Chapter 10: Meet the Princes and Princesses
___________________________
Kylene's POV
Nakita ko lahat ng pangyayari , di ako makapaniwala na sya ay isang malakas na white magical user kasi kung titignan lang sya para syang lampa tsk' look can be deceiving. Lahat ng kapwa estudyante dito ay mga gulat na gulat na akala mo mga nakakita ng multo.
"Kylene nakita mo ba yung ginawa ni Sam?" Tanong ng napakaingay na si Corinne.
"Tsk' malamang may mata ako eh"pilosopong sagot ko.
" Napaka mo talaga, kailan ba kita makakausap ng matino" nakangusong sagot nito.
"Tsk'" sabi ko . Ayaw ko kasi ng maingay at ayaw ko na kinakausap ako.
Tumayo ako at pumunta sa gitna ng open field, tinulungan ko ang mga teachers na dalhin si Sam sa clinic. Habang papunta kami rinig ko parin ang mga bulungan sa paligid.
Nakita nyo ba yung ginawa nung transferee?'
Paano nya kaya yun ginawa'
Sabi daw kulay Violet yung mata bago sya mawalan ng Malay'
Ang galing naman nung transferee sana maging kaibigan ko sya'
Ano kaya ang pangalan nya?'
At marami pang iba, Nang makarating kami sa clinic agad na ginamot si Sam. Malakas talaga ang kutob na sya ay isang ---------"Kylene" here we go again nakita ko na naman ang madaldal.
"Ano?!" Iritang sagot ko sa kanya.
"Ay! Ang sungit mo naman parang magtatanong lang eh!" Sabi nya.Hayy!! Kahit kailan talaga ang ingay nya.
"Ano bang itatanong mo?"medyo huminahon na ko.
"Itatanong ko lang sana kung alam mo ang nangyari kanina Kay Sam" sabi ni Corrine.
"Hindi" maikling tugon ko. Hanggat di ko pa napapatunayan ang hinala ko ililihim ko muna ang mga alam ko.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Fhiona's POV
Namimiss ko na si Sam😭. Nandito ako sa dorm ng mga taga ace and yes iisa lang kami ng mga dorm. Habang inaayos ko ang gamit ko ay narinig ko ang pinag uusapan nila Vince sa labas.
"Ang lakas daw nung transferee" rinig kong sabi ni Vince.
"Babae ba sya?" Pag tatanong ni Naomi.
"Oo at sabi nung mga nakakita ay naging Violet ang mata nya" sabi naman ni Andrew.
Narinig kong may naghampas ng lamesa at isa lang ang nasa isip ko na gagawa noon. Sya lang naman ang nagiging ganoon ang reaksyon pag nakakarinig ng violet eyes. Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko sila Naomi at Andrew na nag aaway.
"Ikaw kasi eh! Alam mo namang nagkakaganan sya pag nakakarinig ng violet eyes" pangsisisi ni Naomi kay Andrew.
"Nakalimutan ko eh" sagot ni Andrew. Tinignan ko nalang sya na tipong ang lalim ng iniisip. Biglang pumasok si Cyrene kasama si Andrei.
"Puntahan daw natin ang Transferee " sabi ni Cyrene.
Pumunta na kami sa clinic at habang papalapit kami dito ay kinakabahan ako. Bakit parang kinakabahan ako?
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
SAM's POV
Ouch!!!
Ang sakit naman ng ulo ko ano ba ang nangyari? At nasaan ako? Puro puti lang naman ang nakikita ko namatay naba ako dahil nasaksak ako ng kalaban ko?huhuhu di panga ako nagde- début eh!. Habang nag eemote ako may pumasok na nakaputi, I think nurse ito.
"Hey ayos na ba pakiramdam mo?" Tanong ng medyo matandang babae.
"Ah medyo po pero medyo sumasakit po ang ulo ko"sabi ko dito.
"Ah baka side effect yan ng pinainom ko sayo by the way ako nga pala si
Carmina ang doctor dito at gusto ko palang sabihin na pupunta dito ang mga prinsesa at prinsipe" sabi ni Dr. Carmina."Uhmm hello po ako po si Sam" sabi ko .
" Sige na aalis nako, hintayin mo nalang sila" sabi ni Dr. Carmina.
Hinintay ko ang mga prinsesa at prinsipe. Habang naghihintay ako sa kanila ay iniisip ko kung bakit ako napunta dito. Siguro there's a reason behind this all. Naputol ang pag iisip ko ng pumasok ang mga lalaki at babae, sila naba ang prinsesa at prinsipe?
"Nagkita ulit tayo" sabi nung lalaking nakabunggo ko.
"Oo nga" sagot ko nalang.
"Magkakilala kayo?" Sabay sabay na sabi nung mga kasama nya.
"Sya yung nakabunggo ko kasi kahapon " sabi nito.
"Hi ako nga pala si Naomi" sabi nung isang babaeng kulay brown ang buhok at maganda.
"Im Cyrene " sabi naman nung isa.
"Im Vince " sabi nung isang lalaki. Pogi nya!
"Ako si Andrew" sabi nung isa. Wait kambal sila nung nakabunggo ko?
"Im Andrei at kambal kami" sabi nya at tinuro si Andrew. Lahat sila Pogi!
"Hi Im Sam" sabi ko sa kanila at ngumite. Bigla ulit bumukas ang pinto at may pumasok ulit.
"Nang iiwan kayo eh!" Sabi nung kakapasok. Wait parang familiar yung boses nya.
"Ambagal nyo eh! By the way magpakilala na kayo" sabi ni Vince.
"Hi Transferee Im Fiona" sabi nung nakatalikod na babae at bigla itong humarap. Nagulat kaming pareho.
"S-Sam?" Di makapaniwalang sabi nya. Tumayo ako at pumunta sakanya at niyakap sya. Huhu😭 Fhiona.
"Fhiona!" Sabi ko habang niyakap ko sya.
"Okay?" Nagugulahang sabi nila.
"Zendrix " sabi nung isang lalaking kakapasok lang . Sa kanilang lahat yung kagwapuhan nya yung nakakaangat.
"Im Marcus" sabi nung lalaki. Dahil doon ay biglang tumigil ang mundo ko😂charot lang! Feel ko kakilala ko sya. Nag kakilala naba kami?
*************************************
(EDITED)
![](https://img.wattpad.com/cover/108091635-288-k880905.jpg)
YOU ARE READING
Crescent Academy : The Powerful Princess
FantasíaThis story is appropriate for all wattpad readers.