SA15

1K 27 3
                                    

Raven's POV

"Bakit kasi ayaw mong sabihin ang totoo? Di naman ako magagalit kung magiging totoo ka lang sakin!"

Di ako sumagot at nanatili lang na nakatingin sa daan habang hawak ng mariin ang manibela. Gusto kong manapak ng tao. Gusto kong patayin yung tao na naging dahilan ng pag aaway namin ngayon.

"Sagutin mo ko raven! Ano ba talaga ang totoo?" Sigaw nya pa habang pinapalo palo ang braso ko. Di padin ako kumibo. "Alam mo namang ikaw lang ang papaniwalaan ko diba? Sabihin mo na ang totoo. May nangyari ba sa inyo ni cris?"

"Wala kaming relasyon." Mariin kong sagot.

"Eh bakit ikaw ang tinuturo nyang ama ng dinadala nya?!"

"Di ko alam!" Sigaw ko. "Hindi ko alam kaya manahimik ka na!" Sigaw ko pa. Natigilan naman ito. Napabuntong hininga ako at pilit na inaalis ang galit sa dibdib ko.

"Kung di mo na kaya, maghiwalay na tayo." Malamig kong sabi. Nakita kong nag angat sya ng paningin at umiling iling. Nanatili lang ang tingin ko sa daan.

"Hindi... Hindi ako papayag! Ayoko raven!" Nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang manibela at pilit na inaagaw yun sakin.

"Selene ano ba! -- Tama na! Selene!"

Parehas kaming natigilan ng masilaw kami sa liwanag na hatid ng truck na makakasalubong namin.

"Raven..."

Narinig kong may bumubulong sa pangalan ko pero di ko magawang dumilat. Naulit ang pagtawag at ngayon ay marahan na kong niyuyugyog.

"Raven, gising!"

Dumilat ako at pakiramdam ko nakakita ako ng anghel na nakatunghay sakin. Nakahinga naman ito ng maluwag ng magising ako.

"Nananaginip ka." Sabi pa nya at pinunasan ang noo ko. Bumangon ako at narealize kong panaginip nga lang ang lahat. Sinapo ko ang ulo ko ng maalala ko ang napanaginipan ko.

Bakit kami nag aaway ni selene? May relasyon ba kami dati? Bakit di ko alam?

"Raven." Nilingon ko si Natasha. "Ayos ka lang?" Tumango ako. "Tubig, gusto mo?" Umiling lang ako.

"Pasensya ka na, nagising pa kita." Bulong ko.

"Wala yun. Di din naman ako makatulog e. Sure ka bang ayos ka na?" Tumango ako at nginitian sya. Gumanti naman sya ng ngiti.

"Tulog na ulit tayo." Ngumiti sya at humiga na. Humiga na din ako. Maya maya pa ay nakatulog na ito pero ako ay nanatiling gising. Di mawala sa isip ko yung napanaginipan ko kanina.

Posible kayang may nakaraan kami ni selene? Kung meron nga bakit di ko maalala? Pang ilang beses ko na tong napanaginipan simula nung mamatay si monique. Anong ibig sabihin nito?

*

Wayne's POV

"Bakit mo ginawa yun?"

Napahinto ako sa paglakad palabas ng station ng magsalita si Jinri. Nakasandal ito sa pintuan ng conference room habang nakatitig sa baril nito.

"Anong... Ginawa ko?" Tanong ko. Ngumisi ito at sinukbit sa bewang ang baril nya saka tumingin sakin.

"Stop playing innocent, Roberts." Lumapit sya sakin. At dahil magkasing tangkad lang kami ay kitang kita ko ang galit sa mga mata nya. Napalunok ako. Shit, alam na nya. "To think na kasama ka namin sa kasong to pero sinabotahe mo kami. Gusto ko lang malaman kung bakit mo kami ginago." Mahinahon at mariin na sabi nito.

Pilit kong tinago ang takot na nararamdaman ko at nginisian sya. "Pulis ka diba? Dapat alam nyo na ni Lee yan. Nakilala nyo nga ko diba?"

Bumakas ang galit sa mukha nito. "Anong kinalaman mo sa kanya?"

Binulungan ko sya. "It's for me to know and you to find out." Nginisian ko sya ng nakakaloko saka tuluyang lumabas ng headquarters. Tuloy tuloy ako sa kotse ko habang may dinadial.

"Alam na nya ang lahat." Panimula ko. Napatango ako sa sagot nya. "Masusunod."

Pinaandar ko na ang kotse ng di nawawala ang ngisi sa labi.

Tapos ka na, Jinri Ahn.

*

Raven's POV

"Magkakaroon ka ng cruise party sa monday. Farewell party para sa pagpunta mo sa amerika so be ready." sambit ni mike sakin ng pumunta sya sa condo ko. Nakaupo lang ako sa kama habang sya ay nakatayo lang sa harap ko. "Raven, ano bang nangyayari sayo?" Tiningnan ko lang sya.

"May tanong ako sayo." Seryoso kong sabi sa kanya habang nakatingin sa mga mata nya.

"Ano yun?"

"Si selene..." Nakita kong natigilan sya at namutla. "P.A lang ba talaga ang relasyon naming dalawa? May alam ka ba sa nakaraan ko?" Ilang segundo itong nanahimik.

"A-ano ka ba.. A-ano bang sinasabi mo? W-wala kong alam dyan.." Mautal utal nyang sabi na nagpatibay ng hinala ko.

"Sana nga." Tumayo ako. Tumingala naman sya sakin. "Sana nga nagsasabi ka ng totoo." Sambit ko at lumabas ng condo ko.

*

Natasha's POV

"San tayo maglalunch? Gutom na ko." Reklamo ni kyle habang naglalakad kami sa initan. Pinatong nya ang camera sa balikat nya habang nakasimangot padin.

"Dun nalang tayo." Sagot ko sabay turo sa karinderya na nasa tapat lang namin.

"Tara. Gutom na talaga ko." sagot nya at nagpauna na dun. Nagkatinginan nalang kami ni kuya tony at sabay na napailing.

Papasok na kami sa karinderya ng magring ang cp ko. Pinauna ko na si kuya tony saka ko sinagot ang tawag.

"Hello?" Napakunot ang noo ko. "Ako nga bakit?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng nasa kabilang linya.

Secret Admirer: Hide and seekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon