SA5

1.4K 32 6
                                    

"Gising ka na pala." Bati ko sa kanya ng makita ko syang nakaupo sa gilid ng kama at tinitingnan ang paligid. "Umalis si ate, may gagawin lang daw sya sa headquarters pero babalik din sya." Lumakad ako papunta sa nightstand para ipatong ang mga dala ko. "Kumain ka na. Pasensya ka na, wala kaming gamit pangkusina dito, minsan lang naman kasi kami kumain dito eh." Umupo ako sa kama ni ate. Nakatitig lang sya sakin. "Kain ka na." Sabi ko at ngumiti.



"You look familiar." Sabi nya.



"Isa ko sa mga reporter na nangungulit ng interview sayo." Sagot ko. "Natasha Silvester from X News."



Napatango ito at kinuha ang styrofoam at nag umpisang kumain. Inalok nya pa ko pero tumanggi ako. Sa totoo lang, kating kati na ko tanungin sya kung ano ba talaga ang nangyari. Kung di lang ako binantaan ni ate, baka kanina pa to tadtad ng tanong sakin. Kaya ang nangyari, pinanood ko nalang syang kumain.



Maya maya ay nag ring ang cellphone ko.



"Hello?" Napakunot noo ako ng walang sumagot. Wala din akong naririnig kundi ang parang hinihingal na boses. "Hello? Sino to?" Napansin kong tumingin sakin si raven kaya tiningnan ko din sya na parang nagsasabi na di ko kilala yung tumatawag. "Sino ba to? Kyle? Kuya Tony? Hello?"



"Akina." Bulong ni Raven at sumenyas na ibigay ko ang phone sa kanya. Atubiling binigay ko yun. "Hello?" Maya maya ay napatingin sya sa cellphone ko. "Pinatay na." Sabi nya at inabot yun. Naguguluhang kinuha ko yun. Chineck ko sa log list ang number pero unregistered yun. Sino kaya yun?

-

Jinri's POV

Pinapanood namin ngayon ang CCTV video sa labas ng condo ni Raven kagabi. Nung una wala namang kakaiba hanggang sa sumapit ang alas onse ng gabi. Isang tao na nakajacket at hood ang huminto sa harap ng pintuan ni Raven at may iniwan dun. Nagstay ito ng ilang minuto bago tuluyang umalis. Bandang ala una dumating si Raven sa condo nya.



"Tanungin nyo yung security kung sino sino yung mga pumasok sa building nila ng alas onse. Kuhanin mo na din ang names at address nila." Sabi ko kay Ian habang nasa CCTV padin ang tingin. "And yung CCTV sa condo ni monique, bat hanggang ngayon wala padin? We need that now." Dagdag ko at tumingin sa kanilang dalawa.



"Ayaw ng management makipagcooperate samin. Labas na daw sila sa kaso." Sagot ni wayne.



"Pag di pa sila nakipagcooperate within the week, wala tayong magagawa kundi ang bigyan sila ng subpoena." Napatango ang dalawa. Natigil ang usapan namin ng may tumawag sakin. Bumalik naman sila sa ginagawa at ako ay sinagot ang tawag.



"Natasha, bakit?"



"Ate, diba kaya mong magtrace ng number?"



"Bakit?"



"Trace mo nga tong number na to, tumawag kanina eh tapos di naman nagsasalita. Kinakabahan ako dito eh."



"Okay. Give me the number." Matapos nyang ibigay ang number ay ibinaba ko na ang cellphone at binuksan ang computer ko para itrace ang number. Makaraan lang ang ilang minuto ay lumabas na din ang may ari ng number sa screen.



Sinasabi ko na nga ba.

-

Raven's POV

"Raven! What happened? Bakit di mo sinipot lahat ng commitments mo? Ano na naman ba to?" Galit na salubong ni Mike sakin pagkapasok nya sa loob. "And who is she?" Tanong nya na ang tinutukoy ay si Natasha na nakaupo sa katapat na kama.



"I'm Nat--"



"I am not talking to you!" Putol nya sa sasabihin ni Natasha. "Get ready Raven, you have lots of works to do."



"I can't go."



"What? What! What the heck are you saying Raven? Di pwedeng di ka pumunta! Naiintindihan mo ba ko?"



"Alright. I'll just ask Officer Jinri about this." Sabi ko at nag umpisang dumayal sa cellphone ko.



"Officer Jinri? Sino yun?"



"Shut up." I said coldly. Sinagot naman nito agad ang tawag. "Is it safe for me to go out today? Marami akong trabahong naiwan eh. Ha? Why?" I sighed. "Okay."



"Can we go now?"



"Yes." Sagot ko at tumayo. "With Natasha." Dagdag ko at tiningnan sya.



"Ha? B-bakit? May trabaho ako!"



"She can't go with us Raven. Ano nalang sasabihin ng mga tao?"



"It's either Natasha will come with us or i will not go." I crossed my arms. "Now chose."



"I'll wait for you in the car." Sagot ni Mike matapos ang ilang segundong katahimikan.



"Let's go." Sabi ko sa kanya at naglakad na papunta sa pinto.



"Teka lang." humarap ako sa kanya. "Bakit kailangang kasama ako? May trabaho ako. Di pwede."



"Your sister asked me to. Magbihis ka na at aalis na tayo within a minute." Bago pa sya makapagprotesta ay iniwanan ko na sya dun.

-

Someone's POV

"Ginagalit mo talaga ako Raven Chen." Galit kong sabi habang nakatitig sa kanya na may kasamang babae. "Sisiguraduhin ko na marerealize mo na tayong dalawa lang ang para sa isa't isa sa pagkamatay ng babaeng yan." Tiningnan ko ng masama ang babae.



"Humanda ka sakin. Papatayin kita."

-

PLEASE LEAVE A COMMENT. THANKS! ❤

Secret Admirer: Hide and seekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon