Recess
Habang kami ay pababa na ni Vincent, naiisip ko yung sinabi niya kung teacher ba talaga siya or modelo. Sinagot ko ito sa aking sarili.
"May point naman si Vincent...Talaga namang maganda siya. Muka ding mabait, palangiti at friendly. She's perfect!"
Habang sinasagot ko ang tanong niya sa sarili ko,
"Huy! Di ka makamove on dun sa Soc Sci teacher natin noh?" Paloko niyang sinabi.
"Tssss hindi noh! Bakit naman?" Pakunwari kong sinagot.
"Ehh kasi naman Mark kanina ka pa tulala jan. Di ka maka usap!"
Pagkatapos niya ako gulatin, bumili na kami ng pagkain. Ang binili ko ay adobo dahil paborito ko yun. Si Vincent naman ay Nilaga.
Habang kami ay kumakain tinanong niya ako ulit,
"Brad seryoso...ba't ka tulala kanina?" Seryoso niyang tinanong.
"Wala!" Sagot ko.
"Hindi! Kilala kita Mark...Pag may nagugustuhan ka, natutulala ka."
"Pwes nagkakamali ka ngayon!"
"Eh ano nga?"
"Wala nga!" Pagalit kong sinabi.
"Hay nako bahala ka na nga kakain nalang ako!" Pagalit ding sabi ni Vincent.
Habang kumakain si Vincent, tinuloy ko ang pagsagot sa tanong niya.
"Siguro kung nasa tamang age lang ako liligawan ko na talaga yun. SAYANG! Di bale....kakaibiganin ko nalang siya. Sana naman at least friendship ok siya."
Nung oras na yun, inaantay ko na si Vincent matapos.
"Bro ang bagal mo namang kumain!" Sabi ko.
"Wait lang....malapit na."
"Bilis! 5 minutes nalang! Baka ma late tayo." Nagmamadali kong sinabi.
Pagkatapos naming kumain ay umakyat na ulit kami. Grabe ang bagal ng pila paakyat! Ang dami naman kasi namin tapos maliit pa ang campus! Haays.
Next Part

BINABASA MO ANG
Maging Sila
General FictionSi Mark, isang matalinong estudyante, ay may nagustuhang isang tao na alam niyang malabong maging sila. Pero sa huli, naging masaya parin sila kahit ganun ang naging sitwasyon nila.