko.
"Di kami nagbibiro, siguro hindi pinaliwanag sayo ng magulang mo" pagsabat ni kylene.
"Oo, wala silang sinabi" sagot ko nalang.Bakit ganon dito ako pinapasok nila Mommy at Daddy eh wala naman akong mahika? kaya ba nasa liblib na lugar ito dahil Hindi to pangkaraniwan? Pero normal na tao lang ako ah wala akong power katulad ng sa kanila pero bakit ako nandito?
Sa sobrang space out ko di ko namalayan na nakalaban na pala sila Corinne at kylene. Tinawag na ako. Pano ako lalaban kung wala akong power ?
"Hoy tutunganga ka nalang ba dyan? Wag mong sabihing natatakot ka sa akin?" Mayabang na tanong ng magiging kalaban ko.
" ako* sabay turo sa sarili ko* natatakot sayo ? Aba Hindi no" sabi ko dito. Ayaw ko na kasing maranasan na mabully gusto ko ng matutong lumaban.
" Ano ba ang powers mo ha?" Ang ingay naman nito.
"Wala ka na doon" hanggang ngayon di parin ako makapaniwala. Like duh?! Dati nababasa ko lang yang mga magic achuchu nayan ngayon nakikita ko.
Bigla syang sumugod sa akin at susuntukin ako pero syempre di ako magpapatalo, bago nya ako masuntok nakailag na ako. Puro sya suntok ng suntok at ako ilag ng ilag.
"Ano iilag ka na lang ba lagi?"naiinis na tanong nya.
" Eh pakialam mo ba?" Haysst! Saan ko kaya nakukuha ang lakas ng loob? To be honest kasi ay kinakabahan na ako.
Nag umpisa na syang mag salita na akala mo bumibigkas ng salamangka, anong gagawin nya? Biglang nagbago ang kulay ng mata nya from black naging kulay blue ito. Huhuhu gagamit na ba sya ng powers nya? Ang unfair para sa akin na walang powers. Naging espada ang kanyang kamay yan na ba ang magic nya dito na ba ako mag tatapos? Mommy, daddy mahal na mahal ko po kayo huhuhu.
"Hayahhhh!!" Nag umpisa na syang umatake sa akin kaya ako takbo lang ng takbo. Mommy at Daddy Anong gagawin ko?
Sam sabihin mo ang sasabihin namin!
Ha? Sino yun? Multo ba yon? Shet naman.
Kapangyarihang aking tinataglay, sa akin ay ibigay.
Pag kasabi ko non ay biglang nagkaroon ako ng liwanag. Nung mawala ang liwanag na nakabalot sakin ay tinignan ko ang aking kalaban.
"Pa- paanong nangyari yan?" Gulat na tanong nya.
"Ha? Anong pinagsasabi mo?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Yung mata mo kulay violet"pano naging violet ang mata Ko?
Nagumpisa na ulit sya pero sa ngayon di ko na sya iniiwasan dahil parang may kumawalang enerhiya sa akin at nakita Kong tumumba nalang sya at everything went black .
*************************************
Kamusta guys✋gusto ko lang sabihin na sana pakifollow ako sa wattpad at kung may kakilala kayo na mahilig magbasa ng wattpad I recommend nyo itong story ko.
Thank you😘
(EDITED)
YOU ARE READING
Crescent Academy : The Powerful Princess
FantasyThis story is appropriate for all wattpad readers.
