SA10

1.1K 28 6
                                    

Natasha's POV



"Di pa rin ba ko pwedeng lumipat dyan? Mukhang nanahimik na yung stalker ni raven ah. It's been what, three months mula nung lumipat ako dito. Ate, i want to go home!"



"Di pa nga pwede Natasha. Di natin alam kung kailan aatake ang stalker nya. Remember monique? Five months ago mula nung huli syang makatanggap ng death threats and so she thought that everything's back to normal. But what happened? Tragedy comes when you least expect it."



Napabuntong hininga ako at umupo sa gilid ng kama. "How long am i going to stay here? Yung trabaho ko napapabayaan ko na din."



"Hangga't di nahuhuli ang stalker nya. You have no choice natasha. Your life is at stake now." Bumuntong hininga nalang ako ulit. "I need to hang up now. If anything bad happens, just call me, Okay?"



"Yes ate." Pabagsak akong humiga sa kama at hinagis ang cellphone sa tabi ko. It's been a boring day for me. Again. Ugh. Do i really need to suffer from this? Simula nung mamatay si heather di na ko pinayagang lumabas ng walang kasama hanggang sa tuluyan na kong makulong sa unit nya. How can they be so sure na stalker nga ni raven ang pumatay sa kanya? Bali-balita kasi na may gusto ito sa kanya. Pero kahit na! They shouldn't jump into conclusions! Pano kung kaaway lang pala yun ni heather na gustong maghiganti? Pati tuloy trabaho ko nadamay na. Napaindefinite leave tuloy ako ng wala sa oras. I sighed once again. What to do now?



Napabangon ako ng may nagdoorbell. Napakunot noo ako. Sino kaya ang bibisita sakin sa tanghaling tapat? Tinatamad na bumangon ako at binuksan ang pinto.



Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang napakalaking bulaklak ng patay sa harap ko. Lakas loob na lumingon ako sa kaliwa't kanan pero walang tao. Mabilis na nakalayo ang nagdoorbell kung sino man sya.



Mas lalo kong nanginig ng makita ang nakasulat sa sash na nakapalibot sa bulaklak.



R.I.P Natasha Silvester



Muntik na kong mapasigaw ng may pusang kulay itim na biglang lumabas sa unit. San galing yun? Nanginginig na sinara ko ang pinto at kinuha ang cellphone ko para tumawag. Mabilis namang sumagot ang nasa kabilang linya.

"A...a-te..." Nanginginig at mangiyak-ngiyak na tawag ko. Agad namang naintindihan ni ate ang ibig kong sabihin.

"Wait for me, I'll be there in a second."

Tumango ako kahit na hindi nya ko nakikita. Binaba ko na ang tawag at dumiretso sa kama habang nanginginig padin ang buong katawan ko.

I just want this to be over soon. Di ko na alam kung kakayanin ko pa ang susunod na mangyayari.

*

"Di nakilala ng flower shop yung bumili ng bulaklak. Nakajacket daw ito ng itim at nakahood din. May mask pa daw yung bibig kaya di nila masabi kung babae ba o lalaki ang bumili." Rinig kong sabi nung pulis na kasama ni ate. "Tsaka yung pusa baka galing sa baba, umakyat lang dito. Nakilala ng ibang tenant yung pusa na laging pumapasok sa kanila."



"Salamat, Wayne." Sumaludo ito kay ate at lumabas na ng unit. Naiwan naman kaming dalawa. "Are you okay now?"



Tumango ako. "N-nagpanic lang ako pero ayos na ko."



Bumuntong hininga ito. "I already called raven. Papunta na yun dito maya maya lang. Aalis nalang ako pagkadating nya." Tumango nalang ako at di na nagsalita pa. Huminga ito ng malalim. "I'm sorry. Hindi na dapat kita dinamay dito."



Lumingon ako sa kanya at nginitian sya. "Okay lang yun, ate. Masarap sa pakiramdam na nakakatulong ka kahit na medyo delikado." She just smiled at me and patted my head, kagaya nung lagi nyang ginagawa nung mga bata pa kami.


Maya maya nga lang ay dumating na si Raven kaya umalis na din si ate.



Kinagabihan, natutulog na kami ng biglang mag ring ang cellphone ko. Nagdadalawang isip pa ko nung una kung sasagutin ko ba o hindi pero naisip ko na baka maistorbo na si raven kaya sinagot ko na yun. Sa una ay walang sumagot. Malalalim na hininga lang ang naririnig ko. Ibababa ko na sana ng magsalita ito.



"Mag-iingat ka, nasa paligid lang sya." Pagkasabi nun ay binaba na nito ang tawag. Natitigan ko nalang ang cellphone ko. Kung di ako nagkakamali, ito din yung tumawag sakin nung nakaraan. Sino ba sya? Ito kaya ang stalker ni raven? Pero bakit pinag iingat nya ko? At sinong sinasabi nya na nasa paligid lang?

Maalimpungatan naman si raven.

"Natasha." Tawag nya sakin at umupo. "What happened?" Tanong nya ng makita ang hawak kong cellphone.

"T-tumawag na naman sya.."

"Sino?"


Umling ako. "She's.... She's telling me to take care." Nilingon ko sya.

"Alam na ba ng ate mo yan?"

"Pangalawang beses na to na tumawag sya. I don't think she means any harm, Raven-"

"You shouldn't trust people too easily." Putol nya sa sinasabi ko. "You don't know her, pano ka nakakasigurado na di ka nya sasaktan?" Di ako nakasagot. Huminga naman ng malalim si Raven.

"We'll change your number first thing in the morning." He said, dismissing me. "Go back to sleep." Hihiga ito muli. Maya maya ay mahimbing na itong matutulog.

*

After two weeks ay pinayagan na din akong pumasok nina ate. Normal naman ang mga sumunod na araw to the point na nakakalimutan ko na ang tunay na dahilan kung bakit kami nasa ganitong set-up. It's not that i'm enjoying it but i'm already getting used to it. Plus the fact that raven's a nice guy to be with. No wonder na obsessed sa kanya yung stalker nya.



"Ingat Mang tony. Salamat sa paghatid!" Nakangiting sabi ko habang pababa ng van. Pinaalis ko muna yun bago ko pumasok sa building at tumuloy sa unit namin.



Palabas na ko ng elevator ng may mabangga ako. "Hala, sorry miss! Ayos ka lang?"



"Oo. A-ayos lang." sagot nito habang pinapagpagan ang dress nya. Tumingin sya sakin sandali bago sya tuluyang pumasok sa elevator. Ako naman, lumabas na ng elevator at pinagmasdan yun hanggang sumara. Nakita ko pang tumalim ang tingin nya sakin bago yun tuluyang nagsara. Napaisip naman ako. Nagsorry naman ako? Bakit galit padin sya? Nagkibit balikat ako at hinayaan nalang yun.



Kadiliman ang sumalubong sakin pagbukas ko ng unit. Teka, bat amoy malansa? Kinapa ko ang switch sa pader pero tinanggal ko din ang kamay ko ng maramdaman kong basa ang pader. Ano bang meron? Naplunok ako at lakas loob na binuksan ang ilaw.



Di ko na napigilan ang mapasuka ng makita ang kabuuan ng unit. Tadtad ng picture ko na sira sira ang pader habang puno yun ng dugo. Nagkalat naman sa lapag ang mga lamang loob at sa kama ay nakapatong ang pusang itim na wala ng buhay. Mas di ko kinaya ang isang bagay na nakasaksak sa kutsilyo at nakadikit sa pader.



Ang puso ng pusa na tumitibok tibok pa.



Napatili nalang ako ng malakas.

-

PLEASE LEAVE A COMMENT. THANKS!

Secret Admirer: Hide and seekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon