SA2

3.4K 45 8
                                    

Natasha Silvester's POV

"And this is Natasha Silvester reporting."



Nawala ang ngiti sa mga labi ko ng sumenyas ang cameraman ko na tapos na. Huminga ako ng malalim at pumunta sa van namin. "Wala pa bang update kay Raven Chen?"



"Ayaw nyang makipagusap kahit kanino, ni hindi na nga nagpapakita eh." Sagot ng cameraman namin.



"Tsk. Grabe din yang superstar na yan noh? Pumapatay ng syota." Umiiling na sabi naman ng driver namin.



"Wag ka ngang ganyan. Di nga sya ang pumatay diba?" Saway ko sa kanila. "Malay mo may kagalit yung babae tas pinatay sya tapos si Raven yun diniin nya. Wala namang nakitang ebidensya diba? Kayo talaga, wag kayong manghusga agad, di nyo naman kilala yung tao."



"Naks naman, pinagtatanggol nya. Patay na patay ka talaga kay Raven Chen ha?" Asar nung cameraman sakin.



"Tama nga naman kasi sya Tonyo, wag nating husgahan kasi nasasaktan sya!" Dagdag ng driver. Nagkatawanan sila at nag apiran.



Napailing nalang ako.  "Ewan ko sa inyo. Umalis na nga lang tayo." Sabi ko at sumandal sa upuan ko.



"Yes Mrs. Chen!" Asar pa nila sabay tawa ng malakas. Di ko nalang sila pinansin at nagpasyang matulog nalang. 

-

Raven's POV


"Raven.. Thank God nagpakita ka din." Sambit ng  direktor na may bahid ng takot sa tono. Di ko sya pinansin at nagtuloy tuloy sa dressing room ko.



"Bigyan mo ko ng kape." Sabi ko sa P.A ko na nasa loob na ng dressing room at inaayos ang mga gamit ko. Sumunod naman ito at iniwan na ko dun.



"Eto na ang script Sir Raven." Sabi ng isa sa mga staff.



"Pakipatong nalang dyan." Walang emosyon na sagot ko. Tumango naman ito at ipinatong ang script sa mesang nasa harapan ko. 



"Salamat." Tumango ito at nakayukong lumabas ng kwarto. Umupo naman ako at inumpisahang basahin ang script.



Di naman nagtagal ay dumating na ang PA ko dala dala ang umuusok pang kape. "



S-sir raven, eto na po yung kape." 



"Pakipatong nalang dyan." Sagot ko ng di sya tinitingnan. 



"Sandali." Pigil ko. Huminto ito at humarap sakin.



"Sir?"



"Pakiayos ang mga damit ko. Pakilinis na din ng condo ko mamaya."



"Yes sir." Tumango ako at muling binalik ang tingin sa pagbabasa ng script. 

-

Natasha's POV


"Ano bang ginagawa natin dito?"



"Ssshh. Wag ka ngang maingay dyan." Saway ko sa kanya habang palihim na sinisilip si Raven Chen. Kapag nainterview sya, malaki ang tsansa na maging anchor na ko sa tv. Kaya gagawin ko ang lahat mainterview lang sya.



"Natasha naman eh. Sa tingin mo ba papayag na magpainterview yan tungkol sa pagkamatay ng girlfriend nya? Ba't di nalang natin hintayin na sya mismo ang magsalita? Hindi yung ganito." Reklamo pa nya. Inis na humarap ako sa kanya.



"Kelan pa yun? Next year? Ayokong maghintay ng ganun katagal noh? Isa pa, parang di mo naman kilala ang mga artista. Gustong gusto nilang magpahabol sa media para mas lalo silang pagusapan." Napasimangot ito. "Tiwala ka lang, makakausap din natin yan." Lumingon ako at nakita kong papalapit na si Raven sa van nya. Dun kasi kami nagtatago sa van nya para mas madali namin syang malapitan.



 "Andyan na sya. Maghanda ka na."



"Ewan ko sayo." Sagot nito at binuksan ang dalang video cam. Ako naman ay naghanda sa paglapit ni raven.



"Hi Mr. Chen! I'm Natasha Silvester from --"



"I don't do interview, i'm sorry." Putol nya sa sasabihin ko.



"Pero---"



"I want some privacy. Please. Magsasalita ako kung kelan ko gusto. Now, leave me alone." Sagot nito saka tuluyang pumasok sa van nito kasunod ang P.A nya. Pinagmasdan nalang namin ang van nya na lumayo.



"Ang kulit mo kasi eh." Sabi ni Kyle maya maya, ang cameraman na kasama ko.




"Tss. Akala naman nya susuko ako agad agad. Maniwala ka, makukuha ko din ang panig nya." Sagot ko habang tinatanaw ang papalayong van. "Tara na nga." Taas noo padin na iniwan ko sya dun. Di ako dapat magpadala sa inis ko. Pasasaan ba at maiinterview ko din sya. Tiwala lang.

-

Someone's POV

Napangisi ako habang pinapanood ang balita sa tv pagkatapos ay pinatay ko yun at dumiretso sa kwarto ko kung saan nagkalat ang mga pictures ni Raven. Lumapit ako sa pinakamalaking picture doon at tinitigan yun. Napalitan ng ngiti ang ngisi ko.



"Ilang babae pa ba ang kailangan kong patayin bago mo marealize na ako lang ang nakalaan para sayo?" Bulong ko. "Goodnight, mahal." Hinalikan ko ang picture nya at natulog na.

Edited.

PLEASE LEAVE A COMMENT. THANKS! ❤

Secret Admirer: Hide and seekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon