Chapter 18: The Crystal
________________________
Sam's POV
Umaga na kaya naman nag umpisa na kaming maglakbay. Sabi nila malapit na kami sa Haunted Forrest kaya naman kinakabahan nako. Sana naman matapos na namin itong mission na ito dahil gusto ko na talagang mag pahinga. Kamusta na kaya sila Mommy at Daddy? Haysttt namimiss ko na sila😪. Tinignan ko si Marcus at nakatingin sya sakin. Bakit kaya sya laging nakatingin sakin? Gusto nya kaya akong kausapin?
"Guys tanaw ko na ang Haunted Forrest" sabi ni Vince.
Salamat naman at malapit na kami sa destinasyon namin. Umuna si Zendrix since sya ang leader namin. Yung kupal na yon ay malakas daw kaya naging leader.
"Since kami ay princes and princesses, kami lang ang pwedeng humawak sa Crystal" sabi sakin ni Zendrix. So anong pinaparating nya?
"Si Fhiona ba ay princess din?" Tanong ko .
"Oo princess din ako, pinsan ko si Zendrix " sabi ni Fhiona. What?! Yung kupal na yon pinsan nya? Pero bakit di sinabi nung babae sakin?
"Okey pero bakit di ko pwedeng hawakan ang Crystal?" Tanong ko. Kung hindi pwedeng hawakan ng hindi prinsesa at prinsipe ang Crystal paano nawala ito? Maaring isang prinsesa o kaya prinsipe ang kumuha nito pero bakit?
"Kasi maari kuhanin ng Crystal ang kapangyarihan mo " pag papaliwanag ni Andrei.
Ano bayan😪 wala na nga akong kapangyarihan , pabigat pa at di pa makakatulong sa kanila😭. Ano paba ang mga kahihiyan ba ibibigay ko sa kanila?
"Ayos ka lang ba Sam?" Tanong sakin ni Naomi.
"Oo naman☺️ " sabi ko dito. Ayaw ko na makita nilang parang dina down ko yung sarili ko😔.
Nag patuloy na kami baka sa kaling makita namin ang Crystal . Sa paghahanap namin ay may nakita kami. Isang babae sya at nakatakip ang mukha nya na tipong ayaw nyang mag pakita .
"Sino ka?" Pagtatanong ni Cyrene sa babae. Na identify ko na babae sya dahil sa hugis ng kanyang katawan. Tumakbo yung babae kaya sinundan namin sya.
Takbo lang kami ng takbo dahil ayaw tumigil nung babae . Napapagod narin ako dahil hindi naman ako sabay sa mga ganito. I think sya yung kumuha ng Crystal dahil tumatakbo sya. Bakit nya naman kinuha ang Crystal.
"If you don't want to be hurt, you should give back the Crystal " sabi ni Marcus. Owsss🤐 ang Cold naman masyado . Tumigil yung babae at humarap samin na meron parin takip sa mukha.
"Ibabalik ko ang Crystal sa isang kondisyon" sabi nito. Nakumpirma ko na babae nga ito.
"Ano ?" Tanong ni Vince. Tumingin sakin ang babae at masama ang kutob ko dito.
"Sya ang kumuha sakin as simple as that" sabi ng babae habang nakaturo sakin. Nanigas ang katawan ko sa sinabi nya. Bakit gusto nya ako ang kumuha?
"Kung ayan ang gusto mo edi sige payag kami" sabi ni Zendrix. Napatingin ako sa kanya, wala na ba sya sa katinuan at gusto nya ako ang kumuha.
"Nahihibang ka naba? Alam mong hindi sya katulad natin" sabi ni Fhiona.
"Im the leader here , at tungkulin nyo na sundin ang leader kaya kung ano man ang sinasabi ko sundin nyo nalang" seryosong sabi ni Zendrix.
Wala na kong naggawa kundi sundin ang kupal na iyon . Ito naba ang katapusan ko?
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Someone's POV
Alam kong katulad din sya nila. Natutuwa ako dahil nakita ko sya kapiling ang tunay na nararapat nyang samahan. Poprotektahan ko sya dahil iyon ang tungkulin ko. Alam kong sa piling ng mga ito ay hindi sya mapapahamak . Gagawin ko ang lahat para malayo sya sa mga taong pilit syang papatayin. Alam ko na darating ang panahon na malalaman nya ang tunay nyang pagkatao at hindi nako makapag hintay sa panahong iyon.
*************************************
Good day Cresenians😂 Nag update na ulit si author ☺️ so sana maintindihan nyo ko dahil madami akong ginagawa at sorry dahil napakabagal kong mag update😭(EDITED)
![](https://img.wattpad.com/cover/108091635-288-k880905.jpg)
YOU ARE READING
Crescent Academy : The Powerful Princess
FantasíaThis story is appropriate for all wattpad readers.