SA7

1.2K 31 2
                                    

Heather's PoV

"Bakit iibahin ang leading man ko? Ayoko! I only want Raven!" Protesta ko ng marinig ang desisyon nila na palitan si Raven sa movie na ginagawa namin.



"Raven's having some problems lately kaya di sya makapagtrabaho ng maayos. We want him to pero di sya pwede." Malumanay na paliwanag ng producer ng pelikula.



"No!" Sigaw ko at lumabas ng conference room. Bastos na kung bastos pero i want to get out of that room. Nagagalit ako. Antagal kong hinintay na makatrabaho sya tapos ganito pa ang mangyayari? Di ako papayag!



"Aray! Ano ba?!" Sigaw ko sabay tulak dun sa babae ng magkabanggaan kami. Pinagpag ko ang damit ko.



"S-sorry po." Nakayukong sagot nung babae at nilagpasan ako. Wait. She's familiar to me.



"Hey you!" Tawag ko dun sa babae. Tumigil naman ito at humarap. Lumapit ako sa kanya. "If i'm not mistaken, you're Raven's P.A, right?" Tumango ito. "Where is he?"



"K-kausap po yung direktor."



"K. Thanks." Sinadya ko syang banggain at dumiretso sa sinabi nya. Napangiti ako ng makita ko ang masayang mukha ni Raven habang nakikipag usap sa direktor. Kahit kailan, he never fails to make me smile. Sadly, di nya ko napapansin.



Mahal na mahal ko si Raven and i will do anything just to make him mine.

-

Jinri's PoV

"Prosthetics lang ang kamay Sir pero yung dugo, dugo talaga ng tao." Sambit ni Wayne sakin.



"Ipaexamine nyo yung dugo and check kung may fingerprints na naiwan sa pintuan."



"Yes sir." Sumaludo ito at iniwan na ko sa opisina. Natulala nalang ako. Tama ba tong ginagawa ko? Using my own sister as a bait? Ganun na ba ko kadesperada para isolve ang kasong to? Napabuntong hininga ako saka sumandal sa swivel chair ko at pumikit.



Sa totoo lang ay may suspek na kami. We just need some evidence na magdidiin sa kanya and then we can arrest her and let her rot in jail. We just need a little time to make things done.



Napukaw ang pag iisip ko ng may tumawag sakin. Umayos ako ng upo at sinagot ang tawag. "Hello? Yes Ian? Okay, send it to me right away." Binaba ko ang telepono at binuksan ang computer. 



Agad kong kinuha ang nakaplastic seal na cellphone ni Monique sa drawer ko. Kumuha din ako ng connector para isaksak yun sa computer. Ilang sandali pa, natransfer na sa computer ang lahat ng files sa cellphone. Ibinalik ko yun sa drawer at binalik ang atensyon sa computer.



I was about to scan it nang lumabas ang email ni Ian. Binuksan ko yun at tumambad sakin ang video sa labas ng bahay namin nung isang araw. Nung una, wala pang tao pero ng sumapit ang alas onse ay may babaeng nakajacket at hood ang naglakad saka huminto sa tapat ng pintuan namin. Wala syang ginawa. She just stood there. Then 12:05 dumating si Natasha. She approached the girl but the girl ran away. Napailing nalang si Natasha at pumasok na sa loob. Wala ng sumunod dun.



Deja vu. Ganyan din ang nangyari noon. Sa tapat ng condo ni Raven. Alas onse din. Ah, i'm really getting close to the suspect. Pakiramdam ko talaga malapit na namin syang mahuli. Kaunting tiis nalang. Konting ebidensya pa and it'll be over.



I can't wait for that to happen.

-

PLEASE LEAVE A COMMENT. THANKS! ❤

Secret Admirer: Hide and seekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon