Chapter 5

7.4K 178 2
                                        

Chapter 5: awakening of her Power

________________________

Sam's POV

Mahigit isang buwan na nung umalis si Fhiona at isang buwan nadin ng mag umpisa nila akong ibully . Di ko na sinasabi kila Mommy at Daddy dahil busy sila at di ko narin pinapatulan dahil pag pinatulan ko sila ay parang wala narin akong pinag kaiba sa kanila. Today is my 18th birthday pero ngayon din ay wala ang parents ko😔. Pero naiintindihan ko naman sila eh, they are busy sa pagpapatakbo ng negosyo para sa kinabukasan ko.

"Look girl who's here" sabi ng laging kasama ni Abrielle. If im not mistaken, ang pangalan nya ay Jenny.

"Yuck! Bakit ba nasa school na ito ang basura? Di ba dapat nasa trash can yan?" Nandidiring sabi nung isa pa. Her name is Trixie. Di ko nalang sila pinansin at nag umpisang lagpasan sila pero di paman ako nakakalayo ay may humatak sakin.

"Di kaba tinuruan ng magulang mo ng manners? Na kapag kinakausap ka dapat di mo ko tinatalikuran" maarteng sabi ni Abrielle. Wow manners! Comming from you? Eh bakit ikaw di tinuruan ng magandang asal? Ayan sana ang mga gusto kong sabihin pero wag nalang baka mag kagulo pa.

"Please lang ayaw ko ng gulo" sabi ko dito at inaalis ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

"Aba't wala ka talagang manners ah! Well di nako magtataka dahil siguro ganun din ang magulang mo! Siguro mga wala silang kwenta! Mga hampas lupa" pangungutya ni Abrielle sa magulang ko. Dahil doon nag init ang ulo ko.

"WALA KANG KARAPATAN NA SABIHIN IYAN SA MAGULANG KO! OO TATANGGAPIN KO LAHAT NG PANGUNGUTYA MO PERO WAG NA WAG MONG IDAMAY ANG MAGULANG KO!" galit na sabi ko. Wala syang karapatan na husgahan ang magulang ko dahil di pa naman nya ito nakikilala.

"Bakit totoo naman ah! Salot kayo sa lipunan! At yang mga magulang mo? Dapat lang na hindi mabuhay kasi mga hampas lupa kayo!" Nakangising sabi ni Abrielle.

Dahil dun nagdilim ang paningin ko. Feeling ko Nag iba ang aking  aura na tipong kayang pumatay. Ang dalawang kasama ni Abrielle ay takot na takot na dahil sa mga pinapakita ko.

"You don't have the rights to judge my parents" cold na sabi ni ko at tinignan si Abrielle ng masama.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Third person's POV

"You don't have the right to judge my parents " cold na sabi ni Sam at tinignan ng masama si Abrielle. Dahil doon nakaramdam ng takot ang babae.

Wala na sa katinuan si Sam na tila hindi na sya ang taong ito. Galit lang ang nararamdaman nito. Lumapit si Sam sa dalawang kasama ni Abrielle at sinakal ito.

"Bitawan mo kami maawa ka" nagmamakaawang sabi ng dalawa pero parang walang narinig ang dalagita at parehas na itinapon sa pader ang dalawa kaya nawalan ito ng malay.

"You are a monster!" Nanginginig sa takot na sabi ni Abrielle dahil doon napatingin si Sam sa kanya at nginisian ito.

"I take that as a compliment " cold na sabi nito at muling ngumisi.

Takot ayan ang nararamdaman ng karamihan ngayon dahil sa ipinapakita ni Sam pero wala silang maggawa. Lahat sila ay nanatakot sa maaring mangyari. Alam nila na lahat sila ay mali pero di nila inaakala na ganito ang kakahantungan.

"Tumigil kana Sam"

"Tama na yan"

"Maawa ka"

Ilan lamang yan sa mga sinisigaw ng estudyante. Dahil dito ay napatingin sa kanila si Sam.

"NUNG BANG BINULLY NYO KO NAAWA KAYO?" galit na sigaw ni Sam.

Lahat sila napatahimik dahil wala silang masabi. Pinuntahan ni Sam si Abrielle at sinampal ito ng malakas. Binugbog nya ito na para bang walang bukas. Nawalan ng Malay si Abrielle. Bago paman mawalan ng malay si Sam ay narinig nya ang sinabi ng mga estudyante sa kanya.

"Demonyo ka!"

"Wala kang awa!"

"Mamatay tao ka!"

"Di ka nararapat dito!"

Then everything went black

*************************************

Hello everyone ☺️

(EDITED)

Crescent Academy : The  Powerful PrincessWhere stories live. Discover now